My life has been a tapestry of rich and royal hue

home alone ako ngayon hanggang april (or possibly even may – araguy). mga two months din na wala si jet sa tabi ko. ang laki laki pa naman ng flat namin dito sa singapore. four rooms, one big hall at spacious kitchen… at isang kupal na kakalog kalog (ako yon). may pupunta naman once a week para gawin ang housework. pero ako pa rin sa pagluto (which i really enjoy) at paglabada (na hindi ko kabisado). spoiled kasi ako. all my life, mayrong mga nag aayos ng mga pangangailangan ko sa bahay habang ako’y naghahanap buhay. nung bata ako, ang mommy ko. nung nag-asawa naman ako ay si jet ang siyang naging house manager. bagay na gusto niyang gawin at siyempre ok na ok para sa akin. ang problema lang niyan ay pag dumarating ang mga pagkakataon tulad ngayon – dalawang buwan kaming hindi magkikita. oo, siguradong kakapal ang kalyo ko sa kamay kaya nagbaon na nga ako ng maraming lotion eh. pero actually hindi naman yon ang problema ko… ang major problem ko ay ito (sana ay matulungan ninyo ako rito): pag ang t-shirt mo ay puti tapos ang kwelyo niya ang dark blue, saan siya babagsak – sa puti o sa decolor?

A question that sometimes drives me hazy: am I or are the others crazy?

ITO ANG HITSURA KO PAGKATAPOS MAGLANDING NG EROPLANO KANINANG MADALING ARAW katulad ng sabi ni tito rolly, pangkaraniwang mukha ko ito. in effect, inaayos ko lang ang sarili ko pag may kaharap na ibang tao at front ko lang yung guwapo kong mukha para sa mga bisita. this is also the face you see pag stressed out ako o malungkot. ganito ang mukha ko nang lumabas sa eropplano kanina. sobra sigurong jet lag. isa pa miss ko na ang mylabopmayn kong si jet na naiwan sa sacramento. ano ba yan – “jet” lag both literally and figuratively. di bale sandali lang naman. sana pag balik niya ang bumalik din ang dati kong anyo. may magkakagusto kaya sa akin kung ganito ang mukha ko? may kakausap pa kaya sa akin? what would you do kung may kumatok sa bahay ninyo na ganito ang mukha at sinabing – “sa department of health po ako nagtatrabaho. gumagawa kami ng survey tungkol sa condom at sa iba’t ibang mga family planning methods. pwede po bang tumuloy?“

BATJAY IN SEOUL KOREA

happy valentines day mylab. di naman natin ito sinecelebrate pero ganon pa man…. i’m here in seoul for an hour or so. i really am having a bad day – siguro mas bad pa nga sa kung ako ay isa sa mga siamese twins, ang kakambal ko ay bakla and we share the same pwet. malayo ka kasi sa akin eh. ang consuelo de bobo ko lang mylab ay mabigat pa rin ang sipon ko. kahit amoy bulok na langka ang katabi ko ay wa epek dahil wala akong pang-amoy. ako nga yata ang gumaganiti for all those times na tayo ang nasa smelling end dahil kanina pa ako utot ng utot sa eroplano. di ko alam kung mabaho dahil, like i’ve said, wala nga akong pang-amoy.

kanina sa pagsakay ko sa eroplano sa san francisco, bigla akong nakaramdam ng matinding lungkot nang marinig kong nagsasalita ang mga pasahero sa kanilang typical singaporean accents. kakahiwalay pa lang natin ng ilang minuto, pakiramdam ko ay milya milya na ang layo ko sa iyo. miss na miss kita. pero if you have to do this then we do it the right way as you say. tiisin mo na lang. narito lang naman ako. and who knows… in 2 weeks time, i’ll be there again. lab U!

SIAMESE TWINS

BATJAY: “i’m having a really bad day”

PINSAN NI BATJAY: “bakit naman?”

BATJAY: “ang bigat ng sipon ko, inuubo ako at may lagnat pa. nakakainis.”

PINSAN NI BATJAY: “wala yan. ang talagang bad day ay kapag ikaw ay isa sa mga siamese twins, tapos ang kakambal mo ay bakla at iisa lang ang pwet ninyo.

ANG DILA NA TINUBUAN NG MUKHA

ANG DAHILAN KUNG BAKIT MALAKAS ANG APPEAL NI BATJAY SA MGA KABABAIHAN hindi naman yan nadadaan sa pagandahan ng lalaki (although kyut din ako). ang sikreto kung paano mapapalapit sa opposite sex ay nasa haba ng dila. siguradong magpapatanggal ito ng itim sa mata ng mga kababaihan. hehehe. nung araw, may kasabihan na ang mga bisaya raw make the best boyfriends kasi matitigas ang mga dila nila pag nagtagalog. paano ba yan, bisaya rin ako. matigas na ang dila eh super haba pa. daig ko pa si idol gene simmons ano? naalala ko tuloy yung kwento ng isa kong kabarkada – heto medyo related pero off topic (tungkol din naman sa body parts so bear with me). sabi niya, kung kaya raw niyang i-blow job ang sarili niya eh hindi na raw niya kailangang magpakasal. naku, titigil na ako. ganito pala pag may lagnat kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. papunta na kami ng sacramento bukas. nagpapagaling lang ako rito sa modesto – hopefully bukas ay pwede na ulit akong humarabas. isang oras lang naman ang byahe papunta roon.

MODESTO, CALIFORNIA

narito na kami sa modesto, ang bayan in between sacramento and san francisco. mahaba haba ring byehe from los angeles. nagsimula kami ng mga 6:30 am kahapon at nakarating ng mga 1:00 pm. hindi na rin masama considering na masama ang traffic sa LA. medyo nahirapan lang ako dahil bigla akong sinumpong ng ubo at sipon. siguro dahil na rin sa pagod ng sobrang pagmaneho. nung byahe nga eh barado ang dalawang butas ng ilong ko at humihinga ako sa bibig. yung tunog na lumalabas sa bibig ko ay parang lalaking kakatapos lang mag orgasm.

Gone are the dark clouds that had me blind

GENTLE READER: dear unkyel batjay, malamig po ba diyan sa amerika? nag-aalala po kasi ako na baka magkasakit ka diyan.

BATJAY: dear gentle reader, oo malamig rito sa amerika. hindi nga ako sanay dahil bigla akong nagkaroon ng sipon at ubo. pag ihi ko rin sa umaga, di ko makita ang pototoy ko. akala ko nga eh napalitan na ito ng pekpek. pero awa ng diyos tumatayo pa rin siya.

QUOTE OF THE WEEK

ANG QUOTE OF THE WEEK ay galing sa CHILDHOOD FRIEND NI BATJAY na based sa Los Angeles, California kung saan siya ngayon nagbabakasyon:

“ako? i practice safe sex
lalong lalo na dito sa america.
kaya nagsusuot ako ng condom
kahit nagjajakol lang ako.
”

ang quote of the week na yan ay handog sa inyo ng “RUBY BLADE POMADE, ANG POMADA NG MGA NAG_AAHIT!”

UNIVERSAL STUDIOS CALIFORNIA

UNIVERSAL STUDIOS WITH ATE SIENNA AND JET nag punta kami ng universal studios ngayon nina jet at ate sienna. enjoy na enjoy kaming nakipaghabulan sa mga mascot doon. naroon si woody woodpecker (tinanong ko nga kung malaki ang pecker niya eh), si tommy ng rugrats, si idol kong beetlejuice, at ang mga paborito kong super heroes (and villains) na sina captain america, storm, green goblin at ang pinaka cool sa lahat – si spiderman. binigay ni jet kay spiderman ang spideman kong laruan. pinaglaraun naman ni spiderman si spiderman ko (please see picture). nakita ito ni captain america at biglang sumigaw ng – “hey spiderman, stop playing with yourself”. TAWANAN ng malakas lahat ng mga tao sa universal studios. i shit you not, this acutally happened today.

REDONDO BEACH, CALIFORNIA

REDONDO BEACH WITH JET, ATE SIENNA AND G saturday morning and our first day in LA, nagpunta kami sa redondo beach nina jet at ninang kong si ate sienna para kumain ng parang wala nang bukas makipagkita kay g – ang bagong miyembro ng pansitan na dito rin nakabase. sige na nga, kumain talaga kami na parang wala nang bukas. hehehe. masarap kasi ang seafood sa redondo beach at tangina, umandar na naman ang seefood diet ko (ie, when i see food, i order it). apat lang kaming kumain pero good for fifteen ata ang kinuha namin. mayroon kaming lobster, pritong tilapia, shrimps, lobster, sashimi, oysters, lobster, chips, rice, katakut takot na sauce at nabanggit ko na ba na may lobster? hehe. ang tangkad pala ni g, mestisahin at ang galing pang mag english. BWAHAHAHA. siyempre dito na siya pinanganak eh. nabulol tuloy ako sa pagsalita dahil kung saan saan ko hinanap ang english ko. parang lumabas tuloy ang cebuano-kapampangan english accent ko pag nagsasalita. pero sa tutuo lang, the redondo beach lunch was the best meal i had since arriving here. sariwa ang sea food doon at reasonable ang price. at ang pinaka importante sa lahat ay kasama kong kumain doon ay mga tunay na tao – magaganda, mababait at napakalakas kumain. BWAHAHAHA. salamat g (thanks for the gifts as well) and ate sienna for taking us around redondo beach. jet and i had a blast!