KINDERGARTEN PHOTO, SCHOOL YEAR 1971-72

CLICK TO ENLARGE. this is my kindergarten picture, school year 1971-72. wala pang martial law nung time na ito at maligayang maligaya pa ang pamilya namin. on the extreme left: my beloved teacher, mrs. chaves. siya ang asawa ng high school principal namin. both are very close to my heart. it's funny how time flies. kailan lang eh nagsisimula ka pa lang mag-aral, ngayon ikaw nang nagpapa-aral. some of the people you see in this picture are still my friends. in fact, they are my dearest and most intimate friends. nagkikita pa rin kami ngayon on a regular basis. magkukumpare, many times over. we still have fun and tell the same school stories over and over again. hulaan nyo kung nasan ako rito? siret... upper most row, 3rd student from the left. ako yung naka bungisngis
this is my kindergarten picture, school year 1971-72. maligayang maligaya pa ang pamilya namin during this time. less than a year after this picture is taken, marcos will declare martial law and my dad will lose his job at ABS-CBN. many years later, charo santos will rip off the show that he created and made popular.on the extreme left: my beloved teacher, mrs. chaves. siya ang asawa ng high school principal namin and both are very close to my heart. it’s funny how time flies. kailan lang eh nagsisimula ka pa lang mag-aral, ngayon ikaw nang nagpapa-aral.some of the people you see in this picture are still my friends to this day. in fact, they are my dearest and most intimate friends. nagkikita pa rin kami ngayon on a regular basis. magkukumpare, many times over. we still have fun during reunions and tell the same school stories over and over again, much to the dismay of our bored wives.

hulaan nyo kung nasan ako rito? siret… upper most row, 3rd student from the left. ako yung naka bungisngis – i.e. ngiting hanggang tenga na parang nababaliw.

ANG DATING FOLK SINGER NG MA MON LUK

nag simula akong mag-aral ng gitara ng 1979, a great music year. it was also a time of great change for me. i was 13 years old at bukod sa problema ko about my daily erections, my mom and dad had just split up. para matanggal ang lungkot, nag-aral akong mag gitara. self study lang, kaya amateur pa rin ako to this very day.

nalaman ko: ang pinakamadali palang paraan para matuto ay basahin ang jingle magazine beatles chordbook. pag tiningnan mo kasi ang mga kanta ng beatles – from their early days to their final “abbey road” LP, mayroong progression ng degree of difficulty. so, you start with the 3 chord, “love me do”. then as your skill grows, you try their “revolver” songs then graduate with the hard songs of “sgt. pepper’s” and the “white album”.

one weekend, i took out my guitar and recorded some songs. no overdubs, no practice – just plain 1 take eveything kaya recorded lahat ng mga mali, tawa at background coaching ni jet. online na ang mga ito ngayon at pwede nyong marinig (kung gusto nyo, hehe) sa “MGA KANTA NI BATJAY, ANG DATING FOLK SINGER NG MA MON LUK”. hindi naman ako magaling kumanta but i’ve got a lot of soul (and a lot of lakas ng loob). kaya, pag pasensyahan nyo na.

THE BEST SEAT IN THE HOUSE

the best toilets in the world are in japan. they come fully automated at mauupo ka na lang. at a push of a button, siya nang bahalang nag hugas ng pwet mo. mayron kang option to spray and splash your pwet with hot or cold water. what's more, yung toilet seat itself is heated. i always look forward to my trips to tokyo because of this.
ito yung litrato ng toilet seat ng hotel room ko sa tokyo. hightech yan. de pindot lahat ng controls at di mo na kailangan ng tabo-tubig combo, toilet paper or punas. sa bandang kaliwa ng bowl ay may push button station from where you operate this contraption. click nyo na lang yung picture to enlarge kung malabo nang mga mata ninyo. anyway, mayrong volume control para sa lakas ng tubig – from “pffft,pffft” spray to “oh my god, i’m coming”. mayrong din push buttons to rinse pwet, spray pwet and air-dry pwet. the seat is also heated – malaking advantage pag winter para di tuluyang lumiit ang pototoy mo. fully automated, kaya pag-upo mo, the whole thing turns on. if you look closely at the lid, nandon yung manual na may english instruction. ahhh, the wonders of technology, it’s leally belly belly implesib.

malakas ang appeal nitong automated toilet sa akin dahil ito ang trabaho ko. no dummy, i don’t make toilet seats. ako’y isang automation engineer at yung principles na ginagamit to automate japanese toilets are the same principles i use in my job. asamateropak, kaya ko sigurong i-automate ang banyo ko sa pilipinas. masubukan nga.

LOST IN TRANSLATION

pinabili ko sa opismeyt kong galing sa US. this is one of the best movies to come out this year. magaling ang direction ni sophia coppola, asawa ni (“adaptation” at “being john malkovich” director) spike jonze at anak ni francis ford. in this film, she comes out of their shadows. magaling din ang acting ni bill murray at scarlett johansson, subtle but with a big kick. nasa japan ako last year for a week (about the same amount of time that murray’s character was there) . naramdaman ko rin yung alienation but at the same time fascination with the japanese, their culture and way of life.

isang nakaka aliw na ugali ng mga hapon ay ang pag sunod nila sa de numerong schedule. kasama kong namasyal ang aking host na si ikegami-san. the night before binigyan niya ako ng schedule. kahit pleasure trip yung weekend ay talagang detalyado doon ang mga gagawin namin. poreksampol: 7:00 wake-up, 7:15 wait at lobby, 7:17 walk to train station, 7:22 ride train, 7:34 get out of train and ride bus, 7:47 walk to tokyo tower, etc. etc. tiningnan ko siya with an ‘are you kidding me’ look. apparently he was serious.

nung mga 11:30, nagutom na ako.
batjay-san: “ikegami san let’s have lunch”.
ikegami-san: “but jay-san, our schedule says we have lunch at 12:30.”
batjay-san: “drop the schedule. i’m hungry. let’s eat.”
ikegami-san: buntonghininga, simangot, punit sa schedule… “ok jay-san, we have lunch“.

MGA PELIKULANG NAKASALANG SA DVD PLAYER NAMIN

1. Belle Epoque. nanalo ng best foreign film, 1992 oscar awards. the ultimate male sex fantasy movie. set in 1931 spain, isang army deserter ang nagawi sa isang probinsya sa spain. doon niya nakilala si manolo at ang kanyang 4 na seksing anak na super ganda. ang suwerte nga ni manolo, nagkaroon siya ng carnal knowledge sa apat na ito. directed by fernando trueba. nakakatawa, maganda (at nakaka arouse?) ang pelikulang ito. dito ipinakilala ang then unknown – penelope cruz. dito nyo rin mapapanood si maribel verdĂș, ang kanais-nais na bidang babae sa “Y Tu Mama Tambien”.

2. Antonia’s Line. pagtapos ng worldwar II, umuwi si antonia sa probinsya nila sa holland, kasama ang anak niyang si danielle. dito nagsimula ang 40 year, mala epic na kwento ng pamilya nila. ito naman ang ultimate woman’s movie dahil sa magandang pagpapakita sa kakayahan ng mga kababaihan. marami pa ring sex but that’s ok. this is so different from the typical hollywood movie, which is why it’s so great. ang galing din ng dialog. at, sa pangalan pa lang ng mga characters (crooked finger, loony lips, the mad madonna), alam mong iba ang dating ng pelikulang ito. winner of the 1996 oscar award for best foreign movie.

JEEPNEY FUME BLUES

nakakatawa pag ikaw ay OFW overseas. you long for things that are otherwise loathsome under normal circumstances. nami miss mo ang ingay at gulo ng maynila. yung tunog ng arangkada ng mga tricycle at jeepney, yung alikabok at usok. yung ulan at ang kasunod na baha. iba kasi sa atin, nakangisi pa rin ang mga tao kahit nagdedelubyo. masaya kahit walang pera. kaya lang, sa tutuong buhay, di mo makakain ang saya at ngiti kaya kailangan kang mangibang bayan para kumita ng malaki. di ka naman pwedeng mag-nakaw o tumakbo for public office, altough minsan parehas yon.

kanina sa train, may nakasabay akong mga pinay na nurses. papasok sila patunong hospital. di naman ako nagpakilala dahil mahiyain ako. wala lang, tinatabihan ko lang sila dahil gusto kong makarinig ng tagalog. pag baba ko, nagsabi lang ako ng “makikiraan po”. napatalon yung isang nurse. siguro nagulat siya dahil nakarinig siya ng pinoy na salita. pwede rin na natakot siya sa boses kong parang galing sa ilalim ng lupa.

SUNSET SA ANTIPOLO

housekeeping: halatang obvious naman kung nakarating kayo rito na lumipat na ang site na ito sa nicanordavid.com. ito yung homepage namin ni jet na kamakailan lang lumipat sa isang mas malaking server. ang kagandahan nito eh naipasok ko na ang aming web album. kaya, sa mga kaibigan at kamag-anak namin na nag request ng mga additional kodakan, punta na lang kayo rito. naroon ang mga litrato natin sa america, pilipinas, singapore at iba-ibang bansang nadalaw namin itong mga nakaraang 3 taon. pati nga yung maskara days ko nung panahon ng SARS ay naron din.

mahilig akong kumuha ng mga litrato ng sunset. isa ito sa maraming mga sunset pictures sa album. alang sunset na maganda sa singapore. ito ang medyo nami miss ko rito. siguro dahil malapit masyado sa equator. either that or masyadong malakas ang mga ilaw dito at pag takipsilim, natatakpan ang iba ibang kulay na dala ng paglubog ng araw.

HINDI AKO NANALO NG $10 MILYON

sabi na nga ba, suntok sa buwan yang lotto na yan eh. hindi kami nanalo kahit man lang ambush. sayang. akala ko pa naman pwede na akong mag hire ng foreigner na domestic helper at mag retire. yung 3 maria ko nawala… mag ma-mariang palad na lang siguro ako. oh well, back to PLAN B.

ano ba ang PLAN B?

PLAN B: wake up, brush your teeth, morning jog, toilet rituals, take a bath, ride bus, ride train, walk, work, lunch, work, walk, train, bus, evening rituals. five days a week. weekend. etc. etc. dream of home, live, love, hope, dream, look back. multiply by 7 years till i’m 45. hopefully, sapat nang ipon para maging hardinero at part time engineer sa pilipinas. maigi na ito, kaysa naman patulan ko si motumbo embudo, yung nigerian na nagpapadala parati sa akin ng mga get-rich-quick email.

POSTSCRIPT: pagbaba ko nga pala sa train kaninang pauwi, bigla akong nagutom nang makaamoy ako ng ulam. after a while napag isip-isip ko, wala namang restaurant sa tabi ng train station. siguro may umutot lang na pasahero. bwisit talaga, muntik na akong masuka.

ANONG GAGAWIN SA $10 MILYON

ngayon ang bola ng lotto (or toto) dito sa singapore. pinag-uusapan nga ito sa lahat ng mga coffee shops at opisina dahil ang premyo ay 10 million dollars. tumaya nga kami ng mga ka-opisina ko. ang lotto rito ay pitong numero. eh pito rin kami sa opis kaya tig-isa kaming number. ang aming taya: 05, 08, 09, 12, 13, 22, 26… i cross my fingers and legs, sana manalo kami. magkano ba ang tatamaan ko? eto ang computation: 10 million dibaydibay 7 equals 1.43 million dollars, equivalent to 47 million pesoses. PACKINGSHEET!

pag nanalo ako, kukuha ako rito ng tatlong domestic helper. isang intsik, isang malay at isang bumbay. ang itatawag ko sa kanilang tatlo ay “MARIA” (as in mariang-palad?). papahirapan ko sila ng husto. bukod sa regular na pag asikaso nila sa bahay: yung bumbay, taga pedicure/manicure ko. yung malay, taga hugas ng aking pwet. yung intsik ang magpapaligo sa akin.

tapos, tuwing linggo iimbitahin ko ang lahat ng mga kababayan natin dito na mga DH. papupuntahin ko sa bahay para pagsilbihan ng tatlong kumag kong katulong na mariang intsik-bumbay-malay. ok na siguro ito bilang pang ganti sa mga tao ritong mababa ang tingin sa mga pinoy.

ANG AKING KASALUKUYANG BINABASA

“well madam, i will tell you one thing. you are back in india for a good shaking.
here you will dance with death and be reborn. you will be a chameleon of karma…”

Holy Cow : An Indian Adventure by Sarah Macdonald. true story ng isang babaeng pumunta sa india when she was in her 20’s – asar na asar siya sa init, bahu at dami ng tao. she vowed never to return kahit na hinulaan siya ng isang bumbay na pulubi na babalik siya sa india dahil sa pag-ibig. after 11 years, nagkatutuo ang prophecy ng pulubi nang mag resign si sarah sa kanyang trabaho at bumalik sa india to be with the love of her life na isang reporter assigned to cover the sub-continent. nakakatawa ang novel na ito at if you’ve been to india, you’ll find out that everything she says is so true. kung di pa kayo nakakarating sa india, eh this book is the safest, most hassle free way to do it – ie alang amoy, bakang naglalakad sa gitna ng kalye, makukulit na taong mahilig mangalabit, etc.

Top 10 by Alan moore, Book’s 1 and 2. what would it be like if you were living in a world where everybody is a superhero – ulitmo mga basurero at pok-pok girls and boys ay may kanya kanyang kili-kili powers. maganda ang comics na ito, at highly recommended if you’re into this genre. paano ba ito bigkasin, “dyen-reh”? hehehe. john-rah, gago! parang ren-des-bus? run-dee-buh, gagi!