old pictures… punong puno ng ala-ala. i remember when this photo was taken. sa bahay ito ng mommy ko sa novaliches. dito pa kami nakatira nung araw. siguro mga 1994 ito, kagagaling lang namin sa simbahan ni jet at sinusubukan ko ang bagong bili na camera. that was a long time ago. correction, that was many pounds ago. much younger, bolder, reckless at wala pang masyadong pakialam kung anong mangyayari sa hinaharap. parang kanta ni springsteen: “at night we ride through mansions of glory in suicide machines… ’cause tramps like us, baby we were born to run.”
nakita ko ang litratong ito na nakaipit sa isang lumang librong binabasa ko nung nasa hospital ako. di ko sigurado kung ano – either yung “american gods” ni neil gaiman or yung “a soldier’s story” na world war II memoirs ni omar bradley. typical sa akin kasi na gawing bookmark ang mga paboritong larawan. mas typical din ang iwanan ang larawan sa loob ng libro pagtapos basahin. ulyanin kasi ako.