ang isang hindi lang maganda pag ikaw ay isang accidental tourist ay hindi mo masyadong ma enjoy ang mga lugar na pinupuntahan mo. ok rito sa orlando. lahat ng gusto mo ay narito – ang daming golf course, may disney magic kingdom, sea world, universal studios at kung ano-ano pa. sarap ano? ang problema ko lang eh nakakulong kaming lahat sa loob ng isang conference room for the duration of the conference.
yan siguro ang mini version ng impyerno – nasa paraiso ka nga pero di ka naman makalabas. pakiramdam ko para akong isang matakaw na lalaking ikinulong ng isang alaskador na diyos sa isang kwartong puno ng pagkain pero hindi naman niya ako binigyan ng bibig.



















