BABYLON SISTERS SHAKE IT

nawala na yung usok galing sa wildfire na malapit sa amin. pawala na siguro yung sunog. mabuti naman. itong mga nakaraaang 2 days kasi, nakakatakot tingnan yung malaking column ng smoke na tanaw na tanaw sa bintana ng opisina. parang at any time, pwedeng tumawid ang apoy papunta rito. mga 2000 homes ang na evacuate dahil malaki yung sunog – mahigit 6000 acres daw. gaano ba kalaki ang 1 acre? di ko alam kasi sanay ako sa square meters. teka nga at ma research… eto, ang sabi sa google, 1 acre = 4 046.85642 square meters. imagine nyo na lang kung gaano kalaki ang sunog. beri-beri big too big, ano? dry na dry kasi ngayon dahil sa santa ana winds kaya isang spark lang, sunog agad. ang santa ana winds nga pala ay yung malakas na hangin na galing sa desert na umiinit habang tumatawid pababa ng bundok papunta sa pacific ocean. pag ganitong may santa ana, nagiging almost 0 humidity at tumataas ang temperature. in fact, today will be a hot day at ang forecast ay around 90 deg F. that’s a record breaking 32 degrees C. packingsheet, parang summer. kailangan na yatang maglagay ng underarm odor protection.

“Short is the joy that guilty pleasure brings.” – Euripides

ano bang mga twisted guilty pleasures ninyo? marami akong mga kakilala na halos mag orgasm pag nagku-kutkot ng tenga. sinusundot ng walis ting-ting ang loob at pagkatapos ay kinikilig sa sarap. hehe. mayron namang mga iba na mahilig mangulangot habang nagmamaneho – sa singapore, maraming ganito. halos ipasok ang hinlalaki sa butas ng ilong. nung high school naman ako, mayroon kaming teacher na mahilig magkalkal ng betlog. para hindi namin mahalata, ididikit niya ang singit niya sa kanto ng teachers desk ay doon magkakaskas. obvious naman na gusto niya ito dahil minsan nahuhuli namin siyang napapapikit.

Continue reading

“sweater, n.: garment worn by child when its mother is feeling chilly.” – ambrose bierce

may napansin ako sa sarili ko lately. simula nang lumipat kami rito sa california, panay ang bili ko ng sweater. nakaka apat na ako. eh apat na buwan pa lang kami rito – ang ibig sabihin nito, every month, bumibili ako ng isa. medyo weird nga eh. naisip ko baka dahil ito sa deprivation resulta ng pagtira ng matagal sa tropical country. ngayon lang kasi ako nakakatikim ng malamig na panahon ng matagal kaya ngayon nga rin lang nakakapag suot ng panlamig. iniisip ko nga, baka pagtagal, magaya ako kay imelda marcos. di ba nung bata siya, deprived siya sa sapatos dahil mahirap lang sila kaya nung naging first lady eh sangkaterba ang collection. sa case ko naman, sweater imbes na sapatos. over compensating na ba ako dahil sa lamig kaya bumibili ng maraming sweater? gardenget.

Continue reading

“When Black Friday comes, I’ll fly down to Muswellbrook” – steely dan

black friday ang tawag sa biyernes pagkatapos ng thanksgiving. importanteng araw para sa retail industry ng america at paborito ng mga adik mag shopping dahil ito ang pinakamalaking sale sa buong taon. madaling araw pa lang ay bukas na ang mga tindahan at may mga sira ulo ngang natutulog sa labas para sila ang mga maunang makapasok. may napanood nga ako sa TV na nag stampede pag bukas ng pinto. maraming mga nanunulak at natutulak, nadadapa, gumugulong at nadadaganan. balita ko nga eh may mga nagsusuntukan pa dahil nag aagawan sa mga produkto. hindi ko naman sila masisi, pag sale kasi rito sa amerika, talagang sale.

Continue reading

FOLLOW THE YELLOW BRICK ROAD

Kansas Education Board First to Back ‘Intelligent Design’ – effective immediately, ituturo na sa mga school sa kansas ang intelligent design bilang challenge sa theory of evolution and natural selection ni darwin.

tumatanda ata ng paurong ang mga amerikano. what’s next? siguro idi-declare nila that the world is flat, na yung apollo landings on the moon eh hollywood special effects lamang and being kansas – baka i-declare din nila na yung “wizard of oz” ay true story. gardenget.

Continue reading

I bet living in a nudist colony takes all the fun out of Halloween

dear mommy,

Ang Mahiwagang Daigdig ni Darnita, ang Batang Darna. CLICK to Zoom kamusta na kayo diyan sa pilipinas? sana ay nasa mabuti kayong kalagayan – di ko alam kung ano ang pakiramdam ng isang 81 year old but looking at you, it seems that you are having a great time. halloween na nga pala dito sa amin bukas. ito ang magiging una namin ni jet dito sa amerika at handa na kaming makikisali dito sa sikat na american tradition na ito. nakakatuwa nga ang mga kano, libo libo ang ginagastos para lang makapaglagay ng dekorsasyon sa mga bahay nila. kung titingnan mo, para silang mga sira ulo – bibili ng mga sapot ng gagamba, mga pusang nanlilisik ang mga mata, higanteng daga, mga paniki, at kung ano anong mga nakakatakot na mga maligno. tapos ididisplay ito sa labas ng bahay. tama ba naman yon? pero tama man o mali eh sali kami sa kabaliwan nilang ito! hehehe. napabili na nga kami ni jet ng mga candy para ipamigay sa mga bata, sakaling may maligaw na mag “trick or treat” sa apartment namin bukas.

Continue reading

Little darling, the smiles returning to the faces

panay nga bilad ko sa araw dito sa southern california lately. malaking pagbabago, kasi nung nasa singapore pa kami eh hindi ako lumalabas kasi sobrang sakit sa balat. isa pang mahirap dalhin ay yung humidity. pawisin kasi ako at isang hakbang ko lang, parang gripo na ang tulo ng pawis ko. pero iba dito kasi dry ang hangin. kahit mainit ay hindi ako masyadang pinagpapawisan. tapos ngayon ay gumaganda na ang panahon – lumalamig na. kanina nga may libreng lunch sa opisina at nag picnic kami sa campus namin. ang sarap ngang kumain sa labas. gustong gusto ko pag umaaraw pero malamig. kahit mag kutis betlog ako’t mag mukhang zebra, ok lang.

Yea, though I walk through the valley of death

T: anong katangian ng mga amerikano ang gusto mo?

S: that they love to bitch about things. gusto ko yung fact na mahilig silang magsalita at mag voice out ng mga opinions. that in a meeting, you can shout at each other about work related matters pero pagtapos ay back to normal. walang personalan, ika nga. gusto ko yung exchange ng mga opinion – nagiging mas creative ako sa mga ginagawa ko dahil nakikita ko ang lahat ng mga angulo. gusto ko yung fact na pag may sumingit sa pila, may sisigaw sa likod na puno ng mga salita tungkol sa mga part ng lower anatomy. it’s a refreshing change from the way asians do it (ie, tahimik, timid, keeping things to themselves).

T: anong katangian ng mga amerikano ang ayaw mo?

S: that they love to bitch about things. too much sometimes. bitch, bitch, bitch, bitch, bitch. the weather’s too hot – bitch. the weather’s too cold – bitch. the gas prices are over $3 – bitch. walang kape sa coffee pot – bitch. mas maliit yung actual order na pagkain sa fastfood kaysa doon sa nakalagay sa picture – bitch. ultimo kaliit liitang bagay – bitch, bitch, bitch, bitch, bitch. minsan nami miss ko tuloy how asians do it (ie, tahimik, timid, keeping things to themselves).

Where there is a stink of shit there is a smell of being

Glorious, suwerte ka raw pag nataihan ka ng ibon. at least yan ang kasabihan ng mga taga asia. naniniwala ako rito. nung grade five kasi kami, yung isang classmate ko, nabagsakan ng ebs ng tarat habang kumakain kami sa gym. muntik na ngang ma shoot sa lunch niya, pero lumihiis ito at tumama sa balikat niya. naiyak nga siya (siguro dahil napahiya). pero look at him now – isang successful na negosyante. panay na lang ang pasok ang pera sa bulsa niya automatically at kahit di na siya magtrabaho hanggang sa mamatay siya eh hindi na siya magugutom. all that good luck later on his life, dahil lamang sa isang fateful shitty day. sana ako rin swertehin – nung first day of work ko kasi dito sa america, yung bintana ng kuwarto ko ay nataihan ng ibon. hindi ko alam kung anong ibon pero betchabygollywow, ang laking kalat ang ginawa niya (please see picture). sabi nga ng room mate kong si claus eh baka ostrich daw ang tumae sa bintana ko. impossible naman kasi, una, walang ostrich dito sa california. ikalawa, hindi naman lumilipad ang ostrich (oo nga pala, PYI: nasa top floor ang office ko). baka agila o lawin – marami kasing umaaligid dito. siguro hina-hunting nila yung mga sira ulong kuneho na takbo ng takbo sa office grounds namin. heniway, gumawa nga ako ng “FOR SALE” sign para naman malagyan ng kaunting dekorasyon ang opis. lahat nga ng dumadaan ngayon ay humihinto at natatawa – nagiging conversation piece tuloy (“what you got there, jay?”, “can i get one of them bird shit too?”, “what in the hell is that thing on your window?”, “fucking shit!”, “holy shi!t”, “hey jay, you’re full of shit!” and many other words to that effect). sikat na nga ako ngayon – “you know who jay is, right? he’s that new guy from building 1 with the big bird shit on the window”. for all the crap i’ve been getting (pun intended), sana naman mas swertehin kami ni jet dito sa amerika. sabi nga ni brader mike eh – “emen to dat, ale-luya!

The scientific name for an animal that doesn’t either run from or fight its enemies is lunch

ang distansya from our apartment to my office is around 2 miles. maraming salamat sa inyo my dear prens, at bigla akong nagkaroon ng sipag na alamin kung gaano ito kalayo sa metric system – ang sagot ay 3.218688 km. o sige, para walang kalituhan, sabihin na lang natin na limang minuto lang ako from home to work. sapat na oras ito upang mangulangot habang nagmamaneho. hehe. pero not enough to enjoy my music. ang isa pa naman sa mga paborito kong gawin ay makinig ng musika habang nagmamaneho (clapton, springsteen, binky lampano). since 5 minutes away lang ako eh minsan hindi ako nakakatapos ng isang kanta. bitin na bitin. minsan nga pag maganda ang kanta, sadya kong binabagalan para marinig ko ang mga tugtog ng buo. ang musika ay parang time machine. minsan magugulat ka na lang at biglang may kantang magpapaalala sa iyo, very vividly, ng mga nangyari sa buhay mo. tulad kanina, bigla akong nasenti dahil biglang tumugtog yung ending song ng voltes v habang papauwi ako (ito yung “oyani kaldereta“). pakiramdam ko eh para ulit akong ten years old. naalala ko rin tuloy yung time na pinahinto ni marcos ang voltes v, bwakanginangyan. pero that’s another story.

Continue reading