first year anniversary namin dito sa america last week. bilang celebration eh nanood kami ng concert ng CSNY sa verizon amphitheater. ang bilis ng panahon ano? parang kahapon lang eh kumain ako ng lumpia for dinner. ang sarap kasi ng ginawa ni jet na lumpia kaya bigla ko tuloy naalala ang pilipinas. pero mabalik ako: ang bilis nga ng panahon – parang kahapon lang ay dumating kami sa airport ng los angeles bitbit ang aming labindalawang bag para magsimula ng bagong buhay dito sa southern california. ang dami nang nangyari simula nung araw na iyon.
Continue reading
Memory is a complicated thing, a relative to truth, but not its twin
may nabasa akong article nung araw na nagsasabing ang earliest memories daw natin ay, more often than not, emotionally tragic events. ewan ko kung tutuo, sa sobrang tagal na kasi eh hindi ko na maalala ang detalye nung article. baka nga na twist ko ang information na ito with childhood amnesia. memory plays tricks on you sometimes. kanina ko pa nga iniisip kung ano ang pinaka earliest childhood memory ko at heto ang mga snapshots na lumalabas.
Continue reading
A narcissist is someone better looking than you are
dear unkyel batjay,
ano po ba ang ibig sabihin ng “NARCISSISTIC”?
nagmamahal,
gentle reader
A key in the door, a step on the floor
masaya pag lunch time sa opis namin kasi maraming mga activities. parating puno ang gym dahil sa mga matatabang amerikanong nananaginip pumayat. may regular basketball at beach voleyball games na tumatagal hanggang alas dos ng hapon. mayroon ding cyclist team na umiikot sa lake forest at mayroon ding tulad ko na tumatakbo around the community. ang hirap lang ay pag sabay-sabay kaming natatapos mag work out eh napupuno ang shower room at matagal ang waiting time. ang yayabang pa naman ng ibang mga kasama ko, siguro dahil malalaki ang mga titi nila. naglalakad kasi sila sa loob ng hubo’t hubad. hindi ko naman alam kung talagang malaki kasi hindi naman ako tumitingin sa ibaba. ayoko naman gayahin kasi baka pagtawanan ang aking asian size kaya naka twalya ako parati. kung sakaling alaskahin nila ako in the future sa laki, ang isasagot ko na lang eh “di baleng maliit, matigas naman”. paano ba ito sasabihin sa english?
ALIVE
dear kuya,
naalala mo ba nung bata ako, parati mo akong kinukwentuhan tungkol sa mga iba-ibang animals? nung nasa novaliches tayo, parati mo akong pinapasyal sa ilog para tingnan yung wildlife doon. kahapon kasi, nagpunta kami sa dana point para mag whale watching. ang layo na ng narating ko ano? thirty years ago, magkasama tayo sa tullahan river para panoorin yung mga gurami at isdang kanal na lumangoy doon. ngayon, eto na ako, nakasakay sa isang malaking bangka (‘dapor’ ang tawag natin dito nung araw. naalala mo ba?) para panoorin ang mga blue whale sa california coast. migration season nila ngayon at sinuwerte kami kahapon dahil naka ilang sighting kami.
TOP 10 LIST: ANG MGA NATUTUNAN KO TUNGKOL SA SEX
mabentang mabenta ang “REBELS WITHOUT BECAUSE” ngayon kasi ang topic ay tungkol sa sex. kamusta ba ang sex life ng mga pinoy na nasa late 30’s at early 40’s? tumatayo pa rin ba? may asim pa rin ba ang mga butihing ginang ng tahanan? lahat ng ito ay mababasa ninyo sa topic na tinawag naming “SEXY MINDS“. guest writer sa topic na ito si boss jim paredes ng APO hiking society at nagsulat siya ng interesting na essay na sigurado akong magugustuhan ninyo. may tula ring ginawa si toni na napaka sensual ang dating. mayroon ding nakakatawa pero tutuong kwentong sex galing kay lara. para naman sa mga talagang malibog, mayroon ding mga kwentong erotica galing sa mga kaibigan kong si gianel at mari. bigla ngang nagsikip ang pantalon ko sa kababasa ng mga storya nila. ok nga eh, at least patunay yan na kahit over 40 years old na ako eh tumitigas pa rin siyang parang bakal. oo nga pala, toka ko ngayong araw na ito kaya gumawa ako ng “TOP 10 LIST“.
FISHERS OF FISH
nag charter ng dapor (maliit na bapor) ang opis last saturday at nagpunta kami sa dana point para sa isang afternoon fishing trip. first time ko sa buong buhay na mag fishing at nag enjoy ako ng husto. ang daming nahuli ng group namin. ang gagaling kasi mag fishing ng mga kasama ko. isang hagis lang nila at after a while mayroon agad huli. ako? wala, kamote. pero awa ng diyos, nakahuli naman ako ng tatlong pelican. hindi ko kasi alam kung paano mangisda kaya puro mga ibon lang ang kumakagat sa pa-in ko. mga sira-ulo pala ang mga pelican dito. kinukuha nila yung mga isda pag hindi ka nakatingin. mayroon ding mga seal na umaaligid sa dapor namin at kinakain din nila yung mga nahuhuling isda. naka bingwit din ako ng isa pero nakawala. gusto pa nga yatang mang-alaska nung seal dahil pinalakpakan pa ako ng bwisit nung paalis na siya. ang nasa picture nga pala ay si jeremy. siya ang nakakuha ng catch of the day – may prize siyang $150. suwerteng bata. samantalang ako eh umuwi ng may luha sa mata.
MISS UNIVERSE
dear unkyel batjay,
bakit po ba “miss universe” ang tawag doon sa sikat na beauty contest eh puro naman mga taga earth ang mga contestant nito? di po ba false advertising ito.
nagmamahal,
gentle reader
ONE HUNDRED DEMONS
ang tawag ni lynda barry sa libro niyang “one hundred demons” ay “autobifictionalography“. a book that is part autobiography and part fiction. ito’y isang graphic novel na ginawa through simple and achingly lovely cartoons. the type of artistic work that is so simple and elegant, you think it’s so easy to do. but if you look at the details, you’ll find out that hundreds of hours must have been spent doing each page. marami kasing mga detalye kaya masarap basahin ang gawa niya ng paulit-ulit dahil may nakikita kang bago parati. si lynda ang aking bagong idol na author. kung gagawa man ako ng libro tungkol sa buhay ko, gagayahin ko siya at ganitong style din ang gagamitin ko – part fiction, part autobiography at hindi mo alam sa storya kung ano ang tutuo at kung ano ang imbento lang.
TEN THINGS NA NATUTUNAN KO SA BUHAY NA WALANG KABULUHAN
1. sa pagpili mo ng makakasama sa buhay, mas importante ang ugali kaysa ganda/kapogian. although siyempre, mas ok kung makakakita ka ng babaing/lalaking magada ang ugali, presentable at may malaking boobs/titi.
2. huwag mag-aahit ng kilay kung mahilig ka sa sports dahil pupunta ang pawis sa iyong mata.
3. huwag kang hihigop ng kumukulong sabaw at malalapnos ang iyong dila. on the other hand, kapag mainit ang panahon, huwag ilalagay ang dila sa loob ng refrigerator.
4. kung tutuo si spiderman, dapat ang sapot niya ay lumalabas sa kanyang pwet.