BREAKING BIRD NEWS

“di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news)…TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (sound epeks ng time check)…

CHINA: PARROT NA BASTOS, PINATAY. napag-alaman na tinuturuan ni Li Yong ang kanyang ibong loro na magsalita ng mga kataga tulad ng “hello” at “hi”. ngunit imbis na ito ang kanyang matutunan ay puro “idiot” lang ang salitang nabibigkas ng malas na loro. isa pang kinainisan ng may-ari ay tuwing dumadaan siya sa hawla ng kanyang alagang loro eh minumura siya nito. bagay na lubha niyang kinagalit at naging dahilan para ito ay kanyang patayin. opo, mga kababayan – patay na ngayon ang loro. pinatay dahil sa sobrang pagmumura.

ang iportanteng tanong ngayon ay… Ano sa Bicolano ang “Parrot”?

I AM COLOR BLIND

si Jet, Baby at Perskasin Imo, nagpapakyut sa San Francisco
color blind ako. well, partially color blind if you read what my medical certificate says. mayrong mga shades ng red at green ang di ko ma-distinguish, lalo na sa mga LED (light-emitting diode) na ginagamit sa mga cellphone at digital camera chargers. sa mata ko – amber silang pareho. pag nag cha-charge nga ako, tinatanong ko na lang kay jet kung nag green na yung red. o kaya inoorasan ko na lang. weird nga eh – yung mga ibang red (dugo, kaha ng marlboro, valentine paraphernalia, singkamas) at green (trees, grass, stop lights, yung langit) nakikita ko naman ng walang problema.

a “green trees and green grass” scene, taken somewhere in san francisco with jet, baby at perskasin simon. mahigit 18 years na atang kasal etong sina baby at imo. nagkakilala sila sa san diego nang US Navy (ng Japan) pa si perskasin ko. tulad namin ni jet, nakaka-aliw rin ang kanilang love story. masarap magluto si ate baby. pamatay ang kanyang barbeque at pansit malabon. hanggang ngayon nga, na-i-imagine ko pa rin ang lasa.

JET’S NEW HOME

si BATJAY, lance, Don Lorenzo, Troy at Prada Mama, nagpapakyut sa Modesto
bago na nga pala ang tirahan ng website ni jet. natutulog na ang mylab ko sa pansitan ng ninang kong si ate sienna. kasama niya doon si prada mama, asawa ng showbiz perskasin kong si don lorenzo. kasama rin nila roon (name dropping) si jim paredes ng apo hiking society. ang tsismis eh pupunta rin sa pansitan si keanu reeves. abangan na lang natin kung matutuloy.

kuha nga pala ito sa tahanan nina don lorenzo at prada mama last week. may xmas tree pa kasi, ayaw ipababa ng mga bata. sabi nila eh sa pasko na raw ng pagkabuhay nila tatanggalin. ok lang, at least inabot pa namin ang christmas cheer. natulog kami sa kanilang modesto home ng isang gabi. next day, nagluto si prada mama ng pot roast at may extra dessert pa na flan. ang sarap.

ninong daw ako sa upcoming baby girl nila sa darating na june. ayos. kumpare ko na, pinsan ko pa sina don lorenzo at prada mama.

JET'S NEW HOME