WHERE THE SUN DOESN'T SHINE

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DATELINE ROMANIA. isang babae ang nahuli ng mga pulis kamakailan dahil sa pagnanakaw ng mga cell phone. nakita umano ng mga pulis ang ninakaw na cell phone sa loob ng pwet ng babae.

Continue reading →

THE FROWNS ON THE JUGGLERS AND THE CLOWNS

etong mga nakaraang dalawang buwan, nakalublob ako sa musika at buhay ni bob dylan. pinanood ko yung bagong obra ni scorsese na “no direction home” – film biography ito tungkol sa buhay ni dylan simula nang umalis siya sa minnesota hanggang sa pag switch niya sa electric nung 1966. ibinili rin ako ni jet ng “chronicles, volume 1” sa isang book sale, na siyang naging bedside book ko lately. eto ang autobiography ni dylan na ginawa niya (siyempre, saan ka ba naman nakakita ng autobiography na gawa ng ibang tao – gago).

Continue reading →

“I do think the patriotic thing to do is to critique my country. How else do you make a country better but by pointing out its flaws?” – Bill Maher

kung wala rin kayong magawa ngayon, atsaka na lang kayo mangulangot – pakinggan ninyo na lang ang ginawa kong chipmunk version ng “panatang makabayan“.

para sa mga tulad kong lumaki nung 1970’s, ang panatang makabayan ay nakaukit nang permanente sa kukote mo dahil binibigkas ito during every flag ceremony. it’s funny how much silly crap you retain in your long term memory samantalang yung mga importanteng dapat mong matandaan eh hindi mo halos maalala.

ang isang nakakainis pag ganitong papasok na ng 40 years old eh nagiging makakalimutin ka na. ni hindi ko na nga matandaan ang cell phone number ko. nakakahiya nga kasi pag may nagtatanong ng number, kailangan ko pang silipin ito bago ko maibigay. pero ang panatang makabayan? lyrics ng bagong lipunan song? student number ko nung college? i can probably recite these in my sleep.

"I do think the patriotic thing to do is to critique my country. How else do you make a country better but by pointing out its flaws?" – Bill Maher

kung wala rin kayong magawa ngayon, atsaka na lang kayo mangulangot – pakinggan ninyo na lang ang ginawa kong chipmunk version ng “panatang makabayan“.

para sa mga tulad kong lumaki nung 1970’s, ang panatang makabayan ay nakaukit nang permanente sa kukote mo dahil binibigkas ito during every flag ceremony. it’s funny how much silly crap you retain in your long term memory samantalang yung mga importanteng dapat mong matandaan eh hindi mo halos maalala.

ang isang nakakainis pag ganitong papasok na ng 40 years old eh nagiging makakalimutin ka na. ni hindi ko na nga matandaan ang cell phone number ko. nakakahiya nga kasi pag may nagtatanong ng number, kailangan ko pang silipin ito bago ko maibigay. pero ang panatang makabayan? lyrics ng bagong lipunan song? student number ko nung college? i can probably recite these in my sleep.

MANSIONS OF GLORY IN SUICIDE MACHINES

“born To run” is an exceptional song. ginawa ito ni springsteen nung 1974 kasama ang e-street band and it took them six months to record. six months to record just one song? packingsheet! kilala kasing obsessive compulsive perfectionist si the boss at kung ano anong mga special effects ang nilagay niya sa kantang ito – mayroong mga overdubs ng acoustic guitars, boses pa yata ng mga kabayong naglalampungan at kung ano ano pang mga instrumento. in fact, ang kantang ito ay classic example ng “wall of sound” style na ginawang popular ni phil spector. springsteen’s legendary dedication to his craft paid off dahil “born to run” is probably one of the best rock songs of all time. a masterpiece that still sounds fresh today as it was when it first came out exactly 30 years ago this year. besides the excellent production of the song, it’s the lyrics that really hits you. how can you fail with lines like this

Together Wendy we’ll live with the sadness
I’ll love you with all the madness in my soul

pag sinabi mo ito siguro sa gelpren mo eh baka bigla ka niyang ayain mag sex.

Continue reading →

THERE IS TIME TO KILL TODAY

paano mo ipapaliwanag sa mga kaibigan mo na “time is gold“? para sa mga matagal nang hindi nakakauwi sa pilipinas, ito nga pala ang paboritong motto ng mga beauty contestants at parati mo itong maririnig during the Q&A portion. hehehe. naalala ko tuloy yung joke na pinadala ni mec sa amin, hindi ko alam kung sino ang author nito…

Host : What is your favorite motto?
Contestant : (After a long pause) I don’t have a motto eh.
(So the crowd starts helping her out by whispering – “Time is gold! Time is gold!”)
Contestant : I have na po. Chinese gold!

Continue reading →

I AM THE WALRUS

ngayon nga pala ang 25th anniversary ng pagkapatay kay john lennon. naalala ko pa yung eksaktong oras na mabalitaan ko ito, sinalubong ako ng classmate ko sa corridor at sinabing nabaril nga si john at namatay. i was 14 years old at second year high school ng nangyari ito nung december of 1980. magulo ang mundo ko nung time na iyon dahil ito yung panahon na rocky ang relationship ng parents ko. pero kahit magulo eh masaya pa rin. karamihan sa amin ay dito namulat sa sex at marami ang nabinyagan sa mga casa sa avenida. nung panahong iyon, sikat pa yung coronet inn. malapit ito sa bumbero ng santa cruz at alas otso pa lang ng umaga ay bukas na. sabi ng classmate kong intsik, mas mabuti raw na pumunta ng maaga dahil bagong ligo pa yung mga nagtatrabaho roon. mayroon na ring mga nagtutulak ng damo sa amin nung 1980 at ito ang taon na naging regular ang aking paninigarillo. it would take me 24 years before i would stop. bwakanginangyan, kung di pa sasabog ang appendix ko, hindi ako hihinto.

Continue reading →

“Never go to a doctor whose office plants have died.” – Erma Bombeck

ang isang pinagpapasalamat ko sa paglipat namin dito sa amerika ay medyo liberal ang kumpanya ko sa medical benefits. ok rin naman nung nasa singapore kami at covered ang medical expenses ko – kung maalala ninyo, nakalibre ako ng maoperahan ako nung sumabog ang appendix ko nung 2003. medyo malaki rin ang inabot ng bill ko dahil muntik na akong natepok.

ngyeniwey, kaya mas maganda ang benefits ko rito eh dahil bukod sa medical, mayroon pa akong dental at vision plan. tapos ang pinakamaganda sa lahat ay kasama pati pamilya. siyempre may dagdag sa monthly kong kaltas pero sulit naman. nagamit na nga ni jet sa kanyang mga regular check-up. malaki ba ang natipid? oo. ang average payment sa specialist ni jet ay mga $400 per session pero $30 lang ang binabayaran namin.

kaya nga ako eh magpapa tingin na rin. nagpa schedule na nga ako ng appointment sa january. magpapa general check-up ako tapos isasabay ko na rin ang pagpapatuli.

NOTE: pakinggan ang MEDICAL BENEFIT PODCAST na ginawa ko para sa mga taong hindi nakakabasa nitong entry kasi lumabo na ang mga mata dahil sa sobrang pag jajakol.

"Never go to a doctor whose office plants have died." – Erma Bombeck

“The wounds of love can only be healed by the one who made them” – Pub. Syrus

ayon sa bagong research, mas matagal daw gumaling ang sugat pag nakipag away ka sa asawa mo. stress related daw. impak, yung 30 minutes worth of fighting daw ay sapat na para gumaling ang sugat mo by a day longer. ano ibig sabihin nito? paano kung 15 minutes lang kayong nag-away? paano kung isang oras? paano kung nasugatan ka habang nag-aaway kayo? gagaling pa kaya ito? halimbawa nagkasagutan kayong mag-asawa, tinawag mong pangit ang misis mo at binato ka ng sapatos, tapos tinamaan ka ng mataas na takong sa ulo at pumutok ang noo mo. hihilom ba ang sugat? kaya mag-ingat kayong mga misis: pag nag-away kayong mag-asawa , batukan nyo na lang ang mga mister ninyo. mas healthy ito kaysa sa kalmot. iwasan din ang pag gamit ng kutsilyo.

NOTE: listen to sugat ng puso for the visually impaired