dalawang Podcast ko nga pala ang naka register sa iTunes ngayon – “Dear Unkyel Batjay” at “Mahalagang Balita“. kung gumagamit kayo ng iTunes, punta lang kayo sa music store, click sa “podcasts” then do a search – ipasok niyo lang “batjay” or “philippines” or “pinoy” as your search words at makikita na ninyo yung mga podcast ko. marami na kami ritong mga pinoy podcasters at matutuwa kayo sa variety na available dito. ang maganda sa iTunes based podcast ay pwede kang mag subscribe dito ng libre at kung mayroon kang iPod, automatically mo itong mai-do-download at pwede mong marinig kahit saan.
Category Archives: WEIRD BUT TRUE
“The wounds of love can only be healed by the one who made them” – Pub. Syrus
ayon sa bagong research, mas matagal daw gumaling ang sugat pag nakipag away ka sa asawa mo. stress related daw. impak, yung 30 minutes worth of fighting daw ay sapat na para gumaling ang sugat mo by a day longer. ano ibig sabihin nito? paano kung 15 minutes lang kayong nag-away? paano kung isang oras? paano kung nasugatan ka habang nag-aaway kayo? gagaling pa kaya ito? halimbawa nagkasagutan kayong mag-asawa, tinawag mong pangit ang misis mo at binato ka ng sapatos, tapos tinamaan ka ng mataas na takong sa ulo at pumutok ang noo mo. hihilom ba ang sugat? kaya mag-ingat kayong mga misis: pag nag-away kayong mag-asawa , batukan nyo na lang ang mga mister ninyo. mas healthy ito kaysa sa kalmot. iwasan din ang pag gamit ng kutsilyo.
NOTE: listen to sugat ng puso for the visually impaired
Sticking feathers up your butt does not make you a chicken
MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)
DATELINE PENNSYLVANIA. isang lalaki sa pittsburgh ang dinala sa ospital kamakailan dahil sinalbahe siya ng kanyang dating girlfriend. napag-alaman na nakipag break di umano ang isang nagngangalang ken slaby sa kanyang dyowang si gail o’toole. hindi ito nagustuhan ni babae kaya pinagbalakan ni o’toole ng masama ang kanyang ex-boyfriend. isang araw ay inimbita niya ang ito na tumuloy sa kanyang bahay. eto namang si gago ay pumayag. siguro dahil alam niya na may one for the road free sex.
Coffee should be black as Hell, strong as death, and sweet as love
based daw sa bagong mga research, ang pag-inom raw ng kape ay hindi nakakapag pataas sa blood pressure. contrary ito sa dating paniniwala na masama sa katawan ang kape. in fact, mas delikado pa nga raw ang pag inom ng soft drinks kaya sa pag inom ng kape. naniniwala ako rito kasi mayroon akong kakilalang na aksidente habang umiinom ng sopdrink – tumungga raw niya ng coke in can habang nagmamaneho kaya hindi niya nakita na may paparating na sasakyan.
TOWARD THE TWILIGHT ERASING STATUES
sabi ng kaibigan kong bumbay, pag gusto raw ng mga taga china na bigyan ng pangalan ang mga bagong panganak doon eh kukuha raw ang mga ito ng tinidor at ibabagsak sa sahig. yun daw tunog nito ang magiging pangalan ng baby – “toyng! tang! ting!”
And Abraham was ninety years old and nine, when he was circumcised in the flesh of his foreskin
nagbabasa ako ngayon ng newsweek at dalawang balita ang nagpagulat sa akin. UNA – gagawa raw si sylvester stallone (ano ba talaga ang pronounciation ng apelyido niya? “stall-wan” ba or “stuh-loan”?) ng “rocky 6“. packingsheet! stretching the suspension of disbelief siguro kung papanoorin natin ang isang 59 year old boxer fighting for the heavyweight championship of the world. sana rambo 4 na lang, o kaya judge dredd 2 – baka mas maniwala pa ako. IKALAWA – and this is perhaps more interesting: circumcision daw, cuts the risk of HIV infection by as much as 60%.
“Ha ha! Look at this country! U R Gay! (looking at Uruguay on the globe).”
Image
FOR THE HEART IS AN ORGAN OF FIRE
dear gentle reader,
nalaman ko ngayon na hindi pala pwedeng i-demanda ang partner na babae kapag nagse-sex kayo ng patambling tambling at aksidenteng mabagsakan niya ang pototoy mo at ito’y mabali. read on baby…
“BOSTON – A woman isn’t legally responsible for injuries her boyfriend suffered while they were having consensual sex more than a decade ago, a state appeals court ruled Monday. The man, identified only as John Doe in court papers, filed suit against the woman in 1997, claiming she was negligent when she suddenly changed positions, landed awkwardly on him and fractured his penis.”
bakit ba ganyan sa ‘merika? lahat na lang pwedeng gawing grounds para magdemanda. kumain ka ng fast food at tumaba, pwede mo nang idemanda ang mcdonalds dahil mataas sa cholesterol ang ham-bur-dyer nila. pero mabalik tayo doon sa mag syota na nag demandahan… FRACTURED his penis? ano kaya ginawa nila’t nauwi sa ganon? kailangan pa raw magpaopera para lang maibalik sa dati. sa tingin ko eh naupuan ito at nabaluktot. ARAY, bwakanginangyan, iniisip ko lang nanghihina na ako. pero teka, on sikantot, mukhang exciting ang sex kapag komang ang pototoy mo. isipin mo na lang ang mga acrobatic moves na pwede mong gawin para lamang magkaroon ng penetration. hmmm… kinky. heniwey, ingat ka na lang gentle reader, mahirap mapilayan.
FROM ERECTION TO RESURRECTION
bwakanginangyan, talo ata tayo rito: may isang Czech prisoner na ikinulong dahil sa pagnanakaw ang pinakawalan dahil nagkaroon siya ng permanent na paninigas ng kanyang third leg. biro mo nga naman yan, yung mga ibang tao, problema ang magkaroon ng erection samantalang ito, nagising na lang isang araw at may permanent na bayang magiliw ang pototoy niya. normal naman sa mga lalaki ang gumising ng umaga na tigas titi pero dito sa lalaking ito eh – hindi humupa kahit na raw naligo siya ng malamig na tubig. in the end, kinailangan pa niyang ma opera para bumalik ito sa dati. dahil doon, minarapat ng mga pulis na pakawalan na lang siya dahil mas mabuti na raw na yung asawa niya ang mag-alaga sa kanya habang siya’y nagpapagaling.
kaya kayo – be careful what you wish for, it might permanently come true. BWAHAHAHA.
THE PROBE TEAM
ISA NA NAMAN PONG PAGBABALIK TANAW ng “Maala-ala mo kaya” hatid sa inyo ng inyong Unkyel BatJay…
gugunitain ko lang yung anporgatabol experience ko nung aking ruptured appendix operation last may. binigyan ako ng dirty finger ng doctora ko sa ER as part of the preliminary examination. ito ngayon ang parating kinukwento ko sa mga kaibigan namin during dinner time:
DOCTORA: “Mr David, bibigyan ko po kayo ng rectal examination”
BATJAY: (LUNOK) “kailangan po ba?”
DOCTORA: “OPO” (sabay bigay sa akin ng funny smile as if she’s enjoying it, nag gloves at naglagay ng lubricant).
BATJAY: “sige po doctora, eh ano bang magagawa ko. inyong inyo na po ang pwet ko”
DOCTORA: (inserts her finger and moves it to the left) “masakit po ba?”
BATJAY: “ARE YOU KIDDING ME? anong masakit po ba eh nasa loob ng pwet ko ang daliri mo?”
DOCTORA: “alam ko po na may discomfort – pero ang ibig kong sabihin ay mayron ba kayong nararamdamang pain”
BATJAY: “WALA. para lang akong natatae”
DOCTORA: (moves her finger to the right) “ayan, masakit po ba?”
BATJAY: “WALA. para lang akong natatae na naman”
DOCTORA: (takes off her finger) “ayan, tapos na po”
BATJAY: in a very serious tone – “HUWAG MO NANG UULITIN YON AH.”
ANG PAGBABALIK TANAW ay hatid sa inyo ng “Birch Tree Holland Powder Milk, Ang Gatas ng Dalagang Ina”.
