Category Archives: WEIRD BUT TRUE
HAVE STRING, WILL TRAVEL
anong ginagawa ninyo pag ihing-ihi na kayo sa gitna ng traffic? para sa maraming mga drivers sa pilipinas, simple lang ang solution: hihinto sila sa gitna ng kalye at iihi sa gulong na parang aso. ARF! yung iba naman ay sa pader kaya lang delikado ito kasi baka “maholi” ka ng may-ari at ikaw ay “mabogbog“. yung mga disenteng talipandas na katulad ko (ahem) ay nagbabaon ng bote ng softdrinks at doon na lang iihi sa loob ng kotse. pero risky rin ito kasi baka may sumilip sa bintana mo na pulubi. siguradong makikita niya ang dingaling mo, maawa siya sa iyo at baka ikaw pa ang bigyan ng pera. hehe.
bakit ko ba ito naikwento? mangyari kasi ay may isang lalaki sa romania na naospital pagkatapos niyang talian ang titi niya kasi gusto niyang umiwas na umihi sa kubeta. siguro nasa gitna siya ng traffic at ginawa niya ito para hindi siya maihi sa salawal. tanginga, ang gagago talaga ng mga tao kung minsan. sabi ng mga doctor ay kailangan daw niyang magpaopera para ma correct ang damage. pero baka raw slim na ang chance na bumalik pa ito sa dati. ang tanga tanga talaga. ano bang akala niya sa pototoy niya, morcon?
When I was a little biddy boy
nakita na ninyo siguro ito and you must already know what’s wrong with this picture – the queen’s not smiling. hehe. at siyempre, there’s also this small thing about the man on the left of the queen na walang underwear (salonggonisa in tagalog. op kors, ang bra ay salong bola at ang panty ay salongguhit) and whose dick is sticking out. show off! kung sabagay, scientifically proven din naman na mas masarap at healthy para sa lalaki ang walang underwear pag naka palda. presko kasi sa betlog. nakaka identify ako sa lalaking ito pero hindi naman ako nagpapalda. i do the next best thing. pag nasa bahay ako, i wear really loose cotton shorts na walang underwear. tapos tatapat ako sa electric fan at bubuka bukaka na parang gunting. ang sarap man.
THE BEST BLOGGER FOR 2004? AYOS!
GENTLE READER: dear unkyel batjay, balita ko nataihan ka ng ibon during lunch yesterday. napanood mo ba yung ibong adarna? pasalamat ka at hindi ka naging bato.
UNCLE BATJAY: gagi ka talaga gentle reader. wala namang ibong adarna rito sa singapore. kung mayron man, kailangan ay makatulog ka muna bago ka maging bato. pero alam mo, tama yata ang kasabihan: pag may tumae sa iyo na ibon ay may darating sa iyo na swerte. nalaman ko ngayon na nanalo pala ako ng “THE BEST BLOGGER FOR 2004” sa philippineblogawards. muntik na akong maihi sa harap ng computer nang mabasa ko ito. buti na lang at napigilan… baka masapak kasi ako ni jet. ayaw niyang nagkakalat ako sa bahay eh. doon po sa organizers ng award na ito, maraming salamat po sa inyong lahat.
Since garlic then hath powers to save from death, Bear with it though it makes unsavory breath
LONDON, England (Reuters) . “If brushing and mouthwash don’t improve bad breath, an Israeli scientist may have the solution: laser treatment“… hoy! mga amoy imburnal ang hininga, narinig nyo ba yan? may pag-asa pa kayong magka syota.
pero i’m sure this is not a cure all for bad breath. kaya pag ayaw pa ring tumalab ng laser treatment, ganito na lang ang gawin ninyo: bili kayong mighty bond glue sa hardware at maglagay ng kaunti sa gilagid at labi. be careful not to swallow kasi baka magbara ang pwet ninyo. close your mouth and wait for the glue to dry. KUNG may amoy pa rin pagtapos na permanente mong isara ang iyong bibig: hay naku darling, wala na akong maisip na solution – uminom ka na lang siguro ng baygon.
speaking of baygon, ikinalulungkot kong ipaalam sa inyo na hindi na matutuloy ang spiderman 3. sorry, hindi ko sinasadya. lamok lang naman talaga ang gusto kong patayin.

An ass is but an ass, though laden with gold
WUKU, Taiwan (AFP) – “A Taiwanese company, which has earned global fame with its transgenic fish, has updated its product line with a new species which glows fluorescent gold in the dark, raising concerns among environmentalists…”
patay. malapit na sigurong mag end of the world (as we know it?). nakaka imbento na sila ng glow in the dark fish. at ginto pa ang glow. bwakanginangyan. who knows? in 10 years, ang technology na ito ay pwede na ring sigurong ma implement sa mga tao. iniisip ko nga ang mga possibilities habang nagbibisikleta kanina. wouldn’t it be nice kung pwedeng mag glow into flourescent gold ang mga ilong natin pag tayo ay aroused?
So, tell before you come to me from out of yonder skies, a man’s a man who looks a man right between the eyes
RAVES ABOUT MUSIC: nag record ulit ako ng kanta kagabi. cover version ito ng kanta ni cat stevens na pinasikat ni lani hall. simple lang ang melody pero minsan mong marinig, parang gusto mong patugtugin ulit – PAKINGGAN NINYO. nag record pa ako ng mga ibang kanta. kaya kung ok sa inyo ang ganitong klase ng music, punta na lang kayo sa karaoke site ko: ANG MGA AWITIN NI BATJAY, ANG DATING FOLK SINGER NG MA MON LUK
RANTS ABOUT ANGHIT AGAIN: bwakanginangyan, parang may magnet ata ako sa mga may putok dito sa singapore. pag akyat ko sa opis, amoy paksiw yung katabi ko sa elevator. yung dalawang kaharap ko naman sa train, amoy kulob na labada. tapos yung nasa unahan ko sa ATM machine, amoy hinog na langka. lahat yan, nangyari this morning in a span of less than an hour. pakiramdam ko tuloy, parang pinaglalaruan ako ng diyos ng mga kili-kili. sa elevator nga kanina, pinapanalangin ko na sana mautot ako, para naman makaganti man lang ako kahit papaano. soap, water, deodorant… yon lang ang kailangan. di ba nila magawang maligo ng mahusay? rhetorical question, don’t answer.
There’s nothing better than a good friend, except a good friend with CHOCOLATE
GENTLE READER: dear unkyel batjay, nabasa ko ito sa balita kanina: “women who eat chocolate regularly had the highest levels of desire, arousal and satisfaction from sex”. ang gusto ko lang malaman eh: paano naman yung mga pilipino na mahilig sa “chocnut“?
BATJAY: dear gentle reader, ano ba ang ingredient ng chocnut? di ba chocolate din? kaya the next time na magpabili ang partner mo ng chocnut, huwag ka ng ilokanong bato at manghinayang sa $3 price per box. itodo mo na pati pamato at panabla. ano ba naman ang sampung kahon na chocnut (a $30 price tag) kung ang katumbas naman nito ay mind-numbing, halos magka sore throat ka sa kakasigaw na sex.
Drink with me to days gone by, To the life that used to be
“A team from the University of Santiago de Compostela in Spain found each glass of red wine a day reduced the risk of lung cancer by 13% compared to non-drinkers.”
hmmm… interesting na balita. ano ang ibig sabihin nito? na pwede na ulit akong bumalik sa pag sigarillo as long as maging alcoholic ako. what’s next? bagong findings na nagsasabi na makakatanggal ng wrinkles ang pagkamot ng betlog. na gamot pala sa high blood ang pagkain ng chocnut. na nakakataba pala ang pag-inom ng tubig. aray. seriously, the only way to lower the risk of lung cancer is to stop smoking. period. incidentally: ngayon nga pala ang ika-limang buwan ng aking paghinto sa pag yosi. parang ang tagal na pala ano – truly, a life that used to be. a toast then: to past lives and brand new days. salud! cheers!
KAMPAAAAAAAAAAAI!!!
ANG MULING PAGBABALIK NG ITLOG SA SINGAPORE
bilang celebration sa muling pagbabalik ng itlog sa singapore, nagluto ako ngayon ng isa sa mga paborito naming almusal ni jet: tantananan! (torotot epeks to announce something important) – “pepper steak and eggs with mushroom gravy“. bihira ko lang itong lutuin dahil medyo mabigat sa tiyan but when i do, i really enjoy it. nakabili na kami ng itlog last friday, sa wakas (akala ko kasi “sa wakas ng panahon“). rationed pa rin to two trays per customer pero at least mayron na. ang mga itlog ay galing pa sa new zealand. yup, you can say that they are “kiwi na, chicken eggs pa”. at oo virginia, pag kinamot mo – magiging itlog na maalat siya. CLICK on d’piktyur para gutumin kayo, or, you can also CLICK HERE para marinig ninyo ang aking pagbabalita tungkol sa pagbabalik ng itlog sa singapore. i swear (i got more hair), matatawa kayo.

