While I pondered weak and weary

biglaan yung pagpasok ng middle age para sa akin. pakiramdam ko ay parang may kung sinong wise guy na diyos sa langit ang biglang pumindot ng isang master switch. one moment ay perfect looking, the next moment – click, ancient and tired. bigla ko na lang napansin isang araw, gaining face na ako. bwakanginangyan, nakakalbo ka na nga, yung natira pang kakaunting buhok ay kulay puti pa.

ang pinaka masakit sa lahat ay bigla ko na lang napansin kanina na tinutubuan na ng buhok ang tenga ko. di ba mga lolo lang ang mayroong buhok sa tenga?

ano-ano pa ba ang mga signs ng pagtanda? gusto ko kasing malaman kung malapit na akong maging amoy lupa.

With the power of ten billion butterfly sneezes

habang tumatanda ka, parami ng parami ang mga ginagawa mo para makaiwas sa sakit. actually, if you wait long enough, darating yung panahon na kailangan mo na ng maintenance na gamot para sa mga chronic na sakit, tulad ng heart disease, diabetes at alipunga. imbento ko lang yung alipunga. hehehe.

CellPhonePics-031

Continue reading

The flowers in the vase that you bought today

pag bibili ka ng bahay dito sa america, kadalasan ay uutang ka ng pera. bihira lang naman kasi ang mga tao rito na tulad ng mga ibang government officials natin sa pilipinas na nagbabayad ng cash pag bumibili ng property dito sa california. but i digress.

para makautang ka ng perang pambili ng bahay, dapat ay may dati ka nang utang. weird logic, ‘no? gusto kasing makita ng mga nagpapautang dito na una, mayroon kang utang, at ikalawa, ibidinsya (bisaya kasi ako) na kaya mo itong bayaran.

eh pano pag wala kang utang?

good question, gentle reader. pag wala kang utang, walang magpapautang kaya ang advice ko ay pumunta ka na lang sa grocery at bumili ng bahay ng posporo.

Worry the bottle mamma, its grapefruit wine

on the air na naman si howlin’ dave, care of his old pinoy rock and rhythm show sa 105.9 RJ Underground, isang bagong FM station sa maynila. bisita kayo: they play classic rock na mukhang ok, so far.

howlin-dave-002

Continue reading

Lifts away the blues when I rise

six years na akong OFW this week. six years nang wala sa pilipinas. naalala kong bigla yung huling linggo ko bago umalis, nagpunta kami sa simbahan ng antipolo para humingi ng kaunting swerte sa magiging byahe ko papuntang singapore. nakasabay pa namin si president arroyo sa simbahan. nagdarasal dahil papunta ata siya sa malaysia during the same week. muntik ko pa ngang natapakan dahil hindi ko agad nakita. malayo kasi ang agwat ng age at height namin.

Continue reading

Before the lightning fades and you surrender

two years ago, umalis kami sa singapore for good para pumunta rito sa amerika. on the way ay nag side trip kami sa pilipinas para magpaalam sa pamilya namin. umakyat din kami ng mount apo para tapusin ang isang project. di nagtagal ay bumiyahe na kami papunta rito sa california to start our new life. july 31st – eksaktong two years na kami ni jet dito sa california ngayon.

tinanong ako ng kaopisina ko kanina kung ano ang nami-miss ko simula nang tumira kami rito sa amerika. sabi ko, nalulungkot ako kapag nakakarinig ako ng tunog ng kulog at patak ng ulan sa TV. minsan kasi yung pagkawala ng mga simple pleasures ang pinakamasakit sa lahat.

To hear the softly spoken magic spells

ihahatid ko si jet ngayon sa hospital dahil duty siya. habang naghihintay ako na matapos siyang magbihis ay pinapakinggan ko ang isa sa mga all time na paborito kong recording: pink floyd’s “dark side of the moon“. bigla tuloy akong nag-senti mood.

kinalakihan ko kasi ang “dark side“. una ko itong narinig sa mga party ng mga tambay sa talipapa nung 1970s. ginagamit kasi ito ng mga lalaki sa amin para bakuran ng matagal ang mga kursunada nila. pwede mo kasing isayaw ng sweet ang buong side 2 ng record, simula “us and them” hanggang “eclipse“.

ang payo nga sa tambayan eh dapat ay mag suot ka ng supporter pag ito ang tinugtog kasi pag matagal kang nagsayaw ng dikit sa babae ay baka hindi mo raw maitago na matigas na yung titi mo.

ah, to be young again.

Continue reading

BatJay in the Simpson’s Universe

BatJay in the Simpson's Universe

kung gawin akong cartoon character sa “the simpsons“, ito ang magiging hitsura ko. mahilig akong magsuot ng itim na damit. siguro dahil partially color blind ako: walang appeal sa akin ang pastel tones.

salamat nga pala kay mark para sa kalokohang ito. d’oh!

BatJay in the Simpson's Universe

BatJay in the Simpson's Universe

kung gawin akong cartoon character sa “the simpsons“, ito ang magiging hitsura ko. mahilig akong magsuot ng itim na damit. siguro dahil partially color blind ako: walang appeal sa akin ang pastel tones.

salamat nga pala kay mark para sa kalokohang ito. d’oh!

You may call me Bobby, you may call me Zimmy

kagagaling ko lang sa clinic ni doctor mary. no big deal dahil routine check-up lang naman ito para sa diabetes ko. tuwang tuwa nga siya dahil di naman daw masyadong malala ang mga lab results ko. abnormal nga lang yung blood sugar ko pero mas guwapo raw ako ngayon kumpara sa huli naming pagkikita, four months ago.

Continue reading