nagkaroon ng synchronicity kaninang umaga nung naglalakad ako. biglang tumugtog sa music player ko yung “sunrise” ni norah jones habang tamang tama ay papasikat ang araw. bagay na bagay talaga – parang gusto ko ngang maiyak because it was a perfect moment. medyo pumipikit pikit pa nga ako at ninanamnam ko ang kanta ng may pumara na kotse sa tabi ko. nagulat nga ako dahil akala ko kikidnapin ako. muntik na nga akong mapasigaw ng “huwag po, huwag po” pero pinigilan ko ang sarili ko dahil naalala kong bigla na nasa ‘merika na pala ako.
Category Archives: Uncategorized
Oh come take my hand, riding out tonight to case the promised land
dear unkyel batjay,
kamusta na po kayo. bago po ang lahat ay hayaan nyo munang batiin ko kayo ng isang magandang araw, sampu ng inyong mahal sa buhay. unkyel, alam ko po kasi na matagal ka nang buma byahe at sanay ka na sa mga kung ano ang dapat gawin pag may trip, kaya nga po kayo ang unang naisip ko para hingan ng advice. dahil po kasi sa kakulangan ng trabaho dito sa pilipinas ay nag decide na po akong mag abroad. nag-apply po ako para magtrabaho bilang isang veterinarian sa middle east. maganda naman po ang sweldong ibinigay sa akin at ok naman ang mga benefits. ako po yata ang mag-aalaga ng private zoo ng isang arabian sheik doon. kamakailan po ay pumirma na ako ng dalawang taong kotrata at makakaalis raw po ako ng either may or june. unkyel narito po ang aking tanong, kung inyo pong mamarapatin: ano po ba ang maipapayo ninyo para sa isang tulad ko na isang pinoy na ngayon pa lang makaka-alis ng pilipinas para makipagsapalaran sa abroad?
yun lang po at lubos na gumagalang,
gentle reader
I never met a piece of chocolate I didn't like
mayroong malaking pile ng brownies sa pantry ng opisina ngayon. hindi nga ako mapakali kasi naririnig ko yung demonyo na bumubulong sa akin: “sige na, kainin mo na. wala namang nakatingin. wala namang makakaalam. hindi ito makaka apekto sa diabetes mo. sige na”. sikat kasi ang brownies sa opis namin. una, dahil libre ito at eat all you can. pangalawa, talagang masarap. impak, its one of the best i’ve tasted ever – hindi siya matamis pero malasang malasa ang tsokolate. pag kuha ko nga ng tubig kanina ay nakita ko agad yung brownies. bigla akong nanghina. nadedemonyo talaga ako. para tuloy gusto kong kumuha ng holy water at wisikan ang brownies habang sumisigaw ng: “THE POWER OF CHRIST COMPELS YOU. THE POWER OF CHRIST COMPELS YOU!”
THUNDER ONLY HAPPENS WHEN IT'S RAINING
dear unkyel batjay,
heto na naman po ako at may dala-dalang problema: ako po ay isang 24 year old na lalaki at bagong kasal. hindi pa po ako sanay sa buhay may asawa at hanggang ngayon ay nag a-adjust pa. don’t get me wrong unkyel, gustong gusto ko po ang bago kong estado sa buhay and in fact, ngayon lang po ako nakaramdan ng ganitong klaseng ligaya. ang sarap po pala ng may nag aalaga sa inyo. heto po ang aking dillema unkyel batjay – nagkaroon po ako ng LBM kanina at hindi ko pa mapigilan na may tumulo sa aking underwear. hindi ko na po ngayon alam ang aking gagawin. natatakot po ako sa sasabihin ng asawa ko pag nakilta niya yung brief ko. tulungan po ninyo ako.
nagmamahal,
gentle reader
He took a face from the ancient gallery and he walked on down the hall
mahigit 3 weeks na akong di kumakain ng red meat. big deal ito para sa akin na kilalang meat lover. puro manok at sea food na nga lang. part ito ng life style change namin. galing kasi ako sa check up at mataas daw ang blood pressure ko. yan pa nga palang isang bago sa akin – kailangan nang regular ang bisita sa doctor. tinitingnan ko nga ang schedule ko lately eh one doctor appointment after another. wala naman akong sakit – kailangan lang talagang magpunta as part of our being here at siyempre gusto ko ring humaba ang buhay ko.
They give us those nice bright colors, They give us the greens of summers
"I refer to jet lag as 'jet-psychosis' – there's an old saying that the spirit cannot move faster than a camel" – Spalding Gray
napansin ko, mas mahirap mag byahe ng east to west kaysa sa west to east dito sa merika. mahirap kasi yung 3 hour ahead na difference. isipin mo na lang kung galing ka rito sa california at pupunta ka ng florida. pag gising mo ng alas sais ng umaga, alas tres pa rin ng madaling araw ang body clock mo. ang tendency mo ay gusto mo pa ring matulog kahit tirik na ang araw. kung tulad pa ninyo ako na nakaprogram ang morning ritual, tanghali na bago maka ebak.
Moon appears to shine and light the sky, with the help of some fireflies
hello mylab,
happy birthday. hindi na ako mag papaligoy ligoy pa, heto ang isang regalo para sa iyo:: awit galing sa puso. sana magustuhan mo itong cover ng isang classic ni frampton. naghahanap ako ng angkop na kanta na magsasabi kung gaano kita kamahal – naisip ko nga para talagang senti, bakit hindi na lang isang 70’s song na mayroong lyrics na bagay nga sa gusto kong sabihin sa iyo: “baby, i love your way. i wanna be with you night and day“. sige na magkabaduyan na tayo sa special na araw na ito, ok lang sa akin. paraan ko lang naman para masabi na – maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. maraming salamat sa mga tawa at ngiti. maraming salamat for being by my side kahit nakakalbo na ako’t malaki ang tiyan. happy birthday mylab.
lab U.
jay
PS oo nga pala, gumawa ako ng “haikung hindi” para sa iyo. sana magustuhan mo rin. heto…
ako’y iyong minahal,
kahit minsan ako’y kupal.
you are a wonderful.
"Pride is the shirt of the soul, put on first and put off last"
hindi siguro ako makakapag damit kung hindi naimbento ang cotton. siguro dahil lumaki ako sa south east asia kung saan walang katapusan ang summer. pawisin pa naman ako. kaunting galaw lang, tulo pawis na ako at mahirap kung hindi cotton ang suot kong damit. buti nga wala akong putok kung nagkataon, wala sana akong kaibigan ngayon. parati ko ngang sinasabi kay jet, pinanganak ako sa maling bansa. hindi ko talaga type ang init. in fact, mas makakatagal siguro ako sa extreme cold as opposed to extreme heat. baligtad ito sa boss ko sa singapore na takot naman sa lamig. ayoko ngang sumakay sa kotse niya kasi hindi nagbubukas ng aircon. imagine nyo na lang kung ano ang pakiramdam pag nakakulong ka sa kotse habang bumabyahe kayo sa isang tropical country. kaya nga malaking ginhawa ang paglipat namin dito sa california – hindi na pinagpapawisan ang singit ko. pero siyempre kahit maginhawa na, cotton pa rin ang gusto kong suotin.
"Men are simple things. They can survive a whole weekend with only three things: beer, boxer shorts and batteries for the remote control" – Diana Jordan
bukod sa bago kong hilig sa pagsuot ng pajama, nag-iba na rin ang taste ko sa underwear. ewan ko ba – pag tumatanda ka yata, ang hinahanap mo sa buhay ay comfort instead of porma. nung bata pa ako, ang peborit kong suotin ay bikini briefs dahil akala ko ay mas maraming magkakagusto sa akin kung ito ang suot ko. on hindsight ay naiisip ko nga, ano ba talaga ang silbi ng bikini brief eh imposible naman itong makita ng mga babae dahil may suot akong pantalon over my underwear. hindi naman ako sira ulong superherong tulad nina batman na nasa labas ang brief. in any case, ayoko na ngayon ng bikini briefs dahil nasisikipan na ako rito. hindi naman dahil sa malaki ang titi ko. mas gusto ko lang yung pakiramdam ng boxer shorts. in particular cotton boxer shorts. ayoko ng silk dahil masakit sa betlog pag naka upo ng matagal. minsan dumudungaw pa nga yung betlog ko at hindi ito maganda lalo na kapag naka jeans.

















