Peter O’Sullivan: “Why are you always smiling?”
Conner Rooney: “Because I find life so fucking hysterical!”
isa siguro ang american beauty sa current top 10 list ko. una, dahil sa storya. from start to finish, magaling ang nakakatawa, nakakaiyak at very original na script ni alan ball. incidentally, siya rin ang writer/director/producer ng “six feet under”, yung isda best na series sa HBO.
pangalawa, yung cast – from kevin spacey to chris cooper to annette bening to thora birch, walang tulak-kabigin sa mga artistang gumanap dito. bukod sa “the usual suspects” ni x-men director brian singer, ang “american beauty” siguro ang pinaka magaling na pelikula ni spacey.
ikatlo, yung cinematography ni (the late great) conrad hall, in particular, yung laro ng light and shade sa set. ikaapat ay yung musica. magaling ang score at yung soundtrack ay espesyal sa akin. lalong lalo na ang eksena na pinatugtog ni mena suvari yung “don’t let it bring you down” ni neil young na cover ni annie lenox – it kills me everytime i watch it.
at panghuli, yung direction ni sam mendes – in particular, yung subtlety, yung pace at yung takbo ng buong pelikula… ang galing. di ko na ipapaliwanag, panoorin nyo na lang. hehehe.
Continue reading →