after dinner last thursday, napapunta ako sa 7/11 para magbayad ng telepono. tumawid ako ng kalye nang biglang may parating na kotse kaya ako’y napatakbo. kaya lang bigla akong napahinto nang maalala ko na baka magkaroon ako ng appendicitis dahil kakatapos ko pa lang kumain. bigla ulit akong napatakbo nang maalala ko na kakatapos ko nga lang palang magpaopera at wala na akong appendix. napahinto naman ulit ako agad-agad dahil naalala ko na di pa talagang magaling ang sugat ng operation ko.
takbo-hinto-takbo-hinto. para akong lukoluko. hehehe. ang sama ng tingin sa akin ng driver ng kotse. siguro akala niya eh ginugoodtime ko siya.
