UNIVERSAL STUDIOS CALIFORNIA

UNIVERSAL STUDIOS WITH ATE SIENNA AND JET nag punta kami ng universal studios ngayon nina jet at ate sienna. enjoy na enjoy kaming nakipaghabulan sa mga mascot doon. naroon si woody woodpecker (tinanong ko nga kung malaki ang pecker niya eh), si tommy ng rugrats, si idol kong beetlejuice, at ang mga paborito kong super heroes (and villains) na sina captain america, storm, green goblin at ang pinaka cool sa lahat – si spiderman. binigay ni jet kay spiderman ang spideman kong laruan. pinaglaraun naman ni spiderman si spiderman ko (please see picture). nakita ito ni captain america at biglang sumigaw ng – “hey spiderman, stop playing with yourself”. TAWANAN ng malakas lahat ng mga tao sa universal studios. i shit you not, this acutally happened today.

REDONDO BEACH, CALIFORNIA

REDONDO BEACH WITH JET, ATE SIENNA AND G saturday morning and our first day in LA, nagpunta kami sa redondo beach nina jet at ninang kong si ate sienna para kumain ng parang wala nang bukas makipagkita kay g – ang bagong miyembro ng pansitan na dito rin nakabase. sige na nga, kumain talaga kami na parang wala nang bukas. hehehe. masarap kasi ang seafood sa redondo beach at tangina, umandar na naman ang seefood diet ko (ie, when i see food, i order it). apat lang kaming kumain pero good for fifteen ata ang kinuha namin. mayroon kaming lobster, pritong tilapia, shrimps, lobster, sashimi, oysters, lobster, chips, rice, katakut takot na sauce at nabanggit ko na ba na may lobster? hehe. ang tangkad pala ni g, mestisahin at ang galing pang mag english. BWAHAHAHA. siyempre dito na siya pinanganak eh. nabulol tuloy ako sa pagsalita dahil kung saan saan ko hinanap ang english ko. parang lumabas tuloy ang cebuano-kapampangan english accent ko pag nagsasalita. pero sa tutuo lang, the redondo beach lunch was the best meal i had since arriving here. sariwa ang sea food doon at reasonable ang price. at ang pinaka importante sa lahat ay kasama kong kumain doon ay mga tunay na tao – magaganda, mababait at napakalakas kumain. BWAHAHAHA. salamat g (thanks for the gifts as well) and ate sienna for taking us around redondo beach. jet and i had a blast!

PANSITAN NI ATE SIENNA

PEBBLE BEACH narito na kami sa pansitan ni ate sienna. ang sarap ng pansit dito. sariwang sariwa. hehehe. gumawa si ninang ko ng sushi at sashimi. nagluto rin siya ng paksiw na isda at sinigang na baboy. ang sarap man. maraming salamat ninang. ang bait mo talaga. salamat din kina don andres, maricel at si daisy na kasama namin dito ngayong gabi. bago kami nakarating sa pansitan ay nagbyahe muna kami ng pagkalayo layo. nagsimula kami sa monterey kung saan kami natulog kagabi at bumaba ng los angeles. mga pitong oras din. balagong nga ako dahil yung navigator kong si mylab jet eh tulog ng tulog. inggit na inggit nga ako at parang gusto ko ring matulog kaya lang baka mabangga ang kotse. hehehe. sa susunod, pag nagmamaneho ako at may natulog sa mga pasahero ko… papahiran ko ng kulangot.

Cheerful cheerful flashing a big smile

CLICK TO ZOOM. FROM LEFT TO RIGHT, FRONT TO BACK: (FRONT) SARA, RINA, CHRISTINE, (BACK)EDER, LEAH, JET, OWEN punong puno ng action ang friday ko. muntik na akong hindi nakasama sa bintan, indonesia para sa aming weekend getaway. nakalimutan ko kasi na yung passport ko ay nasa indian embassy. kumukuha ako ng visa dahil may trip ako sa curry land ng end of the month. alas singko ng hapon ay kumakaripas ako ng takbo sa opisina ng travel agent namin upang makuha ang passport ko. nakuha ko ng six. uwi ng bahay at diretso sa ferry terminal kasama sina leah, eder at jet ng seven o’ clock. photo finish. tapos nagsuka ako from start to end sa loob ng ferry. ang yabang yabang ko pa – kain ako ng kain ng tuna sandwich kahit maalon. nakikipag biruan pa’t pakanta kanta. one moment normal ako, the next moment para akong naglilihi. hindi pala maganda ang pakiramdam ng sumusuka sa toilet bowl habang hinahataw ang katawan mo left and right ng malakas na alon. pakiramdam ko eh parang akong na rape ng tatlong sumo wrestler. hah! akala ko ay malakas ang sikmura ko. hindi pala. pero yon lang naman ang masamang nangyari sa buong trip. the rest of the weekend was a blast. one word: PAKINGSHEET ANG SARAP. ay, three words pala. hehehe.

Continue reading

IT WAS MANY AND MANY A YEAR AGO, IN A KINGDOM BY THE SEA, THAT A MAIDEN THERE LIVED WHOM YOU MAY KNOW

SI BATJAY, ANG MAHIWAGANG SIOKOY NG SINGAPORE kung nasa punta fuego kayo nung sabado at may nakita kayong isang grupo sa pool na sumisisid, nagkokodakan at nagtatawanan. kami yon. ang pag kuha ng mga underwater pictures ang bagong hobby ng pamilya namin. simple lang ang objective ng underwater photography: come up with the ugliest face while holding your breath. madali lang itong gawin kasi pag nasa ilalim ka ng tubig, siokoy ang dating kahit anong pogi mo. case in point ang picture na ito. ang galing ano? para kaming mga autistic ni donna. lalo na ako, di ko alam kung demented or criminally insane. perhaps both. i’m sure, nagtatawanan na sila sa bahay habang pinagmamasdan nila ito. ngayon alam nyo na kung saan nanggaling ang sense of humor ko.

WE TOOK OUR SOULS AND WE FLEW AWAY

CLICK TO OPEN WEB ALBUM. click nyo lang etong photo at diretso kayong mapupunta sa web album ng trip namin ni jet sa genting highlands itong weekend. ok naman ang trip namin, tulog kami pareho. hehehe. naka post na yung “genting highlands vacation” online. huwag kayong magtataka kung puro solo pictures lang ang makikita ninyo. yan kasi ang hirap kung dalawa lang kayong magbabakasyon… pag dating sa kodakan, you are either the photographer or the subject. well, it’s either solo photos or you can try your luck getting pictures of funny signs and nature scenes. dalawang beses naming sinubukan magpakuha from strangers, kaya lang nakaka depress yung mga resulta. yung una, naninigarillo ata yung kumuha na securtiy guard at puno ng usok yung litrato namin. gusto kong kutusan kaya lang baka barilin ako. yung next naman eh against the light at akala mo eh mga ati-atihan kami ni jet. inedit ko lang yung picture para magkaroon kami ng mukha.

as expected, hindi kami nagpunta sa casino. eh in the first place, hindi pala ako talaga pwedeng pumasok. ang sabi sa akin ng guard doon sa entrance ay: “your dressing cannot inside“. in english – hindi daw ako complying sa dress code dahil ako’y naka shorts at sandals. sayang gusto ko pa namang mag tong its.

Continue reading

EVERY FLOWER TELLS A STORY

every flower tells a story. ang bulaklak na ito ay galing sa orchid na bigay sa akin ng isang kaibigang es-pulis. minsan kasi nagkainuman kami sa bahay ng kumpare niya malapit sa amin at kinaplog niya ang halaman na ito. ang bulaklak na ito ay may kwento. ito’y galing sa orchid na bigay sa akin ng kapitbahay kong ex-pulis na dating reporting sa isa ring ex-pulis na ngayo’y tumatakbo ng presidente. marami akong tsismis tungkol sa ex-pulis na ito, pero di ko sa inyo ikukwento. i-ping nyo ang site ko at baka mapilitan ako. mwahaha. masipag itong mamulaklak (yung orchid ko ha, hindi yung tumatakbong presidente). almost year round. ang tawag nga pala rito ay phalaenopsis (yung orchid ko ha, hindi yung tumatakbong presidente). ilagay sa parte ng garden na may shade (ayaw niya kasi ng direct sunlight) at kaunting dilig ng tubig. pwede mo na siyang pabayaan.

malapit ko na ulit makita ang mga halaman ko’t bulaklak. uwi kasi kami ni jet sa mayo para sa 13th 14th anniversary ng aming kasal. at siyempre, para sa 80th b-day ng mommy ko. isang linggo lang kami pero alam kong sulit ito. miss ko na kasi ang pamilyang naiwan. miss ko na rin ang bahay sa antipolo. miss ko nang matulog sa sariling kama sa sariling kwarto sa sariling tahanan. anim na buwan na pala kaming di nakaka uwi. ang bilis ng panahon.

UWING UWI NA AKO

ayos bang porma ko mylabopmayn? halata bang galing sa silk street ang suot ko? obvious bang armami ito? hehehe. dear mylab. basahin mo itong sulat habang tinitignan ang piktyur ko at para mo na rin katabi si richard gomez pagtapos siyang sinapak ni robin padilla akong katabi. tapos na kami sa wakas. hintay na lang ng flight pauwi. altough malapit na ito, matagal pa rin para sa akin. naiinip na kasi akong makita ka ulit. kahit anong ganda ng tokyo, kulang pa rin pag wala ka. hirap din ng trip na ito. pakiramdam ko, para akong ginulpi ng tatlong baklang maton. masakit ang paa ko ngayong gabi dahil maghapon akong nakatayo. para tuloy gusto kong kumanta ng “magtanim ay di biro”. ang maganda lang ay wala na akong LBM. hehe. tingin ko eh fart part lang yon ng “the korean food and drink effect “.

maganda namang panghimagas ang japanese food. bongga ang dinner namin kanina during the post conference cocktails. nag hire ang host namin ng caterers from four famous japanese restaurants. ang salap salap ng rasa. ang paborito ko? tea soba at tempura. altough di ko kinain yung hipon dahil sa aking allergy – pamatay pa rin kahit vegetable tempura lang. wala siyang sauce. asin lang with a slice of lime. ang galing.

o sige, ingat ka na lang diyan. isang tulog na lang andyan na ako. lab U!

DALAGA NA SILA, LOLO NA AKO

ang aking mga pamangking dalaga kasama ang kanilang papa. from left to right: my nieces atty. sara and kim, brother-in-law rene, other neice paola. ang aking mga pamangkin kasama ang kanilang papa. from left to right: my nieces atty. sara and kim, brother-in-law rene, other niece paola. sayang at di nga nakasama ang kapatid nilang si angel. mukhang nag enjoy naman sila rito kahit mainit. nag blend nga sila sa crowd dahil mukha silang mga intsik mga magagandang intsik (pinapatay kasi ang mga pangit sa pamilya namin). masarap daw ang pagkain. pinatikim ko nga sila ng curry fish head…. “ay sheeet tito batjay, it’s so masarap” ang sabi nila. hehe.

sabi ni ate sassy lawyer, ang tanda ko na raw dahil puro dalaga nang mga pamangkin ko. hehe. di niya alam may mga apo na ako (sina tj at az, anak ng mga pamangkin kong sina donna at david). dahil maagang nag-landi nag-asawa ang ate kong si gigi at late na akong ipinanganak, mayron pa nga akong nephew (si denden) who is older than me by 4 months. bunso kasi ako at menopause baby pa. my mom had me when she was 42… yes viginia, i was an afterthought (at muntik nang di ipanganak).

TO VIEW THE WEB ALBUM OF MY MAGAGANDANG PAMANGKIN – click here

MOMMY AND HER PRODIGAL DAUGHTER

kuha naming dalawa ng mommy ko sa sentosa last friday. mukhang di nga napagod ang mommy ko. isang linggo na naming nilalakad ang mga attractions sa singapore eh parang ako pa nga ang nanlata in the end. at least, naipasyal namin siya rito at nag enjoy ng husto. kuha naming dalawa ng mommy ko sa sentosa last friday. mukhang di nga napagod ang mommy ko. isang linggo na naming nilalakad ang mga attractions sa singapore eh parang ako pa nga ang nanlata in the end. kahit pagod ako ngayon ay OK lang. at least, naipasyal namin siya rito at nag enjoy ng husto. sa almost 80 years ng kanyang existence, eto ang first time ng mommy ko na mag travel abroad. ang pinaka bukang bibig niya ay ang total absence ng pag intindi niya sa family home namin sa novaliches. sa isang linggong bakasyon niya rito, wala siyang ginawa kundi kumain, mamasyal at matulog.

as icing to the already tasty cake, tumawag pa ang sister kong si ester from florida. she and her husband randy have my other niece donna as their guest for easter at tumawag sila ng madaling araw kanina (next time aga-agahan niyo ha! napuyat ako hehehe.) for one reason or another, ang ate kong si ester ay matagal na naming di nakakausap. gaano katagal? taon ang binilang. almost 8 years to be exact. and it brought great joy to my mom na makausap niya ang kanyang prodigal daughter whom she hasn’t seen in ages. nagkaiyakan pa nga sila. thank you dear big sister for calling us up.

TO VIEW THE WEB ALBUM OF MOM’s SINGAPORE VACATION – click here