the making of god only knows

http://emp.bbc.co.uk/emp/embed/smpEmbed.html?playlist=http%3A%2F%2Fwww.bbc.co.uk%2Fiplayer%2Fplaylist%2Fp028640w&title=BBC%20Music%3A%20God%20Only%20Knows%20(BBC%20Music)%20%20behind%20the%20scenes%20film&product=iplayer

thank you BBC.

instant karma

punong-puno ako ng mabuting karma ngayon. sana sa reincarnation ko, hindi ako gawing surot ni baby jesus. kanina kasi sa starbucks, may nakaiwan ng wallet na punong puno ng pera. hindi ko ito dinekwat. ibinigay ko sa barrista.

sana hindi siya kleptomaniac.

paglisan

pag namatay ako, ayoko naman ng drive thru viewing. ayoko rin ng drive by viewing. actually, ayoko ng kahit na anong viewing. itapon na lang agad ang katawan ko sa crematorium at ihagis ang abo ko sa pacific ocean. tapos magkantahan na lang sa bahay para masaya.

wala nang burol. gastos lang ito sa biscuit at kape, ang dami pang mapupuyat.