narito na yung inorder kong hair clipper, pagkatapos maghintay ng mahigit isang buwan. akala ko nga di na darating at iniisip ko nang sunugin na lang yung ulo ko. dalawang clipper nga pala ang nasa kahon – isang malaki at isang maliit. tamang tama yung maliit – mamaya pagkadilim, guguputin ko na yung mga buhok ko sa betlog at sa paligid ng butas ng pwet.
Quarantune: hold on to memories – madalas kong pinapatugtog sa aking paglalakad, mang boy. angkop na angkop kasi habang ating idinadalamhati ang pamumuhay bago nagka-COVID na baka hindi na magbalik.
nagluto ako ng crispy binagoongan – ulam siguro ng isang linggo. isa ito sa mga paborito kong lutuin. madali lang pero inaabot ako ng dalawang araw kasi ginagawa ko pa muna yung lechon kawali, tapos ito ang ginagamit ko sa binagoongan. mas malasa, mas masarap.
“So supposing we hit the body with a tremendous — whether it’s ultraviolet or just a very powerful light — and I think you said that hasn’t been checked because of the testing and then I said, supposing you brought the light inside the body, which you can do either through the skin or some other way, and I think you said you’re going to test that, too.”
“I see the disinfectant that knocks it out in a minute, one minute. And is there a way we can do something like that by injection inside or almost a cleaning? As you see, it gets in the lungs, it does a tremendous number on the lungs, so it would be interesting to check that.”
Katatapos ko lang basahin ang kwento ng buhay ni Malaka Gharib, pinamagatang “I was their American Dream” – isa sa mga pinakamagandang libro na nabasa ko lately, Mang Boy.
Lumaki si Malaka sa Cerritos, pugad ng mga Kapinoyan sa SoCal – siudad na malapit sa aming puso dahil parati namin itong pinupuntahan upang kumain sa Salo-Salo Grill. Natutuwa ako na isinulat niya ang kwento ng buhay niya bilang anak ng mga imigranteng Pinoy at Egyptian ng may lambing, pag-ibig at buong katapatan.
Napasaya rin ako na may kahalong pagmamalaki – ang kanyang kwento at ang mga kwento ng kanyang imigranteng pamilya ay kwento ko rin. Sa wakas nakabasa rin ako ng libro tungkol sa buhay ng isang tao kung saan naintindihan, hindi lamang ng utak ko, ngunit ng kailaliman din ng aking puso.