HAPPY MOTHER'S DAY MOMMY

116-1626_IMG

di na tayo masyadong nagkikita simula nang pumunta kami rito sa singapore. matagal-tagal na rin kaming di nakaka-uwi. gusto ko lang malaman mo na di naman ako nakakalimot…na parati kitang iniisip. di ko nakakalimutan lahat ng ginawa mo sa buhay ko… ang lahat ng sakripisyo at pagpaparaya mo, para sa akin. nakalista itong lahat sa bato. kung mayron man konting tagumpay o kayamanan kaming naipon, di ito matatamasa nang di dahil sa iyo.

malapit nang birthday mo. actually, ito ang mas importante sa akin dahil 79 years old ka na. pero alam ko rin na senti ka at mahalaga rin sa iyo ang araw na ito. kung kaya’t binabati ka namin ni jet.

natanggap mo na bang regalo namin? sana naman ay masaya kayo diyan bukas… este, mamaya na pala. hayaan mo, next year, gagawin nating engrande ang 80th birthday mo. palakas ka pa, para pwede tayong magkantahan at sayawan. iimbita tayo ng banda para pwede tayong mag-rock-en-roll hanggang umaga.

punong puno ng pagmamahal at halik, ang iyong paboritong bunso.

jay

You got to roll me and call me the tumblin' dice

kahapon ng umaga, tinawag kami ng boss namin sa kanyang kwarto for a highly irregular (and definitely unannounced) staff meeting. akala ko nga magpapakain ng breakfast. naalala ko, di pala uso ang magpakain sa singapore. anyway, sabi niya, kaya raw hindi pumasok ang isa naming office mate ay dahil nag self quarrantine (kaba-kaba-kaba).

apparently, yung father in law ng office mate ko ay nagkaroon ng high fever after visiting a clinic whose former patient contracted SARS. hmmm…. “interesting”, naisip ko, habang maraming scenario ang naglalaro sa fertile kong imagination:

Continue reading

MORE THAN A FEELIN'

tangna, sarap ng pakiramdam ko ngayon. ewan ko kung bakit. feeling ko, para akong si maria… “blessed are you among…”. siguro dahil bagong ligo ako. hehehe… bukas ang pc, patay ang tv (ayoko nang manood ng news – puro guerra, puro guerra), tumutugtog si gershwin ng “someone to watch over me”, si jet nakaupo sa dilim sa likod ko’t nag mu-muni-muni. patay lahat ang ilaw except yung lamp dito sa tabi ko. sarap man. ayoko pang matulog…

Continue reading

More on "shit happens" and "the shit has hit the fan"

dito ngayon sa singapore, mas malaking issue ang tungkol sa SARS kaysa sa Iraq War. marami nang nagkasakit na tao. ang total ata as of yesterday ay mahigit 80 nang may SARS, mahigit 700 ang naka-quarrantne dahil may possibilidad na pwede silang magkasakit. ang quarrantine na ito ay nasa kanilang batas. kailangan ay nasa bahay ka lang ng 10 days. pag lumabas ka eh, pwede kang multahan ng hanggang 15,000 dollars.

ang lahat din ng mga school ay sarado for 10 days starting last monday. lahat ng mga estudyante ay binigyan ng mga protective mask at sinabihang mag pa check-up pag may signs ng flu.

Continue reading

IT'S A GAS, GAS, GAS

isa lang masasabi ko sa concert ng stones dito sa singapore kagabi… jumpin jack flash, it’s a gas,gas,gas!

galing pa rin nila in spite of their “old age”. old age? lemme see:

Michael Philip Jagger, Lead vocalist, born: July 26th, 1943, AGE: 59
Keith Richards, Lead Guitar, born : December 18th, 1943, AGE: 59
Charles Robert Watts, Drummer, born: June 2nd, 1941, AGE: 61
Ron Wood, Lead Guitar, born: June 1st, 1947, AGE: 56

jurassic rock, yeah baby!!!

FIRST DAY OF SPRING AT AKO'Y NADAPA (wala namang spring kasi sa singapore eh)

nakakatawa ang umaga ko. hahahahaha. nadapa ako sa pag-akyat sa escalator dahil sa pagmamadali kong habulin ang train papunta sa office. pahiya ako. naka porma pa naman ako (bago ang long sleeved shirt ko!). hahahahahaha…. yan ang napala mong gago ka!oo na… “oo ate”, “oo ate”, puro na lang ako “oo ate”.

napahiya ako sa harap ng maraming tao. ako yun! ako nga yung tumambling sa escalator kanina sa may tanah merah station ng singapore MRT. mabungi sana kayong mga nangiti sa akin! makalbo sana kayong mga humalakhak (kahit babae pa kayo!) hehehehe… di na ako tumingin sa likod ko, baka mapa-away pa ako pag napikon ako sa mga tumatawa. hehehe. deadma na lang. di lang naman ito ang first time kong malaglag. maraming beses na akong nadadapa, natatapilok, nahuhulog, natutumba, etc. etc. etc.

Continue reading

DON'T TOUCH MY BIRDIE

perhaps you want to hear a funny parokya ni edgar song while watching the video of a group of friends who have been together for 32 years… ginawa ito ng kumpare kong si edgar maderazo, based na siya ngayon sa melbourne at siya ang network administrator ng monash university. kung interesado kayong mapanood ang MTV eh, punta na lang kayo by clicking on my BIRDIE

this song is lovingly dedicated to my wife JET, who is celebrating her birthday today. happy happy birthday, my love.

You'll forget the sun in his jealous sky

10:51 AM na rito ngayon sa singapore. ilang oras na lang, pasakay na kami ng eroplano pauwi ng pilipinas. naka-emapke nang lahat ang mga bag, nalinisan nang bahay, nakapag-withdraw na ng pera. ano na lang ang kulang? kain ng tanghalian, ligo, bihis, sakay ng taxi, check-in, clear immigrations, sakay eroplano.

pag-lapag sa maynila, halik sa lupa – parang si pope john paul II.

Continue reading

PA'NO MAGLUTO NG PEPPER STEAK

ingredients:

beef, preferably t-bone, mas malinamnam kung may konting taba sa gilid. sesame oil (kung gusto mong malasa) or olive oil (kung gusto mong malasahan ang beef ng husto) black pepper (ground) kikoman na toyo o kaya asin (pampaalat)

directions:

ibuhos ang sesame oil sa t-bone

dag-dag toyo or asin

sprinkle black pepper (kailangan marami!)

marinate ng isang oras kung nagmamadale (hehehe), pero overnight para mas masarap.
para di mawala ang lasa ng sesame or olive oil, mas maganda kung pan fried. pag grilled, mawawala ang linamnam yung mantika ng sesame oil ang gamitin mong langis sa pan fry till done

mas gusto ko kung medium well lang para malambot ang karne pag luto na ang karne, ibuhos mo sa pan yung black pepper at sesame oil na natira sa marinate at ipainit, ito ang magiging sauce mo.

pag naghalo na yung pepper at sesame oil sa pan at medyo kumulo na – pwede mo na itong ibuhos sa t-bone (pwede mo rin itong ihalo sa kanin tulad ng ginawa ni edwin narciso, hehehe)
simple lang, pero rock! hehehe… subukan nyo. garantisado ito.