Pakbet Blues

nagluto ako ng pakbet mang boy, sobrang sarap #Madapaka – kaunti lang ang gulay na nilalagay ko: talong, ampalaya, sitaw, tapos pang-gisa na kamatis, bawang at sibuyas. walang bagoong. patis lang nilalagay ko.siyempre, may lechon kawali na sahog. simple lang, pero rock.

lechon kahapon, paksiw ngayon

lechon kahapon, paksiw ngayon – ang pagkain natin ay sumasalamin sa maabilidad na paraan ng pamumuhay ng mga pinoy. yaong paggamit ng mga tira-tira para walang masasayang at ang pagpapahaba sa buhay ng pagkain para pwede itong kainin ng mas matagal.

minsan, nagtataka ako kung bakit nakakaya nating magtrabaho sa desyerto ng gitnang silangan, nakikitira sa mga among amoy kambing at may pag-iisip ng tagapag-alaga ng kambing. ngayon, alam ko na, mang boy