SABI SA BALITA: “may fine daw na P500 pag nakita kang shirtless in public sa metro manila“. sabi ni MMDA chairman bayani fernando: “sign of decay in moral and cultural values” daw ito. decay in moral values? putangina, what is he trying to exit (in madertang: “ano ang gusto niyang palabasin”) by saying this? pero, patay tayo diyan pag na enforce ito, dahil ang hilig ko pa namang maglakad ng naka hubad sa mundong ibabaw. uuwi ako sa end of the month, kaya nag imbento ako ng damit na pwedeng isuot sa maynila para hindi makotongan mahuli. ayan, tingnan ninyo sa picture (click to enlarge). ang tawag ko riyan sa aking imbensyon ay “THE EMERGENCY SUPER DUPER PANTAKIP NG UTONG”. simple lang ang material – scotch tape at papel na dilaw. o, teka lang. huwag nyong masyadong tingnan yung boobs ko, baka ma arouse kayo niyan.
Category Archives: WEIRD BUT TRUE
SIR, ANONG GUSTO NYO SA ITLOG NYO? NILAGA? PRINITO? O MAY PULBOS?
alleluiah, dear braderensister. ayon sa aking computation (based on the facts, which cannot be denied). by the power of grayskull, today is my 100th day na hindi nanigarillo. patawarin nyo na ang pagyayabang ko. i have been a smoker for more than 20 years and pakingsheet i am so proud of da pak na nakahinto ako. through sheer guts and determination (not to mention da help of a beriberi labli en byutipul wife), i have stopped. kaya isuot na natin ang ating mga maingay na amerikana at iwagayway na po natin ang ating mga puting bimpo, braderensister, at sabay sabay nating isigaw – SEKSI!
JINGLE ALL THE WAY
nakakagaling daw ng sakit ang pag inom ng isang cup ng ihi everyday. well, yan ay ayon sa mga thai. di ko alam kung ano ang logic behind it, pero eto raw ay centuries old traditional remedy para sa balakubak. hehehe. i shit you not, this is a true story. siguro, eto rin ang dahilan kung bakit walang kasing sarap ang paborito kong “tom yum”.
para naman sa akin ay magpapakalbo na lang ako kaysa uminom ng isang basong ihi araw-araw. una dahil ayokong mapanghe ang amoy ng bibig ko. pardermor, naniniwala ako sa dalawang basic truth (na dapat ay kasali sa 10 commandments ni noah). ang una ay: “what comes in must come out“. ang ikalawa ay: “what comes out must stay out“.
ONCE UPON A TIME YOU DRESSED SO FINE, YOU THREW THE BUMS A DIME IN YOUR PRIME, DIDN’T YOU?
dear unkyel batjay,
kamusta na po kayo, gusto ko lang pong malaman kung pwede ko kayong tawagin na BJ. yun lang po, maraming salamat at more fower to you!
gentle reader
SAGOT NI BATJAY:
dear gentle reader,
salamat sa kamusta. ok lang ako dito sa singafore. kyut pa rin. pero ava, gentle reader – fronounce your letter fee froferly ha. ano yang more fower na sinasavi mo? fara kang kumfare ko. sinabi niya kasi doon sa customs opiser sa NAIA na kailangan niya ng fucking tape para maisara ang kahon na funo ng fasalubong. kala ko tuloy, huhulihin kami ng fulis. asan na ba ako? ah ok… huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa at tanggalin na natin ang mga ambiguities. diretsuhin mo nang tawagin akong BLOWJOB. nasa asshole mode ako ngayon kaya pwede mo rin akong tawaging kupal…
NOW I KNOW HOW MANY HOLES IT TAKES TO FILL THE ALBERT HALL
mga balita from all over na nabasa ko habang nangungulangot sa loob ng train papasok sa trabaho ngayong umaga (bigkasin mo ang sentence na ito ng tuloy tuloy kung di ka ba naman hingalin). anyway, tuloy tayo sa balita:
SINGAPORE: 2nd-Q growth is expected to be at 12% and unemployment is expected to drop from 4.5% to below 4%. bwakanginang yan. matutuwa sana ako dahil kasali akong tumulong sa growth ng singapore. malungkot lang ako kasi, sana pilipinas din ay ganito.
GREECE: opening na ng olympics next week at usap usapan daw doon ang pagbisita ni president george “dubya” bush sa athens recently. this story is probably apocryphal (but i believe it to be true. wink, wink). dinala raw si dubya ng greek government officials sa acropolis… looking at the world’s most famous ruins, dubya (daw) grits his teeth and solemnly proclaims to the crowd who gathered: “don’t worry, we’ll get the bastards who did this”. BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
PILIPINAS: “a man and his two sons have been arrested on suspicion of murdering a neighbor and then eating parts of his body after he tripped over a woman relative at a dance, philippine police said on tuesday“. tangingang yan – enough said.
Mama’s got a squeeze box, Daddy never sleeps at night
dear boss roland,
bago ang lahat, hayaan mo munang batiin kita ng isang mapagpalayang magandang tanghali galing dito sa singapore. alam kong medyo busy ka diyan sa iyong lungga pero may gusto lang akong tanungin. ano ba yung “humps” na kinalolokohan ng mga pinoy diyan sa saudi? bago yan sa pandinig ko. ang alam ko nga lang diyan ay yung mga kabayan nating nagpapalagay ng bulitas, pero yang humps na yan eh nakakaintriga. hehehe… parang gusto ko tuloy magpalagay. please enlighten me. yun lang muna sir – kamusta na lang diyan. miss ko na ang mga yosi sessions natin especially now na huminto na ako sa pagsigarillo. ingat na lang diyan sa desyerto.
nagmamahal,
batjay
THAT DARKNESS WAS HIS FAVORITE COLOR
dear uncle batjay,
kamusta na po kayo? sana ay gwapo pa rin po kayo hanggang ngayon. eto na naman ako at mayrong katanungan: balak po kasi ng asawa ko na mag abroad. gusto ko lang pong malaman kung bakit kayo nag abroad? at kung masarap bang mag abroad. iyon lang po unkyel – pwede ko po ba kayong tawagin unkyel?
nagmamahal,
gentle reader
SAGOT NI BATJAY:
dear gentle reader,
ok lang na unkyel ang itawag mo sa akin. yan din ang bansag sa akin ng mga kaibigan kong bading, bukod sa “fafa batjay”. maraming salamat sa pagsulat mo ulit. oo, cute pa rin ako. lalo na ngayon at pumapayat na ako. iba talaga ang epekto ng excercise at madalas na pag jakol. actually, gingagaya ko lang naman ang mga kapatid natin sa saudi arabia na ngayon ay nagkakanda bulag na sa sobrang pag mariang palad. tigilan nyo na yan, kabayan! asan na ba ako? ah, ok. sasagutin ko na ang mga katanungan mo…
CONFESSIONS OF A DANGEROUS MIND
muli na naman tayong magbalik-tanaw sa true confessions ng mga baliw. ito’y bahagi ng ating radio drama series na pinamagatang “true confessions of a dangerous mind”:
sabi ng kaibigan kong si ting: “kung kaya lang daw niyang chupain ang sarili niya, hindi na niya kailangan pang mag-asawa“. bago nga siya ikinasal ay nag-aral muna siyang maging isang contortionist.
THE END. ang “true confessions” na ito ay handog sa inyo ng “RUBY BLADE POMADE. ang pomada ng mga nag-aahit”.
BATJAY’S SNAPPY ANSWERS TO STUPID FOREIGNER’S QUESTIONS, PART 3
foreigner: so, where you from?
batjay: philippines
foreigner: ah, filipino. PARE!
batjay: inaanak ko bang anak mo?
foreigner: huh?
batjay: sorry just talking to myself. what’s your question?
foreigner: what do you call that gross egg you like to eat?
batjay: betlog
foreigner: no. the one coming from the duck.
batjay: duck betlog
THE BLUE BUS IS CALLING US
na experience nyo na bang mautot sa crowded at enclosed space? nakatayo ako sa isang packed bus kanina (as in siksikan talaga) nung pauwi from work. i was feeling uncomfortable dahil pinipigil kong mautot nang biglang nag break ang driver. mga sira ulo ang mga bus driver dito sa singapore at hindi marunong pumara. kadalasan masusubsob ka talaga. so ayun – sudden jerking stop. patay. di ko napigilan at may lumabas na kaunting utot. nakakahiya nga dahil nakatapat ang pwet ko doon sa isang nakaupong babae. dinedma ko na lang siya, hoping that hindi niya narinig. or naamoy.