While we're on our way to there, why not share

ROCK 990 i know this is a shameless plug but what the heck, they need all the support they can get. if you love classic rock, tune in to ROCK 990 on the AM band. they have a live online feed kaya pwedeng makinig even if you’re out of the country. this is your chance to listen to intelligent rock music played on the air. pag sabado ng hapon, you can catch howlin’ dave do his pinoy rock show. it’s like going back to the good old rock of manila days. my brother does his show from 1-4 PM every monday to saturday. and he does do a great job. a lot better than most of the jocks we have in manila. you can call him up to make requests. the telephone number to dial is 8171316.

Continue reading

GULLIBLE'S TRAVELS

ang topic namin ngayon sa “rebels without because” ay tungkol sa mga kwentong kasinungalingan. mayroon ba kayong mga experience sa buhay kung saan kayo naloko o nangloko? kung mayroon, bisita kayo sa blogkadahan site, basahin ang mga entry doon at mag comment. toka ko ngayon at eto ang aking kumpletong entry tungkol sa pang-uuto na ginawa sa akin nung ako’y isang “musmos lang at wala pang alam“.
Continue reading

THERE'S A STRANGE NEW MUSIC IN THE STREET

mga bagong bili na mga CD. baka kako magustuhan nyo rin.

Morph the Cat, By: Donald Fagen – nakakapagtaka na ito pa lang ang third album ni donald fagen. we know him of course as the other half of Steely Dan. this is actually fagen’s first in 13 years and it’s especially poignant becuase the songs are about growing old and about death. pero hindi siya morbid – impak, mapapasayaw ka pa nga because my main man fagen: he’s got the groove. ibang klase talaga ang musika nina becker at fagen – quirky, funny, dark and always off center. e.g., here’s fagen talking to soul legend ray charles in a song called “what i do“:

I say “Ray, why do girls treat you nice that way?”
He said it’s not what I know
what I think or say

It’s what I do

steely dan will be touring this summer with michael mcdonald. pupunta sila sa verizon ampitheatre sa july 17. this is just 15 minutes away from where we live. sana mapanood namin sila ni jet.


Continue reading

May your troubles be like the old man's teeth – few and far between

nabanggit ko na ba na nilagyan ng bakal ang ipin ko? nung nagpa root canal ako recently ay kinabitan ng dentista ko yung dalawng ipin ng stainless steel bar para daw may kapitan yung bagong crown (o yung jacket) na ipapalit doon sa luma kong ngipin na muntik nang nahulog sa sabaw nung araw na kumalas ito sa pagka kabit. natatakot nga ako ngayon pag nag travel ako. baka kasi pag pasok ko sa airport ay mag alarm yung mga metal detector. iniisip ko nga, sasabihin ko na lang sa airport security na dati akong nagtrabaho sa saudi at may bulitas ang titi ko.

ANG UNANG LETRA'Y ASUNSYON

nung nagbibinita ako, around this time of the year parati kaming sumasali sa pagkanta ng pasyon. kadalasan nagsisimula ito ng holy thursday at pipiliting tapusin ng bago mag easter sunday. pag inaantok nga kami sa madaling araw ay iniiba namin ang tono ng kanta. ang paborito ko ay yung refrain na ginagawa naming medyo upbeat. subukan ninyo itong kantahin to the tune of “electric dreams” and you’ll know what i mean. ang hirap kasi sa style ng pasyon eh kontra ito sa lahat ng mga natutunan mo sa pagkanta ng tamang paraan. yung mga hindi nga sanay na makarinig sa kanta ng pasyon eh akala nila ay nakakarinig sila ng ginagahasang kambing.
Continue reading

The older you get, the tougher it is to lose weight because by then, your body and your fat are really good friends

dear unkyel batjay,

ako po’y isang pinoy na OFW at based dito sa singapore. 5’1 po ang height ko at mahigit 250 pounds. ang sarap po kasi ng pagkain dito at halos araw-araw ay lamon ang kain ko. hindi ko na po alam ang gagawin kasi ayaw na po akong tabihan ng misis ko. tulungan po ninyo ako.

lubos na gumagalang,
gentle reader


Continue reading

Strangers passing in the street by chance two separate glances meet

nakasalubong ko na naman yung bumbay na naka turban nung naglalakad ako kanina. sabay kami ng oras sa paglakad at kadalasan ay sa park kami nagkikita. matanda na siya, siguro mga 80 years old. mabait ang muhka at malayo pa lang ay nakangiti na. parati kaming nagpapalitan ng pleasantries.

kanina binati niya ako ng – “good morning, fine thank you”

sumagot naman ako ng – “good morning, how are you?”

tapos pareho kaming natigilan, biglang nagkatinginan at nagkatawanan. yan ang masarap sa paglalakad dito. may nakakaharap kang mga taong magpapasaya sa iyo.

I hear the blood of my blood cryin' from the ground

dahil sa diabetes, tatlong beses sa isang araw akong nagsusukat ng blood sugar. madali na lang ito ngayon kasi mayroon nang mga glucose meters na digital at mura na ang mga ito. impak may mga model nga ngayon na less than $10. ang catch dito ay yung mga test strips dahil ito ang mahal. ang isang 50 piece nga na packet ay mga $20. simple lang kumuha ng blood sugar: tusukin mo ang daliri mo, kunin ang dugo at ilagay sa test strip na nakapasok sa glucose meter. after a few seconds lalabas na yung blood sugar mo.

may lanseta na ginagamit sa pagkuha ng dugo. sa umpisa ay masakit pero pag tagal ay masasanay ka na rin. buti nga hindi ko kailangan ng insulin kung hindi panibagong tusok na naman yon. naiinis lang ako doon sa lansetang ginagamit ko dahil minsan tinutusok ko ang sarili ko pero walang lumalabas na dugo. pinaglihi yata ako sa elepante kasi sobrang kapal ng palad ko. iniisip ko nga baka dahil sa panay ang mariang palad ko nung bata ako kaya kumapal nang husto ang kalyo ko sa kamay.

WELL THEY'LL PASS YOU BY IN THE WINK OF A YOUNG GIRL'S EYE

nung 5-10 years old ako (1970-1975), eto ang mga pinag-uusapan ng generation namin: jolens, teks, trumpo, kung masakit magpatuli, kung talagang bakla si batman at robin, bakit mabaho ang kupal, taguan, tumbang preso, kung bakit paliit ng paliit ang size ng double bubble gum, ano ba ang lasa ng beer

nung 10-15 years old ako (1975-1980), eto ang mga pinag-uusapan ng generation namin: yung size ng bra ng mga teacher namin, magkano ang bedtime stories sa recto, paano magpisa ng tagyawat, kung talagang nakakabulag magjakol araw-araw, paano manligaw, saan mura magpunta para mabinyagan, ano bang mabisang gamot sa tulo, CRISPA-TOYOTA, sino mas magaling si voltes v o si daimos, ERIKA-RICHARD, bakit makati ang titi pag may kalkal, sino pinakamalakas uminom

nung 15-20 years old ako (1980-1985), eto ang mga pinag-uusapan ng generation namin: ano ang magandang course na kunin sa college, saan magandang school, sino ang may discount card sa anito, kung ano ang mas effective withdrawal method o condom, masarap bang magpachupa sa bakla, ano gagawin pag hindi niregla ang syota, saan pwedeng magpa secret marriage, paano paalisin si marcos, kung hero ba si ninoy, saan mura ang beer

Continue reading