3 o’clock prayer

alas tres ng hapon daw sila magkikita sa harap ng national bookstore sa araneta coliseum. kakain kasi sila sa 3M pizza bago manood ng pelikula ni FPJ sa coronet. matagal din siyang nakatayo roon at huminto lang siya sa paghintay nung kasing laki na ng bola ng jackstone yung binibilog niyang kulangot.

meow!

mayroong kaming alagang pusa na nagkukubli sa loob ng kisame. kapag ganitong malapit nang mag hatinggabi, napapatalon ako pag nakakarinig ako ng kaluskos galing sa langit. akala ko kasi eh ito na yung muling pagbabalik ni baby jesus para sa katapusan ng mundo.

Sangandaan

Walang kumplikasyon
Walang kumplikasyon
Ang buhay mo noon
Kalooban mo’y panatag
Kalangitan ay maliwanag
Ang daan ay tuwid at patag
Sa buhay mo noon

Ngunit bawat pusong naglalakbay
Dumarating sa sangandaan
Ngayong narito ka
Kailangang magpasya
Aling landas ang susundin ng puso?
Saan ka liligaya?
Saan mabibigo?
Saan ka tutungo?

Kay daling sumunod
Sa hangin at agos
Aasa ka na ang dalangin
Gagabay sa iyong damdamin
Ngunit saan ka dadalhin
ng hangin at agos?

Alam mong bawat pusong nagmamahal
Dumarating sa sangandaan
Ngayong narito ka
Kailangang magpasya
Aling landas ang susundin ng puso?
Saan ka liligaya?
Saan mabibigo?
Saan ka tutungo?

pagsambang bayan

dear mang boy,

minsa’y naging gitarista rin ako nung high school, kung saan ginawa naming rock and roll ang mga awitin sa misa – pagsambang bayan na lubos na ikinagalak ng buong paaralan.

happy notre dame day,
unkyel batjay

It’s finger lickin’ good

dear mang boy,

pansamantalang ihihinto ng Kentucky Fried Chicken ang matagal na nilang kataga na “it’s finger lickin’ good,” dahil daw hindi ito nararapat sa kasalukuyang kalagayan ng COVID-19 kung saan ang personal na kalinisan ay pangunahing prayoridad para hindi ito lumala pa ng husto.

nagmamahal,
unkyel batjay

PS ayon sa mga awtoridad, ang bago raw na kataga ng KFC ay “Please lang po, huwag gawing sabaw ang gravy”

qualities possessed by our best leaders

ito ang aking isinasapuso, mang boy.at sa mga ito, ang aking mga karagdagan: maging rebelde paminsan-minsan, huwag magatubiling makipagsalaran, huwag matakot mabigo, ariin mo ang iyong mga pagkakamali at gawing mas mahusay sa susunod.