Set the controls for the heart of the sun

first year anniversary namin dito sa america last week. bilang celebration eh nanood kami ng concert ng CSNY sa verizon amphitheater. ang bilis ng panahon ano? parang kahapon lang eh kumain ako ng lumpia for dinner. ang sarap kasi ng ginawa ni jet na lumpia kaya bigla ko tuloy naalala ang pilipinas. pero mabalik ako: ang bilis nga ng panahon – parang kahapon lang ay dumating kami sa airport ng los angeles bitbit ang aming labindalawang bag para magsimula ng bagong buhay dito sa southern california. ang dami nang nangyari simula nung araw na iyon.
Continue reading

A Cannibal is a person who walks into a restaurant and orders a waiter

sa isang paborito naming mexican restaurant sa southern california…

BJ: “can i have some extra salsa please”

WAITER: “no”

BJ: “why not?”

WAITER: “sorry – i was only kidding. i’ll get some for you”

kumuha naman yung waiter ng salsa…

WAITER: “here you are sir.”

BJ: “thank you very much.”

WAITER: “is there anything else you want?”

BJ: “yes, i’d like a 12 inch dick and a trip to hawaii.”

THE END

ang customer-waiter repartee na ito ay handog sa inyo ng RUBY BLADE POMADE, ang pomada ng mga nag-aahit.

OCCAM’S RAZOR

happy 15th anniversary mylabopmayn! yung daing na bangus na ulam namin ngayong week ay further proof ng matagal ko nang paniniwala – the simple things in life are the ones that provide the greatest pleasures. minsan sa sobrang kasimplihan, you take them for granted. but in your heart of hearts you know that they are the ones that matter the most. sa pagsasama namin bilang mag-asawa ni jet, ito ang isa sa pinaka importanteng lesson. hindi ko naman sinasabi na ang pagsasama namin ay parang daing na bangus. ang point ko ay ito: una – ang mga simpleng bagay sa relationship namin ang nagbibigay sa akin ng pinakamalaking satisfaction. ikalawa – pag pala ginawa mong uncomplicated ang pagsasama ninyo, malayo ang inyong mararating. kung mapapansin ninyo siguro, naka instrospective senti mode ako ngayon. hindi ko mapigilan kasi major milestone ang araw na ito para sa aming mag-asawa: 15th wedding anniversary kasi namin ngayon.

Continue reading

Dreamers may leave, but they’re here ever after

ang sarap ng ulam ko ngayong tangahali – daing na boneless bangus! medyo trivial lang sa iba pero big deal ito sa akin. paminsan-minsan na lang kasi akong nakakakain ng daing. bumili ako kahapon sa island pacific, isa itong pinoy supermarket sa west covina. doon ata tinambak lahat ng mga pilipino sa los angeles. pag pumunta ka nga roon, para kang nasa pilipinas. may max fried chicken, may goldilocks, ang daming mga turo-turo at kahit saan ka lumingon, ang dami mong makikitang tao na tulad kong kutis betlog na nagtatagalog.
Continue reading

American cities are like badger holes ringed with trash

nakatanggap kami lahat sa trabaho ng email galing sa facilities department recently. sila yung mga nag aayos ng maintenance ng campus namin dito sa california, simula sa pagpalit ng mga light bulb hanggang sa pag ayos ng garden. medyo nakakatawa yung email kasi pina-alala sa amin na huwag daw gawing personal garbage dump yung opisina. apparently may nagtapon sa trash can namin ng refrigerator during the weekend.

refrigerator? packingsheet.

Continue reading

One step up and two steps back

balak kong ipauso rito sa california ang maglakad ng paatras bilang form of exercise. wala kasi akong nakikita rito na mga joggers na tumatakbo ng paatras. sikat ang exercise na ito sa mga taga singapore. impak, tumambay lang kayo sa mga park doon ng umaga at sigurado kayong makakakita ng mga naglalakad ng pabalik. karamihan dito ay mga matatanda. senile ba kamo sila? hindi naman siguro. pero para silang mga sira ulo. na interview sa tv ang nagpasikat sa exercise na ito at sabi niya hindi raw natin nagagamit lahat ng mga muscles sa paa dahil parati raw tayong naglalakad ng paabante kaya paminsan minsan daw dapat paatras ang lakad natin. sa tingin ko ay talagang sira ulo siya pero what the heck, ang daming mga naniwala sa sinabi niya. siguro para maiba naman, ang ipapauso ko na lang dito ay ang maglakad ng patagilid na parang talangka. iniisip ko nga, sa pilipinas siguro ay sisikat din ito kasi marami roon ang may crab mentality.

Strangers passing in the street

nakasalubong ko na naman yung bumbay na naka turban nung naglalakad ako kanina. sabay kami ng oras sa paglakad at kadalasan ay sa park kami nagkikita. matanda na siya, siguro mga 80 years old. mabait ang muhka at malayo pa lang ay nakangiti na. parati kaming nagpapalitan ng pleasantries.

kanina binati niya ako ng – “good morning, fine thank you”

sumagot naman ako ng – “good morning, how are you?”

tapos pareho kaming natigilan, biglang nagkatinginan at nagkatawanan. yan ang masarap sa paglalakad dito. may nakakaharap kang mga taong magpapasaya sa iyo.

Except roll down the window and let the wind blow back your hair

bukod sa pag diyeta sa pagkain, ang isa ko pang inaatupag ngayon ay ang mag exercise araw-araw. kailangan eh – diabetic na at overweight pa, hindi na pwedeng pahiga higa na lang. gumigising na ako ngayon ng 5:30 ng umaga para maglakad o kaya magbisikleta. pag uwi ko naman sa gabi ay maglalakad ako ng isang oras bago kumain ng hapunan. mas mahirap sa umaga dahil malamig. lalo na pag naka bisikleta ka dahil may wind chill. sa simula ay maninigas yung kamay mo sa lamig pero pagtagal naman ay masasanay na rin yung katawan mo pag nagsimula ka nang pawisan. buti nga narito kami sa california: at least kahit winter dito ay nakakalabas pa rin kami para mag exercise. iniisip ko nga kung paanong exercise ang ginagawa ng mga nasa canada, o kaya yung mga nasa north east coast pag ganitong winter. parang ayoko yata tumira doon. una, gusto ko kasi sa outdoors ang pag exercise dahil ayokong naka kulong sa gym. ikalawa, nakakaliit ata ng titi ang sobrang lamig. baka gumising na lang ako isang umaga, pekpek na yung makita ko pag ihi ko.