dinner is soft tofu and spinach, stir fried in garlic, chili, soy sauce and sesame oil. medyo maanghang ang timpla ko ngayon kaya malamang bukas ng umaga, bago pa sumikat ang haring araw eh mga limang beses akong uupo sa trono.
ano kaya ang pakiramdam ng may bahay na malapit nang gumuho? bahay na ilang taon mong pinagputahan, unti-unting gumuguho dala ng pagbagsak ng lupang kanyang kinatatayuan. oo virginia, para siyang yung kastilyong buhangin na kinakanta ni basil.