HUWAG TATABI SA UTUTENG MAY ANGHIT SA MAHABANG BYAHE

narito kami ngayon sa apartment ni ate sienna sa west covina. so literally, matutulog kami ngayon sa pansitan. pangalawang araw namin dito sa america. first time ni jet dito kaya enjoy ako bilang travel guide. she has the eyes of a child full of wonder and we have a week to explore this great land.

ang hirap talagang sumakay sa eroplano ng sixteen hours. lalo na kung may katabi kang mabahong tao. mas malala yung nangyari samin – yung mga taong right in front of us, may anghit na, utot pa ng utot. tangina, ang bantot man. piso na lang, lason na. nung una ngang umutot ang lalaking in question, napasigaw ako ng “SHIT WHO FARTED?” sabay tadyak ng silya sa harap ko ng malakas. wala, no response. dito ko na realize na siya nga yung umutot. “DEADMA” my dear friends, in cases like this, is a sure sign of guilt. akala ko yun na yung last. nagkamali ako. yung buong flight from singapore to japan to LA, walang humpay ang pagutot ng bwakanginang yon. asar talaga. it was like a double edged sword that’s stabbing on your nose, running like clockwork.

A FAMILY PICTURE OF THE SAN FRANCISCO BASED SERENOS

family picture

ang tiyong anas at tiyang ging ko ang nagsimula nitong pamilyang ito. si tiyong anas ang gwaping na bunsong kapatid ng mommy ko. sabi nga ng marami eh kamukha niya si sean connery. siya ang balbas saradong lalaki sa 2nd to the upper right ng litrato. si tiyang ging naman ang nakaupo sa gitna namin ni donna.

narito rin sa litrato ang tatlong pinsang kasabay kong lumaki sa pasay. si sammy (extreme upper right), si simon (lower extreme right) at si jojo (extreme left). anim talaga silang lahat. wala sa picture si junjun, si maricel at si sever. in between sammy and jojo ay mga asawa at mga anak ng mga pinsan ko. naalala ko pa nung araw kung gaano kami kasayang naglalaro sa bahay namin sa pasay. baby pa si jojo noon. di katulad ng maskuladong lalaki sa picture. si sammy ang panganay at ang parating nanloloko sa amin. si simon naman ang ka-edad ko at ang siyang umalalay sa akin ng husto nung nasa US ako kamakailan.

alam mo, masarap talaga itong trip na ito sa akin. matagal kaming di nagkita kita pero in the two days that i was there last week, nag connect kaming lahat immediately. parang tinuloy lang namin yung huling kwentuhan nung huli kaming magkita many many years ago. you know the feeling of being a part of a big family? where everybody welcomes you into their homes and showered with the possessiveness, warmth and love that only a kamag-anak can? that’s what i experienced last weekend.

kahit dalawang araw lang kaming magkakasama, i really felt loved. now, while i am writing this a thousand miles away, i smile as i recollect everything that happened during my short stay with them, while at the same time, i feel the pain of our separation. bittersweet? i guess.

next time we meet, it will definitely be for a much longer time. AND this time, it will be with jet. i can’t wait to introduce them to her. i am almost sure it will be a blast.

ROLLING UP THE I-5 ON A CHEVY, ON THE WAY TO FLOWER POWER LAND

nag drive ako from Southern California to San Francisco last friday. mahaba haba ring byahe yon. anim na oras ako sa I-5 freeway almost a straight line from los angeles to san francisco.

ako lang mag-isa. lakas ng loob ko no? hehehe. dala ko pa rin ang aking rental na chevy impala. ok na rin ito para sa byahe. malaki, mabilis at maganda ang sound proofing. di mo rinig ang makina kahit humahataw ka nang 80 MPH.

umalis ako ng orange county ng mga 6:30 at nakarating sa sf ng 12:30. anim na oras. di na masama considering na bumper to bumber sa LA ang traffic at nagkanda ligaw ligaw ako sa SF. in between mga 4 na beses akong huminto. once for gas, twice to pee and once to have a cup of coffee dahil inaantok na ako. yung last stop over ko eh malapit na sa gilroy, ang garlic capital ng USA. nung huminto nga ako sa truck stop eh amoy bawang ang buong paligid.

ang gilroy eh bayan ng classmate kong si vic. huminto ako sa malaking factory outlet sa downtown. habang hinihintay ko si vic eh binili ko ng sapatos si jet. nagkita kami sa loob ng shoe store tapos eh nagpunta kami sa bahay nila. sandali lang ako doon dahil tinawagan na ako ng mga pinsan ko. nagtatampo sila dahil inuna ko pa raw ang kaibigan ko kaysa kamag anak. hehehe. hirap talaga ng sikat.

anyway, napag usapan naming mag meet na lang ni vic at ang iba pa naming mga classmate sa bahay ng mga pinsan ko para everybody happy. nag drive ako from gilroy to milpitas. dito nakatira ang tiyong anas at tiyang ging ko.

milpitas with my relativessome of my cousins who visited me in milpitas. si jojo, ang aking pinsan na artista sa pinas nung araw. si donna, ang mommy ni tj. nag meet kami sa SF pa of all places. sinundo namin siya sa airport the same day na dumating ako. si jun jun na kumakaway, si tiyang ging na nakatalikod, si sammy at si simon. matagal ko na silang mga kamag-anak. hehehe.

milpitas with my classmatesnung gabi ay dumating naman ang mga classmates ko na SF based. from left to right… si gatchie, yours truly (ahem), si pareng vic at si jun. si gatchie at si jun at di ko na nakita since nag graduate from high school nung 1983. happily married na si gatchie at sa tingin ko eh ok naman ang buhay niya sa US. si jun ay isang negosyante pala at maraming mga negosyong naiwan sa pilipinas. si vic naman eh huli kong nakita nung last trip ko sa US 4 years ago. during that time eh nakalipat na siya sa bagong bahay kasama ng kanyang mag-ina. naalala ko ulit si vic dahil nag abay kami nina raymund at kuya bong sa kasal niya sa pilipinas.

anyway, nag kwentuhan kami hanggang alas 3 ng madaling araw. masarap din ang feeling ko dahil napagsama ko ang kwentuhan ng mga kamag-anak at kaibigan sa isang gabi. sandali lang kasi ako sa san francisco kaya lahat ng mga lakad ko eh compressed. salamat na lang sa inyo, mga kaibigan at kamag anak ko na nag sacrifice ng kanilang oras para lang sa akin.

MGA KAUPISINA AT ISANG SOUTHERN CALIFORNIA SUNSET

kumain kami sa las brisas ngayong gabi kasama ang lahat ng mga officemates ko rito sa california. masaya ang lahat dahil maganda ang araw na ito sa amin. ang restaurant na ito ay malapit sa laguna beach. actually tanaw mo ang dagat dito, sa tabi niya ay magagandang mga bahay. from left to right, top to bottom: si serena (ang aking counterpart sa europe). feisty italian lady, masarap kasama dahil animated ang mga kwento niya. si tom, ang partner in crime ko na batang chicago but resettled na rito, si yves ang kasama naming galing pa ng montreal, si joe ang head ng studios department namin, si tom hanks star ng saving private ryan. hehehe. hindi, kamukha lang niya (pati salita at mga mannerisms, tom hanks na tom hanks ang dating). jim ang pangalan niya at nakatira sa san diego.

MGA KAUPISINA

may araw pa nang dumating kami pero di naglaon ay lumubog na ito at medyo lumamig na ng kaunti. alam nyo naman ako eh sucker for sunsets kaya kinuhanan ko siya kanina. sana mylab nandito ka para makita mo rin ito…

SOUTHERN CALIFORNIA SUNSET

ANG MGA STATESIDE KONG CLASSMATES

SI LEVI AT DENNIS DITO SA SOUTHERN CALIFORNIA

ang mga classmates ko since kinder na naka base na dito sa southern california. from left to right: si levi, si levi ay naka base sa san diego. si dennis naman ay malapit sa santa ana. matagal ko na rin silang di nakita. si levi ay umalis ng huli from the philippines halos kasabay ko more than two years ago. pero before that, pabalik balik siya rito sa US dahil hinihintay niya ang petition ng asawa niya. nang maayos na niya ito eh dito na silang pamilya for good. si dennis naman ay di ko na nakita simula nang mag graduate kami sa high school 20 years ago. maaga kasi siyang napunta rito. nagkita kami last saturday. pumunta sila rito sa hotel ko at nag dinner kami at uminom hanggang alas dos ng madaling araw. nag imbita nga si dennis ng dinner sa bahay nila ngayon pero di ako nakarating dahil ginabi kami sa meeting namin sa office. sorry pare. baka naghanda ka pa ng pagkain para sa akin. sa susunod na lang.

ang sarap talaga ng maraming kaibigan. kahit saan welcome na welcome ako.

ON A BODY BOARD IN HUNTINGTON BEACH

SI CECI AT SI TOM SA HUNTINTON BEACH PIERafter naming mag lunch ni ate sienna ay sinundo naman ako ni tom at ceci. sila ang 2 partner in crime ko sa australia at singapore nung july. sinundo nila ako sa hotel at nag punta kami sa huntington beach, mga 20 minutes away. maganda sa huntington beach at enjoy na enjoy ako doon. maraming mga bar, restaurants at mga shop along the shoreline at may malaking pier kung saan masarap maglakad. nag coffee kami kami para mawala ang jet lag ko. hikab kasi ako ng hikab eh. hehehe. pagtapos nag decide si tom na binyagan ako sa california. bumili kami ng shorts ko at pinahiram niya ako ng wet suit at body board. tangina, instant surfer dude ako. hehehe.

Continue reading

MY LUNCH WITH ATE SIENNA AND ANDRES

kahapon eh nag lunch nga kami ni ate sienna at ni andres. sa wakas nakita ko na rin in person ang ninang ko. mas maganda pala siya sa personal. nagkita kami sa benihana dito sa anaheim. malapit sa disney land, mga 20 minutes away sa hotel ko. madali lang naman hanapin ang restaurant at di ako nahirapang gaano. medyo naligaw lang ako dahil namiss ko ang turn sa freeway at napasyal pa ako ng wala sa oras hehehe.

at home na at home ang pakiramdam ko sa kanila at di masyadong naging mahiyain. mahiyain kasi ako, believe it or don’t. maraming kumakain pala dito at maraming mga pinoy. siguro galing sila sa simbahan dahil grupo sila ng pamilya. mabait si ninang at marami kaming napagkwentuhan. pinagusapan namin din ang mylab kong naiwan sa singapore. pinag-usapan din namin kung gaano kahirap ang trabaho at buhay dito sa california. pero mukhang enjoy naman si ninang ko dahil kasama niya ang kanyang papa andres. miss lang niya siguro ang kanyang pamilya.

Continue reading

LA-LA LAND OF THE BRAVE

nandito na ako ngayon sa “land of the brave” and “home of the free”. ang bayan ng mga value for money meals na pagkalaki-laking mga serving. may conference kami sa aming main office dito sa california ngayon week. eto ako ngayon sa hotel room: ang utak ko sinsabing 10 AM ng linggo, pero ang katawan ko sinsabing 1 AM ng lunes.

the long flight from singapore to LA (ala eh’, sabi nga ng mga batangeno) reminds how much i enjoy travelling in the asia-pacific region. anything more than 8 hours in the air is a major frigging pain. 17 hours sa eroplano ay, tangina, talagang masakit sa pwet. daig mo pang pinasakan ng 2 vibrator sa backside.

Continue reading

IF YOUR NAME IS DUBYA…

if your name is dubya, try this link: Cannot find Weapons of Mass Destruction… hehehe. hoy georgie boy, fucking hilarious, don’t you think?

LONDON, England (Reuters) — A Web site lampooning the United States’ inability to locate weapons of mass destruction in Iraq has become one of the biggest hits on the Internet.

The site, which is designed to look like a genuine error message — replete with “bomb” icon — is the top result when “weapons of mass destruction” is entered into one of the Web’s top search engines, Google.com

QUARRANTINE

wala naman daw quarrantine ang pagpunta sa us, sabi ng travel agent namin. baka matuloy ang trip ko next-next week sa california. pero, baka hindi ko rin ituloy. ang ayoko lang kasing mangyari eh pagpasok ko sa conference… tatanongin ako kung taga-saan ako. siyempre, sabihin kong well, i live in “singapore”. baka magtakbuhan eh. hehehe…masapak ko pa ng wala sa oras ang mga lekat.

kaya lang, baka di naman nila pansinin ang origin ko. di ba eng-eng ang mga amerikano sa current events. karamihan nga sa kanila, di alam kung nasaan ang iraq eh. hehehe… yung balita kasi sa america: puro weather at traffice lang eh habang pumipikit pikit, todo ngiti at pa-kyut ang mga newscasters. ah oo nga pala, sama mo na yung mga breaking news na police car chase. hehehe.

Continue reading