nabuhusan ng kape

nabanggit ko na ba na nasira yung office laptop ko last month? nagtatrabaho kasi ako rito sa bahay, medyo inaantok at nabangga ko yung mug ng kape at natapon ang laman sa keyboard. to make the short story longer eh hindi ko na-save yung computer kaya kahit nakakahiya ay nag request ako sa boss ko na palitan ng bago. ang good news lang ay hindi na-damage ang hard disk kaya na retrieve ko lahat ng mga dokyumento ko.

fast forward a month later…

dumating na yung bago kong laptop. it’s a much bigger and more powerful machine. great graphics and lots of goodies. ang isa sa mga goodies na kinuha sa akin ng aming IT department ay hardened ang case kasi ginagamit ko ito sa mga business trip at ang pinaka importante sa lahat: splash proof ang bwakanginang keyboard.

You’re yummy but you make me feel cheap


minsan mayroong mga pagkain na mahirap tiisin. minsan nama’y mayroong mga mahirap tiisin na pagkain na pakiramdam mo eh ika’y nagjajakol, dahil kinakain mo lamang ito para sa self gratification. alam mo kasi, wala itong nourishment o health value, pero nginangasab mo pa rin ito dahil nakaka adik.

tangina ka, Grandma’s Homestyle Fudge Chocolate Chip cookies. you make me feel cheap.

What did you kill Bungalow Bill?

mayroon kaming facilities sa opisina para sa exercise kaya nga ok lang para sa akin na tumakbo o mag bike to work. nakakaligo ako kaya hindi ako amoy liver spread sa trabaho. may mga araw nga lang na nakakabwisit. pag nasa locker room kasi ako at nagbibihis, minsan may dadaan sa harap kong galing sa shower room na naka hubo.

Continue reading →

Pinoy Espanyol

tinanong ako ng bisita kong taga argentina kagabi kung bakit hindi marunong mag espanyol ang mga pinoy. sinabi ko na ito’y dahil sa kaswapangan ng mga bwakanginang colonizer at saka dahil sa trauma dulot ng mga unimaginative na spanish teacher na pilit pinapakabisado ang “mi ultimo adios” sa mga tulad kong sutil.

pwede bang supot?

masarap kasama ang mga pinoy na controls engineer. simple lang, walang porma, medyo nakakatawa at maraming mga kwento tungkol sa mga kaibigang matagal ko nang hindi nakikita. maliit lang ang mundo. malimit dumating sa buhay ko ang mga taong nakilala ko nung unang panahon, o kaya, mga taong bago kong kakilala na kilala yung mga taong nagdaan sa buhay ko.

oo nga pala: kagabi, may nakasama akong engineer na naghahanap ng boypren. tinanong ko kung anong qualification. basta raw walang putok, ang sagot sa akin. gusto ko ngang tanungin kung ok lang na supot pero nahiya ako.