FIRST DAY OF SPRING AT AKO’Y NADAPA (wala namang spring kasi sa singapore eh)

nakakatawa ang umaga ko. hahahahaha. nadapa ako sa pag-akyat sa escalator dahil sa pagmamadali kong habulin ang train papunta sa office. pahiya ako. naka porma pa naman ako (bago ang long sleeved shirt ko!). hahahahahaha…. yan ang napala mong gago ka!oo na… “oo ate”, “oo ate”, puro na lang ako “oo ate”.

napahiya ako sa harap ng maraming tao. ako yun! ako nga yung tumambling sa escalator kanina sa may tanah merah station ng singapore MRT. mabungi sana kayong mga nangiti sa akin! makalbo sana kayong mga humalakhak (kahit babae pa kayo!) hehehehe… di na ako tumingin sa likod ko, baka mapa-away pa ako pag napikon ako sa mga tumatawa. hehehe. deadma na lang. di lang naman ito ang first time kong malaglag. maraming beses na akong nadadapa, natatapilok, nahuhulog, natutumba, etc. etc. etc.

Continue reading