IF YOU TAKE A WALK, I'LL TAX YOUR FEET

deadline ng bayaran ng tax sa singapore itong april 15. kanina lang dumating ang mga tax forms ko. pakingsheet. may penalty pa naman ang late payment. what to do? simple lang ang solution – go online (which is what i did) at within 5 minutes, tapos lahat ang problema sa filing ng income tax. ang galing.

pwedeng magbayad dito ng tax over the internet. isang paraan ito para madaling kunin ng gobyerno ang pera mo. mwahahaha. ang konswelo de bobo ko lang eh pwedeng hulugan ang bayad. hahatiin ito in 12 monthly interest free payments. singapore has a procedure called GIRO na kung saan bibigyan mo ng authorization ang bangko mo na payagan kaltasan ang iyong account ng pera every month. it’s simple, efficient and it works.

pag inimplement kaya ito sa pilipinas, mababawasan ang mga kurakot sa BIR? iniisip ko ng matagal ito kagabi habang nagbibisikleta. sa sobra ngang pag iisip, di ko alam, baligtad pala ang pag suot ko ng aking helmet. hehe. kaya pala nakangiti lahat ng mga kasalubong kong bikers. akala ko pa naman, nakukyutan sila sa akin.
Continue reading

"EL BIMBO" PAG UMUULAN

what’s the word for feeling melancholic and happy at the same time? umuulan kasi ngayon dito sa singapore at ganoon ang nararamdaman ko. ak-shu-ly, it’s been raining non-stop for more than 24 hours. a rare occurence para sa isang (suwerteng) bansa na walang bagyo, lindol at volcano. pag ganitong ma-ulan, naaalala ko na naman ang pilipinas at yung mga masayang growing up years during the 1970’s. pag may bagyo at walang pasok, nahihiga lang ako sa kama ng buong araw at nagbabasa o kaya, i “spin the black circle” (naalala nyo pa ba yung mga itim na vinyl disks na yon? di pa naiimbento ang CD nung araw eh). mag di-digress tuloy ako.

nung mga ’70s, tuwang tuwa ako sa mga sayawan sa probinsya. kumakaskas pa lang yung karayom sa plaka, tayuan na at halos magtatakbo yung mga lalaki para kumuha ng mga partner nilang dilag. nung time na ‘yon, nauso ang dance craze na “salsa” at ang pinakasikat na salsa song ay ang walang kamatayang “El Bimbo” (malamang, dito galing ang kanta ng e-heads na “HULING EL BIMBO“). kinakanta namin ang “el bimbo” nung araw pero dahil spanish, nilalagyan na lang namin ng sariling lyrics: “el bimbo salsador… BIMBO! BIMBO! mahilig mag jakol…BIMBO! BIMBO!”

the word for feeling melancholic and happy at the same time? it’s called nostalgia.

STILL MORE OVERSEAS PINOY'S SNAPPY ANSWERS TO STUPID QUESTIONS

tanong: why is the population of the philippines so big?
sagot: because, unlike you, we easily have erections even in old age.

tanong: are there beaches in the philippines?
sagot: it’s a frigging archipelago, stupid.

tanong: what is an archipelago?
sagot: etong piso, maghanap ka ng makakausap mo. bobo.

tanong: you are filipino correct? are you a musician?
sagot: i play with my organ everyday.

tanong: why are you filipinos so noisy?
sagot: because we don’t fart in public as much as you.

tanong: hi i’m offering some insurance policy. where is your “ma’am”?
sagot: you just lost your sale moron, i am the ma’am of this house!

tanong: don’t call me “ma’am”, only my maid calls me “ma’am”.
sagot: yes sir.

tanong: are you filipino? my maid is a filipino.
sagot: tanginamo. so? you want me to make you coffee?

tanong: so, where in the philippines can i find a good filipino maid?
sagot: try uranus.

tanong: why is your water consumption so big when there’s only 2 of you?
sagot: i think it’s because we take a bath everyday.

JET'S NEW HOME

si BATJAY, lance, Don Lorenzo, Troy at Prada Mama, nagpapakyut sa Modesto
bago na nga pala ang tirahan ng website ni jet. natutulog na ang mylab ko sa pansitan ng ninang kong si ate sienna. kasama niya doon si prada mama, asawa ng showbiz perskasin kong si don lorenzo. kasama rin nila roon (name dropping) si jim paredes ng apo hiking society. ang tsismis eh pupunta rin sa pansitan si keanu reeves. abangan na lang natin kung matutuloy.

kuha nga pala ito sa tahanan nina don lorenzo at prada mama last week. may xmas tree pa kasi, ayaw ipababa ng mga bata. sabi nila eh sa pasko na raw ng pagkabuhay nila tatanggalin. ok lang, at least inabot pa namin ang christmas cheer. natulog kami sa kanilang modesto home ng isang gabi. next day, nagluto si prada mama ng pot roast at may extra dessert pa na flan. ang sarap.

ninong daw ako sa upcoming baby girl nila sa darating na june. ayos. kumpare ko na, pinsan ko pa sina don lorenzo at prada mama.

HE'S BACK…

my brother dante, aka Howlin' Dave
my brother dante, aka Howlin’ Dave. legendary pinoy rock and rhythm rockjock. the nu107 lifetime achievement awardee in 2001. nagpasimuno ng punkrock at nu wave sa pilipinas. MC ng maraming mga pinoy rock concerts sa kung saan-saan. in my book, probably the best disk jocky who ever lived. he’s right there at the top of my list with my dad Uncle Nick.

kung nalalakihan kayo sa boses ko, bubwit lang ako compared sa daddy ko at dalawa kong kuya. sabi nga ng mommy ko pag may pumupuri sa boses ko: “naku, yang si jay-jay, boses kiki nga yan eh. pag narinig nyong boses ng daddy at 2 kaparid niya: pag nagsalita sila, parang galing sa ilalim ng lupa“. hehe.

well, HE’S BAAAAAACK! hear him again sunday mornings at RJ 100.3 FM (and probably see him too at RJTV29). tune in…

TOKWA'T BABOY ONE LAST TIME…

narito ako ngayon sa bahay, nagesesnti. medyo malungkot dahil bilang nang araw namin dito sa pilipinas. sa lunes, lipad na kami pabalik ng singapore. para bigyang dahilan ang pananatili namin doon, iniisip ko na lang na “weathering the storm” lang ito. balang araw dito na talaga kami sa pilipinas for good. sayang, kung patas lang sana ang labanan, di ako aalis. kagabi, kasama ko ang mga barkada ko. pinag-usapan namin ang aming mga collective futures. marami sa kanila ang nag-iisip na ring umalis. the best and the brightest people i know are seriously thinking of moving out. pakingsheet. i’ve moved out earlier than them. a fact that fills me with guilt sometimes. di ko alam. minsan iniisip ko kasi, swerte ako dahil kumikita ako ng maganda samantalang…. fill in the blanks: a. marami akong kaibigang naghihirap dahil walang opportunities, b. di pa rin nawawala ang poverty sa bayan ko, c. di ko maasikaso ang mga kamag-anak kong maiiwan.

Continue reading

'D GREAT BIG "SEND-OFF TO HELL" BREAKFAST

kung ikaw ay nasa death row at bukas ng umaga nang bitay mo, eto ang masarap na last meal. pwede itong kainin na one ulam at a time per breakfast. pero sa katulad kong matakaw, mas maganda pag nakahain siya ng sabay-sabay. this is my all time favorite pinoy breakfast. isa-isahin po natin ang aking menu:

1. hot pandesal with prinitong kesong puti. bili ka lang ng kesong puti along the highway in any town sa laguna. ang sikreto sa masarap na kesong puti ay i-prito muna siya ng mga 20 seconds, preferably sa isang teflon pan para walang mantika. flip once over tapos ipalaman na agad sa pandesal. medyo malambot na ito by this time and will melt in your mouth pagka subo.

2. garlic rice. left over kaning puti from dinner of the previous night, mas maganda pag may konting tutong. lots of garlic. i-prito hanggang medyo golden brown na ang kanin.

3. langgonisang lucban. para talagang authentic, ikaw na mismo ang bumili sa lucban, quezon. take the backroads of rizal, up the mountains of pagsanjan para maganda ang view, wala pang traffic. mas gusto ko yung medyo malaking size na langgonisa. prito till crispy outside, wet and juicy inside.

4. daing na espada from pangasinan. fried extra crispy para makain pati ulo, buto at buntot. eto ang medyo pang harmonize sa langgonisa – parang counter point kung baga. marami nito along the highway going to baguio or ilocos.

5. paksiw na tiyan ng bangus. parang adobo, ang paksiw ay masarap kung isang linggo nang nailuto at continously mo na lang na pinapainit. by this time, halos wala na itong sabaw at maasim na maasim na ang lasa ng tiyan ng bangus at sahog na gulay. samahan mo na ng sawsawan na patis, durugin dito ang sili na ginamit sa pag gawa ng paksiw.

6.pritong itlog. sunny side egg, gawing toppings sa sinangag. basagin ang pula sa kanin at ihalo halo. kung medyo oragon ka eh, lagyan ng ilang patak na green tabasco.

7. sukang iloko. home made sukang iloko na galing sa ilocos ang pinakamasarap na sawsawan sa langgonisa at daing na espada. haluan ng isang maliit na siling labuyo para may sipa. damihan ang suka para pag bitin ka eh pwede mong higupin ito ng kaunti.

o, ano pang hinihintay nyo? kain na tayo!

AN OVERSEAS PINOY'S SNAPPY ANSWERS TO STUPID QUESTIONS

tanong: are you filipino?
sagot: it depends

tanong: what do you do?
sagot: fine, thank you.

tanong: no you don’t understand. what’s your job?
sagot: ahhh. i used to be a sexy macho dancer, but now i’m just a gigolo.

tanong: all filipinos are good singers. can you sing?
sagot: better than you!

tanong: can you sing “anak“?
sagot: anak ka ng ina mo!

tanong: ni shuo shenme?
sagot: i’m sorry i don’t speak chinese

tanong: how is president estrada?
sagot: fine, thank you. still in jail.

tanong: who is fernando poe?
sagot: he is flavio, ang panday

tanong: what’s the weather like in the philippines?
sagot: hot

tanong: where is the philippines?
sagot: far away from uranus

tanong: what’s the population of the philippines?
sagot: well, there’s me and my wife. then there’s…

tanong: will i get kidnapped if i go to manila?
sagot: i’ll make sure that you do

tanong: are you abu sayyaf?
sagot: you want me to cut your fucking head off?

tanong: is the philippine economy still bad?
sagot: yes, but we smell better than you

white guy: (in a very slow condescending tone) caaaaan yooooou speeeeak eeeeenglish?
sagot: (mimicking prince charles) i say, old chap, is this english enough for you?

white guy: wow, you speak good english!
sagot: so do you

white guy: where’d you learn to speak such good english?
sagot: sesame street

WHAT I'M CURRENTLY READING

The DaVinci Code by Dan Brown.

I was just talking about the “so and so i forgot oh it was so long time ago” fibonacci series in my blog a month ago then I buy this novel soon afterwards and start to read. Lo and behold: one of the main clues in solving the murder in the story revolves around the fibonacci series.

Synchronicity.

PARA SA MGA "SMAP"

isang kanta para sa mga miyembro ng SMAP (samahan ng mga malalamig ang pasko). sana nawa eh gumanda ang mga lovelife nyo. ito’y rock and roll cover version ng “goodbye to love”, isang popular na kanta ng carpenters.