one of the perils of travelling is the possibility of getting sick. nariyan ang SARS at bird flu. last week for instance – naroon ako sa beijing during the time na lumabas ang mga bagong case ng SARS. nasa tokyo na ako ng mabalitaan ko ito pero ninerbyos pa rin ako kahit papaano. ok naman ako ngayon. wala akong fever at di ko nararamdaman yung mga, hah. yung mga, hah… hah… hachooooo! excuse me. di ko nararamdaman yung mga symptoms ng SARS. eto nga pala yung face mask na ginawa ko last year para pang contra SARS. effective naman dahil di ako tinamaan, pero pinagtatawanan ako sa train.
Category Archives: WORK
WEEKEND PARENTING
ang maugong na balita ngayon sa dyaryo dito ay ang patuloy na problema sa mababang birth rate ng singapore. in spite of all the incentives na bininigay para sa mga mag-asawa na magparami ng anak, di pa rin nila ma-abot ang kanilang target na 2.1 babies per married couple to sustain their growth. last year was a historic low with only 31,171 babies being born or something like 1.2 babies per couple, which is exactly the average dito sa aming office. lima ang singaporean na may may asawa. doon sa lima, isa lang ang may dalawang anak. the rest are couples with one child.
ang naririnig kong reklamo ng mga ka-opisina ko ay ang malaking gastos sa pagpapalaki ng kanilang anak. singaporeans (like filipinos) have close family ties at normal for children na magpatuloy tumira sa bahay ng kanilang mga parents until they get married (15% of singaporeans between the ages of 40-44 are single. wow!). mahirap din ang child care for parents who both work and cannot afford a full time nanny.
dahil pareho silang nagtatrabaho ng kanilang mga asawa, yung dalawa sa officemates ko resorted to having their newborn babies being taken cared of by other people. ganito ang ginawa nila: nag avail yung sila ng nursery services malapit sa bahay nila, para may mag-alaga ng kanilang anak during the weekdays. nandoon yung bata, araw at gabi from monday to friday. kinukuha lang nila pag biyernes ng gabi. tapos, they return the child sa nursery ng sunday evening. in effect, mga weekend parents lang sila.
don’t ask me how they do it. i mean, hindi ko alam kung paano nila na te-take na wala sa tabi nila ang kanilang anak. ganoon lang siguro talaga – you train yourself to bear the absence of your children para makamit mo yung mga pinapangarap mo para sa iyong pamilya. ganon din naman ang karamihan nating mga sellout na OFW di ba? naiiwan ang asawa’t anak sa pilipinas para magkaroon ng magandang kinabukasan ang pamilya.
PISO NA LANG NASA IMPYERNO NA
nagpunta ako sa ministry of manpower kanina para ipa-transfer yung employment pass ko from my old to new passport. medyo malayo ito sa office kaya mga 11:30 pa lang ng umaga ay lumarga na ako. mahaba ang pila kaya mga 2:00 na ako hinarap ng processing officer. impressed nga ako sa service nila dahil inayos nila yung request ko in less than 5 minutes. sa harap ko pa ini-stamp at pinirmahan ang work permit ko sa bagong passport. palapit pa lang ako ay nakangiti na ang staff. either mabait talaga sila o nakakatawa ang mukha ko.
mahaba rin ang nilakad ko from the train station to the manpower office kaya nakabilad ako sa araw ng matagal. gusto ko na ngang mag shower para matanggal ang paninikit ng aking buong katawan. isasama ko na rin sa pagligo ang aking singit na kanina pa kinikiliti ng tumutulong pawis. eto lang ang masasabi ko tungkol sa panahon ngayon: bwakanginang sobrang init dito!
naalala ko tuloy one summer day, nung college ako: nagreklamo ako sa init sa loob ng classroom. from out of nowhere, biglang may sumigaw ng – “FREYZ GOD, BRADER! MAS MAINIT PA RITO SA IMPYERNO, KAYA MAG BALIK LOOB NA KAYO KAY LORD JEEEE-SAZ!”
NAGPUNTA SA EMBASSY PARA MAG-RENEW NG PASSPORT
nagpunta ako kanina sa philippine embassy. bilibitornot, eto ang aking first time na bumisita rito after close to three years of living here. pero kung sabagay, yung mga pinsan ko nga dalaga’t binata na yung mga anak, di pa nakakapunta sa embassy natin sa america kahit minsan. napuno na kasi yung passport ko at kailangan nang palitan ng bago. may trip ako next month after the holy week break sa japan, korea, china. three countries, three visas. hirap din ng pinoy minsan, you have to get visas to almost all the countries save for the ASEAN members.
mabait at efficient naman ang staff ng embassy natin sa singapore. wala pa akong 20 minutes na nag fill up ng forms, nag pa xerox at nag bayad ($120 ang fee – that’s 3,600 pesos. mahal kaayo! hehe). makukuha ko na ito bukas ng alas 4 ng hapon. bilib talaga ako sa bilis nila.
yung embassy natin at nasa number 20 Nassim Road, right beside the japanese embassy. ito’y nasa 2 story bungalow. they have a big yard with tables and a basketball court. akala ko nga mga pinoy din ang mga sekyu. hindi pala, mga bumbay sila pero mababait naman. itinuro pa nga sa akin kung saan ako pwedeng umihi. akala ko nga sa pader, hindi pala. hehe (bawal umehe sa padir. ang mahole, bogbog!)
all in all, happy ako. nakapasyal ako sa embassy natin sa wakas, at may passport na akong bago bukas. aba nag rhyme pa, parang tula.
SELLING IN
before i “sold out“, i worked as an engineer in the philippines. si ulysses yung nasa kaliwa at si ting yung nasa kanan. etong mga taong ito ang mga partners in crime ko for 12 years. simula 1989 hanggang 2001, inikot namin ang buong pilipinas doing projects sa halos lahat ng industria. from the rain forests of mount apo to the stinking industrial plants along the tullahan river. from power plants to breweries, amid erupting volcanoes, land slides, storms and gun toting soldiers. i’ve seen people fall off cliffs, get electricuted and get run over by pickup trucks all in the line of duty. we didn’t do it for the money. we did it because we loved our jobs. we loved the fact that we enjoyed each other’s company and that were doing something worthwhile.
one of these days, i will post the pictures taken back to the time when we were still building plants up in the mountains. when on sunday days-off like this, we’d all be huddled in our mess hall, drinking tequila and playing cards, wearing raincoats over jackets because it’s so cold and raining so hard and the damn roof is leaking like hell.
BORED, BOERD, BORDE BORZZZZZZzzzzzz….
nag attend ako ngayon ng conference ng microsoft singapore sa suntec city kahit na unrelated yung topic sa trabaho ko. una, walang bayad. pangalawa, libre ang pagkain. ikatlo, i’m getting bored in the office. batong bato na ako these past few weeks and am quite restless. after lunch naman inaantok ako. yung mga katabi ko siguro sa cubicle, akala siguro nasasaniban na ako ng demonyo dahil papikit pikit yung mata ko habang up and down yung ulo ko. minsan parang may startle reflex pa nga ako pag naalimpungatan at mapapa padyak ako ng paa sabay hampas ng kamay sa lamesa. skandalosong antukin.
kahapon nagpadala ako ng email sa mga ka-opisina kong taga china, sa sobrang antok ko, ganito ang lumabas (word for word ito ha): “This email contains the PI banners. The HTML scripts are attached. Please ask your distributors to take ca ffddddddddddd ddddddddddddddd ddddddddos, Hioe thus helps.”
eto ang sagot sa akin (word for word din): “Thank you Jay. Thanks.”
ok ba? dalawang beses pang nagpasalamat sa akin. nakalimutan ko kasing sampal-sampalin yung sarili ko eh. next time nga, gagayahin ko si dolphy doon sa ibong adarna: hihiwain ko ng blade ang kamay ko at tutuluan ng katas ng kalamansi ang sugat para di makatulog.
SI NAMPUCHA, BISITA NAMIN FROM KOREA
bisita namin ngayon dito sa singapore office si nampucha. siya yung kinuwento ko sa inyo noon na kasama ko sa korea. nahirapan nga silang kumuha ng hotel dito, dahil ngayon ang week ng singapore air show. pero, naikuha naman namin si nampucha ng matutulugan, corporate rates pa.
ok naman itong si nam, mabait na koreano. kaya lang di siya nagpapalit ng t-shirt. isang linggo nga kaming magkasama, yun at yun ang damit niya.
para nga siyang cartoon character eh. napanood nyo na ba yung snow white? di ba, simula opening hanggang pagdating ni prince charming, iisa lang ang suot niya. pinagmamasdan ko nga ang damit niya kanina (damit ni nam, hindi ni snow white), titingnan ko kung yun pa rin ang suot niya bukas.
pero naisip-isip ko ngayon lang: paano kung pare-pareho lang talaga lahat ang mga t-shirt niya. as in, mayron siyang “t-shirt fetish” at bumibili siya ng isang set na identical na t-shirts. para naman siyang super hero.
A MILESTONE OF SORTS
after moving to our new office a year and a half ago, umebak ako sa aming office toilet for the first time. milestone ito of sorts para sa akin (na proud na proud sa kanyang toilet trained ass). i do it everyday in the morning after coffee like clockwork. sorry ha, nag di-differentiate lang ako sa mga taga rito, na apparently, ume-ebs ng wala sa oras.
siguro dahil na rin ito sa super linis ng mga banyo rito. pwede kang mag “mey-ay-go-awt” anytime dahil lahat ng toilets ay may tissue paper at di puro apak ng paa ang toilet seat. in addition, medyo spicy talaga ang pagkain dito at talagang mapapatae ka ng wala sa oras. tulad ko – hinalo ko sa aking noodles ang isang platitong chili sauce. within one hour, tumatakbo na ako papunta sa toilet. in-inspection ko nga ang pwet ko for signs of wear and tear afterwards. ok pa naman, “thanks gods”. hehe.
ang isang wala rito sa singapore ay yung parang “place mat” na nilalagay sa mga toilet seat. sa US ko lang nakita ito. with this, pwede kang maupo sa trono, kahit sang banyo ka man mapadpad. di mo na kailangang mag lagay ng sankatutak na toilet paper sa toilet seat. para sa akin na mahilig maupo ng tama sa trono, ok na ok ito. i salute the guy who invented this. dapat bigyan siya ng nobel prize.
I PRESENTED A TECHNICAL PAPER AND GOT SCREWED
nag present ako ngayong linggo ng isang technical paper sa isang conference dito sa singapore. bongga nga eh (may $650 entrance fee para sa mga utu-utong gustong makinig). kung kaya, i had to break one of the sacred rules of the batjay manifesto – “don’t wear a business suit in a tropical country lest you sweat like hell and smell like hinog na langka“.
for all my preparations (make-up, manicure, kulot with haircut na pantay ang patilla, late night rehersals in front of my sleepy wife), all i got was (not a t-shirt, dummy) a stainless steel cork screw in a fancy box. TO THE ORGANIZERS: i got your subtle message, thank you very much.
event highlight: nakalimutan ng isang speaker tanggalin yung wireless clip microphone pagkatapos niyang magsalita. tuloy tuloy na lumabas sa conference room habang naririnig namin sa sound system ang conversation niya sa kanyang kasama. parang tumuloy pa nga ata siya sa banyo dahil narinig kong nag flush ang toilet, afterwards mga kaluskos sounds, pregnant pause at barely audible na “oh shit, i forgot to take the microphone off“.
WHAT IS DINUGUAN IN ENGLISH?
nung nagtatrabaho pa ako sa pilipinas, marami kaming mga projects where foreigners get involved. eh di siyempre kasama rin namin silang kumain.
one time, ang isa sa mga ulam namin ay dinuguan. nagtanong etong si curious white boy “WHAT IN THE WORLD IS THAT?“, pointing to the really thick and very black dinuguan.
“ah that…” , sabi ng isa naming tao na di masyadong marunong mag english, “that, my friend, is a menstruation dish”.