weird talaga ang mga taga north america. habang ang buong mundo ay nag se-celebrate ng labor day sa may 1, pinili nila ang unang lunes ng september para sa kanilang version ng labor day. pero ok lang. at least mayroon kaming three day weekend. nakapag pahinga ako ng kaunti. siguro, hindi na rin ako dapat magtaka. eh dito na lang yata ginagamit ang miles at gallons. bagay na lubos kong ikinalilito. hanggang ngayon, pag may nagsabing “i live two miles from work”, wala akong idea kung gaano ito kalayo. sanay kasi ako sa kilometer. pag may nagsabing “a gallon of gas here in orange county is about $3 on average”, tumatango na lang ako at nagsasabing “that’s too fucking expensive” even though hindi ko alam kung gaano karami ang isang gallon. isang litro, alam ko agad dahil kabisado ko ang size ng bote ng coke sa pilipinas. sa temperature din mas nakakalito. pag may nagsabing “it’s one hundred and seven degrees outside”, naiisip ko agad eh over na ito sa boiling point ng tubig at malapit nang magunaw ang mundo dahil natutunaw na ang polar ice caps. tapos bigla kong maiisip na degrees farenheit nga pala rito at hindi celcius na nakasananyan ko. nakakalito tagala rito sa amerika. parang paatras nga ang takbo ng mundo minsan. buti na lang nga hindi counter clockwise ang andar ng mga relo rito. that would have been too much to take.
Category Archives: UNITED STATES
Sexual harassment at work…is it a problem for the self-employed?
parang trumpo pa rin ako kanina sa opisina. tuliro at hilo – naghahalo kasi ang mga iniisip ko. minsan iniisip ko kung saan kami titira, kasabay nito eh hataw na ako sa trabaho. nagiging literal pala ito minsan. sa sobrang dami ng iniisip ko eh ilang beses akong naligaw sa building namin. tawa nga ng tawa ang mga kasama ko dahil kung saan saan daw ako sumusuot. pinakagago kong ginawa kanina? pumasok ako sa toilet ng mga babae. hehe. bigla akong pinawisan ng malamig – kakabasa ko lang kasi ng sexual harassment manual ng kumpanya. pwede ka palang makulong dito pag matagal kang tumingin sa boobs ng co-worker. mahigpit talaga ang batas at bawal maglandi. kaya nga ngayon, pag may lumapit sa akin na babae sa opisina, nag duduling dulingan na lang ako. mabuti na yung pangit kaysa makulong.
ah may good news nga pala ako – nalaman namin kanina na approved na yung application namin sa apartment. pwede na kaming lumipat ni jet this weekend. problema lang ngayon eh pambayad. ngyehehe. wala pa akong checking account. di pala pwede magbayad ng cash sa america.
Life is a bridge over the sea of changes
exciting ang buhay namin ni jet ngayon kasi naghahanap kami ng apartment na malilipatan. kaya nga back en forth kaming parang trumpo lately. ang hirap palang maghanap ng matitirahan dito sa orins kawnti. unang una, ang mahal ng rent. sino ba kasing gagong nagpauso na tumira dito at lahat ng lang ng tao eh gustong lumipat. super taas tuloy ang halaga ng pabahay. ang average two room apartment ay umaabot sa $1600 to $2000. packingsheet, that’s almost three times the amount we paid sa singapore. halos maihi ako sa presyo. tinanong ko nga doon sa katiwala ng apartment kung ginto yung mga door knob at gripo. hindi raw – tanso lang. ngyehehe.
Did you ever see the customers in health-food stores?
first day of work ko ngayon sa bago kong opisina dito sa ‘merika. swabe lang dahil nasa orientation pa rin ako – tinuro sa akin ngayong umaga kung nasaan ang kubeta (“dats damos imfortant fart op da opis” ang sambit ko sa english na halos hindi ko maintindihan). tapos dinala ako sa pantry na kung saan may libreng kape at snacks na nasa vendo machine (“dats dasican mos imfortant fart op da opis”, ang ganti ko na naman sa nag tour sa akin).
BATJAY: “is ebriting here in da pantry por free – oldis pud en sopdrinks?”
HR GUIDE SA OPIS: “YES, batjay!”
BATJAY: “how abawt di chips, di tsokoleyt bars endi beri meni beef jerky en eggs?”
HR GUIDE SA OPIS: “YES, they are all free,batjay!”
BATJAY: “kan i bring my wife en mommy to da opis en can we live here?”
HR GUIDE SA OPIS: “you trying to be cute, batjay?”
BATJAY: “how about balut? do yu hab da balut?”
HR GUIDE SA OPIS: “baloon?”
MA’AM, MA’AM, ANO PO BA ANG DILDO?
si jop ay isang pinay na teacher sa isang elementary school sa “ni-yu joi-see”, USA. nakakatawa ang blog niya tungkol sa experiences sa loob ng classroom kaya pag may time kayo ay bisitahin ninyo siya. anyway, last week daw ay mayroong 12 year old pupil na nagtanong sa kanya kung ano raw ang “dildo“. before siya na “save by the bell” ay naiblurt out niya (for the lack of a better word, i guess) na ang “dildo” raw is a kind of toy. kung sa akin nangyari yan ay sasagutin ko ang tanong via multiple choice. parang ganito: “ok class, listen up. a dildo may be any of the following. choose the best answer:”
A. it’s the cartoon character in the old seven up commercials”.
B. it’s an extinct stupid bird.
C. a dildo is a variety of sweet pickle
D. it’s a girl toy that’s used when there’s no boy.
SULAT SA PERSKASIN

hi sel!!!!
ok naman kami, kaya lang si jet ay mainit ang ulo ngayon kasi naroon pa rin sa flat namin ang mga may-ari ng bahay na opismeyt ko. dapat ngayon sila aalis pabalik ng china kaya lang nilagnat ang kumag. na extend tuloy ang bakasyon nila rito sa singapore.
hirap kasi ng mga ito eh medyo burara, di naglilinis, di nagaayos ng bahay at binabasag pa ang mga baso namin. si jet tuloy, kakagising pa lang ay mainit nang ulo. sabi ko nga sa kanya, huwag na lang pansinin at di worth getting a heartattack ang mga basag na kasangkapan at maduming bahay. pag pasensyahan na lang niya at ngitian ang mga kasama namin sa bahay ng ngiting aso! hehe.
kaya yan, di pa rin nakapag unpack gaano. nakakalat pa rin ang mga maleta sa spare room namin. tambak pa rin ang labada. but life is good, we are in good health at ninanamnam pa rin namin ang inyong generosity and love.
ingat, mga minamahal.
jay
BARKADA CALIFORNIA

pagtapos namin sa mga pinsan ni jet na si leslie, tumuloy kami sa pansitan ni ate sienna sa west covina. nagkita na kami ng ninang ko last september pero ito ang unang meeting ng magbarkadang jet at ate sienna, kaya todo embrace, emote at iyakan sila nang magtagpo sa gate ng apartment ni ninang. kukunan ko nga sana sila ng piktyur, kaya lang baka pagtulungan akong bugbugin ng dalawa.
kuha ito sa apartment ni ate sienna. from left to right, si ka rodger ang nakakatawang bagong kaibigan, si ate sienna, si papa andres, si jet at si mariacelia ang aming navigator papunta sa hollywood sign. nakaka-aliw sila at masarap kasama. pero nagkandautot sila sa kakatawa nang kinanta ko yung karaoke version ng “hello” ni lionel ritchie (version ng isang lasing na sinto-sinto). pakinggan nyo na lang… CLICK HERE.
BACK IN SINGAPORE, HILONG TALILONG

there’s nothing as miserable as going back from an enjoying trip in the US. it’s depressing and… what’s the best phrase to describe it? putanginang sobrang tagal. california was great. the people we met there were even greater. hehe. sanlingo lang sa ‘merika, puro english na ako ngayon. erase. erase… ok, ang galing nang bakasyon namin. kahit isang linggo lang, punong puno ito ng kulay, saya at katatawanan. kung pwede lang sanang i-extend ko ang aming oras, gagawin ko. kung pwede lang sanang di na bumalik dito sa singapore, gagawin ko.
reality check: yung katabi namin ni jet na nakaupo sa window seat sa eroplano kanina… may anghit, dura ng dura sa baso niya at tayo ng tayo para umihi. pakingsheet. pag ikaw ay naka upo sa isle seat ng eroplano, nakaka-asar kapag yung katabi mo ay parati kang kinakalabit at dinadaanan every hour dahil gusto niyang umihi. kung mayron lang akong gunting, puputulin kong titi niya.
narito na ulit ako sa singapore. jet lagged at hilong talilong, pinagpapawisan at malungkot.
MUNTIK KO NANG MASAGASAAN ANG 2 MATANDA SA RODEO DRIVE

pumasyal kami ni jet nung lunes kasama sina ate sienna at maricel sa hollywood last monday. sa may rodeo drive, muntik ko nang masagasaan ang lolo at lolang amerikano na tumatawid sa kalye. paliko kasi ako nang silay patawid. buti na lang at mabagal nang maglakad ang mga lekat. kundi sikat sana ako ngayon. baka na feature pa ako sa news. nakikinita ko na ang banner story: “STUPID FILIPINO TOURIST RUNS OVER SLOW MOVING ELDERLY COUPLE“. nagpalit kasi ang traffic light from green to yellow at hinahabol ko ang pag right turn. hehe. dahilan dahilan puro na lang dahilan.
ang actual dahilan naman talaga eh yung driving habits ko sa pilipinas ay dinala ko sa US. big mistake. big big mistake – ika nga ni julia roberts sa pretty woman.

after a long 6 hour drive from LA, narito na kami sa sacramento ni jet at nakikituloy sa mga pinsan niyang si alma na dati kong kapitbahay sa novaliches. matagal na sa america ang family ni alma. nag migrate sila rito ng kanyang dalawang kapatid na si leslie at jon, with their parents colonel quipot and colonel quipot. hindi po typo ito, ang mother at father nina alma ay parehong EX-colonel sa AFP. nga pala, special si alma sa amin dahil siya ang nagpakilala sa akin sa pinsan niyang si jet. the rest, as they say, is history.
NAHIYA ANG BATA SA KALATERANG NANAY AT TITA

nung isang gabi, nagpunta kami sa bahay ni mickey mouse at tuwang tuwa nga si jet sa mga nakita niya. kasama namin ang pamilya ng pinsan ni jet na si leslie. nung all star parade, lumabas si tarzan na mukhang hunky sexy macho dancer. sabay sabay sumigaw sina jet at leslie ng “TARZAN I LOVE YOU!”… biglang sumabad si tonie, ang nine year old daugther ni leslie: “mom, stop it. you embarrass me“. hehe. cute.
mamaya, ipapasyal daw ni ate sienna si jet sa iba’t ibang tambayan ng mga artista sa hollywood. excited na nga ang dalawang loka. hehe. ako, dakilang driver. hehe. ok lang yon, masarap naman ang sushi dinner na ginawa ng ninang ko kagabi. dami ko ngang nakain kaya medyo masakit ang tiyan ko ngayon. hirap talaga ng matakaw. teka nga, makaligo na’t nang matapos na ang aking mga morning ritual. kumukulo nang tiyan ko.