Four Five jobs I've had in my life

1. Part time DJ sa RJ 100.3 ng isang sem (working student)
2. Dbase III Programmer/System Analyst sa Quiapo (1st job ko)
3. Instrument Engineer/Automation Engineer (pero hindi ako gumagawa ng guitara)
4. Sex Slave to my wife (it’s not a job, it’s an adventure)

5. Sige na nga – BOOK AUTHOR

Continue reading

TOP 10 DO'S AND DON'TS PARA SA MGA FIRST TIME TRAVELLERS

1. plan your trips abroad ahead of schedule para maayos lahat ng mga visas, hotels at air tickets. mas mura kasi ang bayad pag mas maaga ang mga reservations. pag nakatipid ka sa bayad sa hotel at eroplano, pwede mong gamitin yung extrang pera pambili ng pasalubong para sa mga kupal mong kaibigan na parating sumisigaw ng “asan ang chocolates ko?” everytime kayong magkita sa pilipinas.

2. pag may trip ka sa isang foreign country, punta ka sa internet para ma search mo ang mga facts about your destination. alamin mo yung culture, currency at do’s and don’ts. maganda rin na alam mo yung mga simple words tulad ng “hello”, “good morning”, “thank you”, “how much”, “tangina mo” at “fuck you”. impressed kasi ang mga natives pag alam mo ang language nila.
Continue reading

Don't Touch My Birdie

music video ito na ginawa ng kaibigan kong si egay. kinuhanan sa bahay namin sa antipolo nung despedida ko, 6 yrs ago. in day or two, aalis na ako para simulan ang buhay namin bilang overseas pinoy sa singapore. ang mga makikita ninyo sa video ay mga barkada ko since kinder and my friends for over 35 yrs. ang musika ay galing sa “Don’t Touch My Birdie” ng parokya ni edgar. looking at it now, heto akong parang gago na natatawa at naiiyak at the same time.
Continue reading

SNAPPY ANSWERS TO STUPID FOREIGNER'S QUESTIONS, PART 5

Q: where are you from?

A: the philippines.

Q: where’s that?

A: in asia

Q: is that near turkey?

A: you’re talking about asia minor.

Q: A Minor?

A: that’s a chord.

Q: Accord?

A: that’s a japanese car.

Q: so, the philippines is near japan?

A: exactly.

When I first heard the word "Wienerschnitzel" I thought it was German for circumcision

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DATELINE SOUTH AFRICA. inihayag kamakailan ni president bill clinton na ang pagpapatuli raw ang sagot sa AIDS. ayon sa mga pagsusuri sa south africa na sinalihan ng 3,274 na magkahalong tuli at supot na lalaki: napagalaman nila na yung mga tuli raw ay may 60% lower risk na magkaroon ng HIV kaysa sa mga supot. ano ang ibig sabihin nito, bayan? ang ibig sabihin nito ay malas talaga ang mga supot: supot na nga sila at may kupal, mas malaki pa ang chance nilang magkasakit.

kaya ang tanong ng sambayanan simula nang lumabas ang mahalagang balita na ito ay (TAN-TA-NA-NAN torotot epeks): si bill clinton ba ay supot? ang kasagutan ay malalaman ninyo sa susunod na… MAHALAGANG BALITA BALITA BALITA (echo epeks)!

ANG BALITANG ITO AT ANG PODCAST PARA SA MGA SUMOBRA SA PAG MARIANG PALAD AY INIHATID SA INYO NG “BIRCHTREE HOLLAND POWDER MILK, ANG GATAS NA MAY GATA.”

Not tonight, honey, I've got a headache

dear unkyel batjay,

bago po ang lahat, hayaan ninyo po munang batiin ko kayo ng isang magandang umaga, sampu ng inyong mahal sa buhay. ako po ay isang maybahay at based dito sa pilipinas. tatlo na po ang anak namin ng aking asawa. nung bago po kaming kasal ay napakaganda po ng sex life namin pero napansin ko pa nung magka-anak kami ay bihirang bihira na lang kaming mag talik ng asawa ko. hindi naman po sa nagrereklamo ako pero babae rin naman po ako na mayroong pangangailangan. ano po ba ang pwede kong gawin para maging exciting po ulit ang sex life namin.

yon lang po at lubos na gumagalang.
gentle reader


Continue reading

She's got a personality like an open grave

may bago akong natutunan na catch phrase sa conference namin last week – “they stick together like shit to a blanket.” ang ibig sabihin ata nito ay “predictable” o “inseperable”. mayroon bang nakakaalam kung saan nanggaling ang katagang ito? dumidikit ba talaga ang ebak sa kumot? nakakumot ba ang mga taga england pag umeebak? ang nagbitaw kasi nito ay kasama kong taga england na bukang bibig ang pag mumura. ang isang maganda lang sa mga english (i.e. mga taga england) eh kahit ang lutong magmura, dahil sa accent nila eh akala mo matino pa rin ang sinasabi.

use in a sentence: “my gelpren and i, we stick together like shit to a blanket.”

An apology for the devil: it must be remembered that we have heard one side of the case. God has written all the books

dear unkyel batjay,

ano po ba ang masasabi ninyo na darating daw ang demonyo sa june 6, 2006 kasi po raw ay “666” ang date na ito? di ba yung “666” ang marka ng demonyo?

nagmamahal,
gentle reader


Continue reading

OCCAM'S RAZOR

happy 15th anniversary mylabopmayn! yung daing na bangus na ulam namin ngayong week ay further proof ng matagal ko nang paniniwala – the simple things in life are the ones that provide the greatest pleasures. minsan sa sobrang kasimplihan, you take them for granted. but in your heart of hearts you know that they are the ones that matter the most. sa pagsasama namin bilang mag-asawa ni jet, ito ang isa sa pinaka importanteng lesson. hindi ko naman sinasabi na ang pagsasama namin ay parang daing na bangus. ang point ko ay ito: una – ang mga simpleng bagay sa relationship namin ang nagbibigay sa akin ng pinakamalaking satisfaction. ikalawa – pag pala ginawa mong uncomplicated ang pagsasama ninyo, malayo ang inyong mararating. kung mapapansin ninyo siguro, naka instrospective senti mode ako ngayon. hindi ko mapigilan kasi major milestone ang araw na ito para sa aming mag-asawa: 15th wedding anniversary kasi namin ngayon.

Continue reading

Dreamers may leave, but they're here ever after

ang sarap ng ulam ko ngayong tangahali – daing na boneless bangus! medyo trivial lang sa iba pero big deal ito sa akin. paminsan-minsan na lang kasi akong nakakakain ng daing. bumili ako kahapon sa island pacific, isa itong pinoy supermarket sa west covina. doon ata tinambak lahat ng mga pilipino sa los angeles. pag pumunta ka nga roon, para kang nasa pilipinas. may max fried chicken, may goldilocks, ang daming mga turo-turo at kahit saan ka lumingon, ang dami mong makikitang tao na tulad kong kutis betlog na nagtatagalog.
Continue reading