WALANG BUNTIS SA SINGAPORE

biyernes santo ngayon… ang init. etong isa sa nga seven last words na ankop sa akin: “i thirst”. hehe. punta kaming sentosa ngayon. doon kami magkakalbaryo.

my mom in singapore. yesterday, we went to the singapore zoo and the night safari. my mom had a great time.

here’s a pic of my mom here in singapore. kinuha ko ito sa loob ng zoo. halata bang 80 years old na siya next month? ok ngang makasama ang mommy ko rito. ever gracious pa rin siya at sobrang bait, pati mga waiter sa restaurant ayaw pag hintayin.

mommy ni batjay: “bayaran mo na ang kinain natin at naghihintay na ang waiter.”
batjay: “hayaan nyo lang yan maghintay mommy. kaya nga waiter ang tawag sa kanila eh.”

very observant din siya. kanina, nagpunta kaming suntec city para mag shop. napansin nga niya ang isang glaring na fact – kaunti lang ang mga babaing buntis.

mommy ni batjay: “apat na araw na ako sa singapore, wala pa akong nakikitang buntis.”
batjay: “gusto ko sanang gawan ng paraan yan mommy, kaya lang may asawa na ako.”

FAMILY in singapore... we went to Suntec City today to shop. from left to right: my sister Emy, Mommy, Kim, Paula, Rene and Sara.

marami kami ngayon dito sa singapore… sa picture, from left to right: my sister Emy, Mommy, nieces Kim and Paula, brother-in-law Rene and other niece, Attorney Sara.

I READ THE NEWS TODAY, OH BOY

narito na sa singapore ang mommy ko. she arrived yesterday with my sister emy, her husband rene and their daughter paola. my other nieces kim and sarah will plane in today from manila. i’ll try to post some pics before the weekend. in the meantime, kwento lang muna ako about my mom. here goes:

ang mommy ko ay 79 years old (turning 80 next month). nag-asawa sila ng daddy ko when she was 17. ak-shu-ly, nagtanan nga sila sakay sa trambia. eto yung LRT nung unang panahon. nabuntis siya with her firstborn gigi during the war. she doesn’t talk about it much these days pero alam ko, nahirapan sila during the japanese occupation. all in all, anim kaming magkapatid na inalaagaan niya. ako ang bunso. ang baby. ang peborit.


IN OTHER NEWS…for the first time this year, i’ve got my first non-travel related cellphone SMS spam. gardemet. the text message says “HOME FACIAL, BODY OR FOOT MASSAGE AT $20! STRICLY FOR WOMEN ONLY”. dang.

STILL OTHER NEWS…happy birthday to ate sienna, our good friend from west covina and the chief cook of the pansitan blogging community. ninang, sana maligaya na bati pa ang bertday mo!
Continue reading

SULAT SA PERSKASIN

si sel, si jet at si ate baby, nagpapakyut sa godlen gate bridge
hi sel!!!!

ok naman kami, kaya lang si jet ay mainit ang ulo ngayon kasi naroon pa rin sa flat namin ang mga may-ari ng bahay na opismeyt ko. dapat ngayon sila aalis pabalik ng china kaya lang nilagnat ang kumag. na extend tuloy ang bakasyon nila rito sa singapore.

hirap kasi ng mga ito eh medyo burara, di naglilinis, di nagaayos ng bahay at binabasag pa ang mga baso namin. si jet tuloy, kakagising pa lang ay mainit nang ulo. sabi ko nga sa kanya, huwag na lang pansinin at di worth getting a heartattack ang mga basag na kasangkapan at maduming bahay. pag pasensyahan na lang niya at ngitian ang mga kasama namin sa bahay ng ngiting aso! hehe.

kaya yan, di pa rin nakapag unpack gaano. nakakalat pa rin ang mga maleta sa spare room namin. tambak pa rin ang labada. but life is good, we are in good health at ninanamnam pa rin namin ang inyong generosity and love.

ingat, mga minamahal.
jay

BACK IN SINGAPORE, HILONG TALILONG

MariaCelia, Jet and Ate Sienna nagpapakyut malapit sa hollywood sign
there’s nothing as miserable as going back from an enjoying trip in the US. it’s depressing and… what’s the best phrase to describe it? putanginang sobrang tagal. california was great. the people we met there were even greater. hehe. sanlingo lang sa ‘merika, puro english na ako ngayon. erase. erase… ok, ang galing nang bakasyon namin. kahit isang linggo lang, punong puno ito ng kulay, saya at katatawanan. kung pwede lang sanang i-extend ko ang aming oras, gagawin ko. kung pwede lang sanang di na bumalik dito sa singapore, gagawin ko.

reality check: yung katabi namin ni jet na nakaupo sa window seat sa eroplano kanina… may anghit, dura ng dura sa baso niya at tayo ng tayo para umihi. pakingsheet. pag ikaw ay naka upo sa isle seat ng eroplano, nakaka-asar kapag yung katabi mo ay parati kang kinakalabit at dinadaanan every hour dahil gusto niyang umihi. kung mayron lang akong gunting, puputulin kong titi niya.

narito na ulit ako sa singapore. jet lagged at hilong talilong, pinagpapawisan at malungkot.

MUNTIK KO NANG MASAGASAAN ANG 2 MATANDA SA RODEO DRIVE

MariaCelia, Ate Sienna and Jet nagpapakyut sa rodeo drive
pumasyal kami ni jet nung lunes kasama sina ate sienna at maricel sa hollywood last monday. sa may rodeo drive, muntik ko nang masagasaan ang lolo at lolang amerikano na tumatawid sa kalye. paliko kasi ako nang silay patawid. buti na lang at mabagal nang maglakad ang mga lekat. kundi sikat sana ako ngayon. baka na feature pa ako sa news. nakikinita ko na ang banner story: “STUPID FILIPINO TOURIST RUNS OVER SLOW MOVING ELDERLY COUPLE“. nagpalit kasi ang traffic light from green to yellow at hinahabol ko ang pag right turn. hehe. dahilan dahilan puro na lang dahilan.

ang actual dahilan naman talaga eh yung driving habits ko sa pilipinas ay dinala ko sa US. big mistake. big big mistake – ika nga ni julia roberts sa pretty woman.

si liit (asawa ni alma, si alma, si aubrey (anak nina liit at alma at si jet
after a long 6 hour drive from LA, narito na kami sa sacramento ni jet at nakikituloy sa mga pinsan niyang si alma na dati kong kapitbahay sa novaliches. matagal na sa america ang family ni alma. nag migrate sila rito ng kanyang dalawang kapatid na si leslie at jon, with their parents colonel quipot and colonel quipot. hindi po typo ito, ang mother at father nina alma ay parehong EX-colonel sa AFP. nga pala, special si alma sa amin dahil siya ang nagpakilala sa akin sa pinsan niyang si jet. the rest, as they say, is history.

NAHIYA ANG BATA SA KALATERANG NANAY AT TITA

tonie, leslie and jet
nung isang gabi, nagpunta kami sa bahay ni mickey mouse at tuwang tuwa nga si jet sa mga nakita niya. kasama namin ang pamilya ng pinsan ni jet na si leslie. nung all star parade, lumabas si tarzan na mukhang hunky sexy macho dancer. sabay sabay sumigaw sina jet at leslie ng “TARZAN I LOVE YOU!”… biglang sumabad si tonie, ang nine year old daugther ni leslie: “mom, stop it. you embarrass me“. hehe. cute.

mamaya, ipapasyal daw ni ate sienna si jet sa iba’t ibang tambayan ng mga artista sa hollywood. excited na nga ang dalawang loka. hehe. ako, dakilang driver. hehe. ok lang yon, masarap naman ang sushi dinner na ginawa ng ninang ko kagabi. dami ko ngang nakain kaya medyo masakit ang tiyan ko ngayon. hirap talaga ng matakaw. teka nga, makaligo na’t nang matapos na ang aking mga morning ritual. kumukulo nang tiyan ko.

HUWAG TATABI SA UTUTENG MAY ANGHIT SA MAHABANG BYAHE

narito kami ngayon sa apartment ni ate sienna sa west covina. so literally, matutulog kami ngayon sa pansitan. pangalawang araw namin dito sa america. first time ni jet dito kaya enjoy ako bilang travel guide. she has the eyes of a child full of wonder and we have a week to explore this great land.

ang hirap talagang sumakay sa eroplano ng sixteen hours. lalo na kung may katabi kang mabahong tao. mas malala yung nangyari samin – yung mga taong right in front of us, may anghit na, utot pa ng utot. tangina, ang bantot man. piso na lang, lason na. nung una ngang umutot ang lalaking in question, napasigaw ako ng “SHIT WHO FARTED?” sabay tadyak ng silya sa harap ko ng malakas. wala, no response. dito ko na realize na siya nga yung umutot. “DEADMA” my dear friends, in cases like this, is a sure sign of guilt. akala ko yun na yung last. nagkamali ako. yung buong flight from singapore to japan to LA, walang humpay ang pagutot ng bwakanginang yon. asar talaga. it was like a double edged sword that’s stabbing on your nose, running like clockwork.

TOKWA’T BABOY ONE LAST TIME…

narito ako ngayon sa bahay, nagesesnti. medyo malungkot dahil bilang nang araw namin dito sa pilipinas. sa lunes, lipad na kami pabalik ng singapore. para bigyang dahilan ang pananatili namin doon, iniisip ko na lang na “weathering the storm” lang ito. balang araw dito na talaga kami sa pilipinas for good. sayang, kung patas lang sana ang labanan, di ako aalis. kagabi, kasama ko ang mga barkada ko. pinag-usapan namin ang aming mga collective futures. marami sa kanila ang nag-iisip na ring umalis. the best and the brightest people i know are seriously thinking of moving out. pakingsheet. i’ve moved out earlier than them. a fact that fills me with guilt sometimes. di ko alam. minsan iniisip ko kasi, swerte ako dahil kumikita ako ng maganda samantalang…. fill in the blanks: a. marami akong kaibigang naghihirap dahil walang opportunities, b. di pa rin nawawala ang poverty sa bayan ko, c. di ko maasikaso ang mga kamag-anak kong maiiwan.

Continue reading

TOP 10 NA DAHILAN KUNG BAKIT UUWI KAMI NG PILIPINAS SA SABADO

10. miss ko nang magmura pag naiinis ako. di ko masabi ritong “tangingang buhay ‘to, OO“, pag may problema ako.

9. pag may nagtanong sa akin kung saan ako pupunta, gusto ko nang sabihin yung immortal na “diyan lang, sa tabi-tabi” dahil di pwede dito ang “over there, side-side”

8. gusto ko nang makarinig ng: “good morning sir, ma’am. merry christmas and a happy new year. welcome to jollibee. can i take your order please?” instead of whatcha WAAANT?

7. gusto ko nang mag salita na parang seksing kolehiyala pag nagpapa kyut ako. por eksampol: “hoy, you make pa cry cry naman da car!”, “you make tusok-tusok da fishball”

6. nagsasawa na rin akong marinig ang mga sumusunod: “i don’t friend you“(di na kita bate), “don’t play play” (tama na yang laro, magtrabaho ka na), “oh it’s so hot-hot lah, walk very long-long” (ang init! ang haba kasi ng nilakad ko), “kana-sai, i cannot tahan” (ayoko na! hindi ko na kaya)

5. nami miss ko nang magtanong sa mga kapitbahay ko ng “anong ulam nyo? pwedeng makikain?”

4. miss ko nang marinig yung SAMAY BAHAY ng paulit-ulit na may kasamang kalansing na tansan… “SAMAY BAHAY ANG AMING BATI! MERIKRISMAS NA MALWALHATI!

3. gusto ko nang magbasa ng mga nakakatawang sign, e.g. “GAGO at SUPOT ang magtapon ng basura dito!”

2. gusto ko nang magsalita ng tagalog to express myself clearly. paano mo sasabihin ito sa english pag nababagalan ka sa takbo ng trabaho: “tangina, tutulog tulog na naman kayo sa pansitan. di naman ako nagmamadali, pero gusto ko ngayon na! kaya tama na yang pakyut, ano ba?” (pakingsheet, i don’t want you to sleep in the noodle house. i am not in a hurry but i want it now! stop being cute, what now? lost in translation ang sarcasm at galit not to mention medyo incoherent)

1. ayoko nang makakita nang nangungulangot sa harapan ko, paminsan minsan gusto ko naman ng umiihi sa pader! (still more signs: “BAWAL UMEHE SA PADIR, ANG MAHOLE BOGBOG NA, POTUL TETE PA“)

ROLLING UP THE I-5 ON A CHEVY, ON THE WAY TO FLOWER POWER LAND

nag drive ako from Southern California to San Francisco last friday. mahaba haba ring byahe yon. anim na oras ako sa I-5 freeway almost a straight line from los angeles to san francisco.

ako lang mag-isa. lakas ng loob ko no? hehehe. dala ko pa rin ang aking rental na chevy impala. ok na rin ito para sa byahe. malaki, mabilis at maganda ang sound proofing. di mo rinig ang makina kahit humahataw ka nang 80 MPH.

umalis ako ng orange county ng mga 6:30 at nakarating sa sf ng 12:30. anim na oras. di na masama considering na bumper to bumber sa LA ang traffic at nagkanda ligaw ligaw ako sa SF. in between mga 4 na beses akong huminto. once for gas, twice to pee and once to have a cup of coffee dahil inaantok na ako. yung last stop over ko eh malapit na sa gilroy, ang garlic capital ng USA. nung huminto nga ako sa truck stop eh amoy bawang ang buong paligid.

ang gilroy eh bayan ng classmate kong si vic. huminto ako sa malaking factory outlet sa downtown. habang hinihintay ko si vic eh binili ko ng sapatos si jet. nagkita kami sa loob ng shoe store tapos eh nagpunta kami sa bahay nila. sandali lang ako doon dahil tinawagan na ako ng mga pinsan ko. nagtatampo sila dahil inuna ko pa raw ang kaibigan ko kaysa kamag anak. hehehe. hirap talaga ng sikat.

anyway, napag usapan naming mag meet na lang ni vic at ang iba pa naming mga classmate sa bahay ng mga pinsan ko para everybody happy. nag drive ako from gilroy to milpitas. dito nakatira ang tiyong anas at tiyang ging ko.

milpitas with my relativessome of my cousins who visited me in milpitas. si jojo, ang aking pinsan na artista sa pinas nung araw. si donna, ang mommy ni tj. nag meet kami sa SF pa of all places. sinundo namin siya sa airport the same day na dumating ako. si jun jun na kumakaway, si tiyang ging na nakatalikod, si sammy at si simon. matagal ko na silang mga kamag-anak. hehehe.

milpitas with my classmatesnung gabi ay dumating naman ang mga classmates ko na SF based. from left to right… si gatchie, yours truly (ahem), si pareng vic at si jun. si gatchie at si jun at di ko na nakita since nag graduate from high school nung 1983. happily married na si gatchie at sa tingin ko eh ok naman ang buhay niya sa US. si jun ay isang negosyante pala at maraming mga negosyong naiwan sa pilipinas. si vic naman eh huli kong nakita nung last trip ko sa US 4 years ago. during that time eh nakalipat na siya sa bagong bahay kasama ng kanyang mag-ina. naalala ko ulit si vic dahil nag abay kami nina raymund at kuya bong sa kasal niya sa pilipinas.

anyway, nag kwentuhan kami hanggang alas 3 ng madaling araw. masarap din ang feeling ko dahil napagsama ko ang kwentuhan ng mga kamag-anak at kaibigan sa isang gabi. sandali lang kasi ako sa san francisco kaya lahat ng mga lakad ko eh compressed. salamat na lang sa inyo, mga kaibigan at kamag anak ko na nag sacrifice ng kanilang oras para lang sa akin.