WHAT I'M CURRENTLY READING

nung umuwi ako last week, hinalungkat ko yung library namin para kumuha ng libro na babasahin ko sa eroplano pabalik dito sa singapore. pinagpipilian ko eh either of the two of my favorite science fiction novels. yung una ay yung Songs of Distant Earth ni Arthur C. Clarke at ikalawa ang Beyond the Veil of Stars ni Robert Reed. mas maganda ang storya ni arthur clarke pero pinili ko yung kay robert reed.

siguro, pang limang beses ko na itong binabasa. maganda naman kasi ang pagkagawa ng librong ito. tapos, makakalimutin pa ako. ito lang ang masarap sa medyo ulyanin: pag tagal kasi, nakakalimutan ko ang mga detalye ng istorya. pag binabalikan ko ang mga lumang libro, para ulit akong nagbabasa for the very first time. like a virgin? perhaps.

if you have time to read only one science fiction book, take a pick between these two books. di kayo magsisisi.

PS: oo nga pala, nabasa nyo na ba yung short story ni arthur clarke na “THE NINE BILLION NAMES OF GOD”? ba’t ko ba ito nabanggit? wala lang, it’s a killer title for a story kasi (and to my great relief, it is a great story).

AKO'Y UMUWI SA PILIPINAS PARA MAGTRABAHO AT MAG SWIMMING

bumisita kanina sa antipolo ang mga mommy ko. kasama niya ang kapatid kong si gigi, si tj, si az at si glenda. dumating rin sina denden at meng, mga classmates ko at sina kuya bong, darlene at lucas. ah, oo nga pala, humabol din sina ate lannie, dennis at axl.

PI-AUG-03-006

ito ang mommy ko, sister ko si gigi, si tj (ganda ng ngiti), si glenda at ang anak niyang si az. kuha ito sa harap ng bahay namin ni jet sa antipolo. naglambing kasi ang mommy ko na gusto nilang mag swimming sa amin kaya ginawa ko eh ni-rent ko yung clubhouse ng buong araw para naman makapagsaya sila. sinundo ko sila sa novaliches ng umaga at sa amin na sila nag lunch.

PI-AUG-03-038

nag swimming party kami. despedida ko at celebration na rin sa birthday ng pamangkin kong si denden. si denden ay anak ng ate kong si gigi. sabay si gigi at ang mommy ko na nabuntis kaya halos sabay rin kaming lumabas ni denden sa mundo. actually birthday niya ng august 17, kung kaya mas matanda siya sa akin ng apat na buwan. sabay kaming lumaki, magkaklase rin kami at magkabarkada. eto si az at ako, sa gazebo, sa tabi ng pool ng clubhouse ng subdivision namin.

PI-AUG-03-029

solo namin ang pool kanina. sarap nga eh. ngayon lang ulit ako nakapag swimming in a long while. karga ko si tj sa gitna ng pool.

PI-AUG-03-015

eto si tj nangungulit habang nagbababad sa pool. eto ang batang ayaw umahon. kanina, hehehe, para lang umahon siya eh inuto ng lola niya… sinabi eh papalitan na daw ang tubig ng pool at kailangan na ni tj umalis.

PI-AUG-03-058

inimbita ko rin ang mga classmates ko at dumating ang iba. from left to right: kuya bong, jun alferez, rey opena (ate kiwi, binata ito!), ako, si denden (ang pamangkin kong kabarkada), si raymund at si lucas (na extra pa!). masaya na naman ay kwentuhan namin at siyempre, pinagusapan namin ang mga classmate naming di nagpunta. hehehe. lahat ng mga nasa litrato ay mga kaklase ko since kinder and friends for over 33 years.

PI-AUG-03-090

si az. gustong gusto ko ang kuhang ito dahil bukod sa guwapo si az, kitang kita sa background yung storm clouds na parating. actually umulan 30 minutes after kinuha ito kanina. kung gusto ninyong malaman kung anong hitsura ko nung baby ako… tingnan nyo na lang ang mukha ni az.

PI-AUG-03-050

pinalaro namin sa pool sina lucas at tj. enjoy na enjoy nga ang dalawa. lalo na si lucas, nakakapunta na nga sa malalim dala ang kanyang salbabida. kaya eto, tuwang tuwa rin ang tatay niyang si kuya bong. kung si paquito diaz kaya ang gumamit ng salbabida, tatawagin ba itong salbakontrabida? ngye-hehe.

PI-AUG-03-085

mylab, balik na ako sa singapore bukas. miss na miss na nga kita eh. kaya eto ako, umiinom na lang ng san mig light para mapabilis ang oras. sarap talaga ng malamig ng beer pag nasa pilipinas ka!

COUP NG MGA BOBO'T TANGA

well, i can confirm that some blog sites are blocked in china, particularly, blogspot. pero iyong interactive-X naman ay hindi blocked. may topak rin ang gobyerno rito. di ba nila alam, pag pinipigil, lalong nang gigigil. di rin naman effective ang blocking dahil, pwede siguro i-bypass ito by hosting your site outside of blogger.com, or better yet, find another blog provider.

isa pang may topak eh yung mga nag coup sa maynila. ang TATANGA talaga ng mga sundalong ito . gagawa lang ng gulo, walang kaplano plano. dapat sa inyo eh, tanggalan ng baril at hamunin ng suntukan. o ano, laban kayo pag walang baril? ha? ha? mga bobo!

FISHERMAN'S VILLAGE

kagabi, pumunta kami ni jet sa fisherman’s village sa pasir ris park. kasama namin si antonia at sharon, at yung aming bagong kaibigan na sina leah at eder. si leah ay isang pinay na singaporean citizen at asawa niya si eder. masarap silang kasama, cool na cool lang ang dating nila. si antonia naman ay dati kong officemate at kayosi. kahit singaporean chinese, eh napakatakaw niya sa adobo ni jet. hehehe… minsan kinulang nga ang kanin namin sa bahay dahil sa kanya eh. si sharon naman ay dj sa isa sa mga radio stations dito sa singapore.

nakilala namin si leah dahil nag-comment siya minsan sa isa kong kwento. simula nuon ay nagkausap na rin sila ni jet and the rest, as they say, is herstory. believe it or don’t, in 2 years dito sa singapore, sila pa lang ang pinoy na nakasama namin na lumabas. ewan ko ba, mahiyain kasi kami eh (lalo na pag walang suot na damit. hehehe). masarap talagang makipagkulitan sa mga kapwa pinoy, yung sense of humor kasi natin eh minsan di nasasakyan ng mga tagarito.

mayrong bandang pinoy na tumutugtog sa beach kagabi. pagkaupo namin ay nagsimula ang set nila. laking tuwa ko dahil una nilang kanta eh cover version ng “honky tonk woman” ng stones. “rock and roll!!!”, ang bulong ko, “this is going to be a great evening”. and it was.

WHAT I'M CURRENTLY READING

a cook’s tour” by tony bourdain. the travels of a new york cook around the world in search for the “perfect meal”. great book to bring on a trip.

what i’m currently watching while i’m working at home: “beatles anthology, box set of 5 dvd’s. kakalabas lang sa singapore at binili ko agad. if you want to find out how great the beatles were and how they shaped music as we know today, go and watch this 11 hour perspective of the life and times of john, paul, george and ringgo. the sound’s really really great, especially if your player has DTS.

what i’m currently watching habang nagpapaantok: “purple rose of cairo” , written and directed by woody allen. “I just met a wonderful new man. He’s fictional, but you can’t have everything”, so says mia farrow in the movie. di ko matapos tapos dahil parati akong nakakatulog. hehehe… i play the dvd and the next thing you know tapos na yung movie at umaga na. pinagpapalit palit ko yung aking other favorite na “groundhog day” at itong movie na ito para makatulog sa gabi. hirap talaga ng home alone ano?

I DON'T FRIEND YOU!

narinig ko na naman yung “i don’t friend you” sa mga taga-rito. ngyehehe… ito ang shinglish nang “di na tayo bate”. pag naririnig ko itong popular singaporean expression, ibig sabahin eh malayo na ako sa bayan ng mga pinoy.

“i don’t friend you”, “i don’t friend you”. bwakanginangyan.

GALING SA "NOLI"

ibarra: “…iniibig kong kagaya ninyo ang aking bayan. di lamang sapagkat tungkulin ng bawa’t tao ang umibig sa bayang maglalaan marahil sa kanya sa huling hantungan… kundi sapagkat utang ko sa kanya at magiging utang ko ang aking kaligayahan!”

elias: “at ako po, sa ganang akin, ay sapagkat utang ko sa kanya ang aking kasawian”

mother's day at parenthood dito sa singapore, part 2

balansihin naman natin: yung isang office mate ko, 12 years bago nagkaroon ng anak. kung saan saan sila nagpunta para lang mabuntis ang misis niya at malaki ang ginastos sa mga fertility clinic. di naman sila nabigo at kinalaunan, nabuntis din si misis. as soon as nalaman nila ito, pinag-resign na niya ang kanyang asawa sa pagiging isang guro at naging full time housewife.

ang anak nila ay 6 years old na ngayon at kindergarten na. sa gabi, dinadala nila ang kanilang anak para i-tutor ng 2 oras sa iba’t-ibang mga klase sa kung saan-saang evening classes. monday, math. tuesday, english. wednesday, chinese. thursday, drawing. saturday, swimming. ang pag enroll ng mga anak sa mga extra courses para mag excel sa school ay typical din sa mga singaporeans parents.

mother's day at parenthood dito sa singapore

isa ang singapore sa pinakamababang birth rates sa asia. probably, it has the lowest in the entire south east asian region. in fact, it is now a major problem because the current population is not enough to fuel their future growth. ito rin ang dahilan kung bakit ako narito sa singapore. hindi, madumi yang iniisip mo…hindi nila ako gagamitin as a baby maker (o kaya pambulog). kulang kasi ang mga automation engineer rito at walang local skill silang makita kaya ako narito.

anyway, ang typical family rito ay husband, wife and one kid. normally, both husband and wife work para masustentuhan nila ang kanilang 4C’s (car, condo, credit card, country club membership). problema ngayon si anak. kung si mother at father ay working, sino ang mag-aalaga kay baby? solution: day care.

Continue reading