dear unkyel batjay,
doon po sa kantang “Itsy Bitsy Teenie Weenie Yellow Polka-dot Bikini”, ano po ba doon ang yellow, yung bikini o yung polka dots?
nagmamahal,
gentle reader
dear unkyel batjay,
doon po sa kantang “Itsy Bitsy Teenie Weenie Yellow Polka-dot Bikini”, ano po ba doon ang yellow, yung bikini o yung polka dots?
nagmamahal,
gentle reader
cover version ko ito ng “pilate’s dream“, isang obscure na kanta galing sa jesus christ superstar.
kabisado kong lahat ng linya sa rock opera ni pareng andrew at supot pa ako ay paborito ko na ang kantang ito. well, actually hanggang ngayon naman ay supot pa rin ako eh. bwahaha.
weird things about myself:
dear unkyel batjay,
ano po ang pagkakaiba ng “alligator” at “crocodile”?
nagmamahal,
gentle reader
nag celebrate ang company namin ng 20th anniversary nung friday. ang saya! nagkaroon kami ng afternoon party sa labas ng grounds, complete with rock ‘n roll band. tapos, para may kaunting bongga eh kumuha kami ng apat na sky divers. ang galing nga, sabay sabay silang tumalon from over a thousand feet, directly overhead. nagkaroon lang ng kaunting aksidente kasi yung isang sky diver ay nagkamali ng landing at humampas siya sa truck ng kaopisina ko. nasugatan yung sky diver sa mukha pero nakalakad naman after a while. yung kotse ay basag yung tail light.
muli na naman tayong magbalik-tanaw sa mga ala-ala na bigla na lang sumusulpot pag nangungulangot. ito’y pagpapatuloy sa ating drama series na pinamagatang “The Corny Jokes of Childhood”.
summer of 1977, isang gabi sa tambayan ng mga jeproks sa barrio talipapa, novaliches:
CORNY JOKER: pare, ano sa english ang “Ibigay mo ang lata kay Tan?”
MIRON: ano?
CORNY JOKER: give the can to Tan
THE END. ang pagbabalik tanaw na ito ay handog sa inyo ng “RUBY BLADE POMADE. ang pomada ng mga nag-aahit“.
two weeks na akong nagbibisikleta papasok ng opisina. nag decide kasi ako na gagawin kong alternating ang pagtakbo at pag bike to work. nag-iingat lang ako dahil ever since nag basketball ako two weeks ago eh sumakit ang kaliwang tuhod ko. ok naman kasi mas low impact ang pag bike at mas mabilis akong nakakarating sa opisina.
medyo nakakapanibago lang. kasi, pag matagal kang nakaupo sa bisikleta, masakit yung part ng katawan mo na nasa pagitan ng butas ng pwet at betlog. ano na nga ba ang tawag dito?