PLEASE ALLOW ME TO INTRODUCE MYSELF: I'M A MAN OF WEALTH AND TASTE

TOM CRUISE AND JAMIE FOXX, COLLATERAL AUGUST 9, 2004: importante ang araw na ito para sa lahat ng mga singaporeans. ngayon kasi ang opening night ng singapore idol! bwahaha. AKSHULI, ang tutuong dahilan kung bakit importante eh dahil ngayon din kasi ang national day ng singapore. wala kasi silang history ng pag aaklas from a foreign power kaya “national day” at hindi “independence day” tulad ng sa atin. matanda lang pala ang singapore sa akin ng mahigit apat na buwan. 39 years na siya today. magaling talaga ang mga pinanganak ng 1965 (year op da snik): tulad ko, mga over achieving prick. well, more like laid back over achieving prick. meron bang ganoon?

Continue reading

LIFE IS WHAT HAPPENS WHILE YOU'RE BUSY MAKING OTHER PLANS

ngayon ang ikatlong taong anibersaryo ng pagdating ko sa singapore bilang isang alipin OFW. bilang pagpaparangal sa araw na ito, hayaan ninyong aliwin ko kayo sa pamamagitan ng pagsasayaw ng nakahubo isang collage na pagsasalarawan ng aking buhay itong nakaraang 3 taon. panoorin nyo na lang… scroll down a bit and look at the right hand corner of your screens. it’s been a great 3 years. thank you mylabopmayn for joining me in this journey. it wouldn’t have been this great without you.

Continue reading

THE SANDMAN SAYS MAYBE HE'LL TAKE YOU ABOVE

WARNING: TOBACCO SMOKE CAN KILL BABIES

simula august 1, 2004 ay nakapaskil na sa lahat ng kaha ng mga sigarillo dito sa singapore ang iba’t ibang graphic pictures ng masamang epekto ng smoking. talaga namang nakakabagabag ng puso. yung kuha ko rito ay isang still born baby na agaw buhay. part ito ng shock campaign ng gobyerno para patigilin na ang population na manigarillo. buti nga. pero ewan ko kung effective ang bagong campaign na ito. sabi ng mga kausap kong smokers, wala rin daw effect. gumanda pa nga raw ang kaha dahil nagkaroon ng picture. hehe. mga ulul. huminto na kasi kayo eh.

Continue reading

'CAUSE TRAMPS LIKE US, BABY WE WERE BORN TO RUN

kahapon nag dinner kami ni jet kina leah at eder. enjoy kami as usual. masarap talagang makipag chikahan sa mga kapwa pinoy pag nasa malayong lugar. maraming salamat sa mga kwentong tambay nina sexy cherrie, reg the sandwomyn, nona, cecille, leah at eder. di pa rin nawala ang kwento tungkol sa pagkasupot at kung mahahaba raw ang titi ng mga bading. napansin din nina cherry at reg na pumayat daw ako – sasabihin ko sana, kasi panay ang mariang palad ko lately, kaya lang baka hindi sila matawa.

Continue reading

I DON'T BELIEVE IN GOD, BUT IF I DID, HE WOULD BE A BLACK LEFT-HANDED GUITARIST

tatlong pelikula ang pinagpilian namin na panoorin ni jet last weekend:

1. Super Size Me. “[A] gripping, often funny, unfailingly gut-wrenching burp of a documentary about America’s fast-food industry and one man’s (his) greasy descent into its cholesterol-clogged bowels.” – James Adams, GLOBE AND MAIL

2. The Other Side of the Bed. “A satire of contemporary sexual warfare that leaves you smiling but also stung.” – Stephen Holden, NEW YORK TIMES

3. The Dreamers. “ang daming sex. tirahan ng tirahan, umaga hanggang gabi. ang galing, nagsikip tuloy ang pantalon ko” – BatJay, Singapore, SAMAHAN NG MGA MATUTULIS

eventually, “the dreamers” won. maganda kasi ang review dito sa singapore at gawa pa ito ng idol kong bernardo bertolucci. “I don’t believe in God, but if I did, he would be a black left-handed guitarist” – packingsheet, with lines like that, you can’t help but fall in love with this film. panoorin nyo ang “the dreamers”. it’s disturbing, exciting and full of sex. my kind of film. hehe. mamamatay nga pala silang lahat sa ending. bwahahaha.

BATJAY'S SNAPPY ANSWERS TO STUPID FOREIGNER'S QUESTIONS, PART 3

foreigner: so, where you from?
batjay: philippines

foreigner: ah, filipino. PARE!
batjay: inaanak ko bang anak mo?

foreigner: huh?
batjay: sorry just talking to myself. what’s your question?

foreigner: what do you call that gross egg you like to eat?
batjay: betlog

foreigner: no. the one coming from the duck.
batjay: duck betlog

Continue reading

EMPTY POCKETS DON'T EVER MAKE THE GRADE

eksaktong 45 days na akong hindi naninigarillo. alam nyo ba kung gaano kalaki ang natitipid kong pero simula nang huminto ako? let me count the ways, so to speak… ang isang kaha dito sa singapore ay umaabot ng mga S$9.00 (in tagalog, ito ay mga 295 pesos). before, i smoked a pack every 2 days (more when i’m on the road, more and more when i’m drinking). sa isang linggo, average ko ay $31.50 (1035 pesoses). sa isang buwan, ito ay S$126 (a whopping 4141 pesos! packing sheet). sa isang taon, ako ay makakatipid ng S$1,512 (bwakangina – halos 50,000 pesosesoses).

so, simula pala ng huminto ako, nakatipid na ako ng 6120 pesos. biro mo yon? ang tipid ko nga ngayon eh. last week nga, $2 lang ang laman ng wallet ko. tiningnan ko kung gaano ko mapapatagal ito. aba! umabot ng 6 days yung $2. kung may nang holdup nga sa akin last week, magpapa pitik na lang ako sa tenga dahil wala siyang makukuha sa akin.

Continue reading

I'M CAUGHT MOVIN' ONE STEP UP AND TWO STEPS BACK

after dinner last thursday, napapunta ako sa 7/11 para magbayad ng telepono. tumawid ako ng kalye nang biglang may parating na kotse kaya ako’y napatakbo. kaya lang bigla akong napahinto nang maalala ko na baka magkaroon ako ng appendicitis dahil kakatapos ko pa lang kumain. bigla ulit akong napatakbo nang maalala ko na kakatapos ko nga lang palang magpaopera at wala na akong appendix. napahinto naman ulit ako agad-agad dahil naalala ko na di pa talagang magaling ang sugat ng operation ko.

takbo-hinto-takbo-hinto. para akong lukoluko. hehehe. ang sama ng tingin sa akin ng driver ng kotse. siguro akala niya eh ginugoodtime ko siya.

IT'S THE END OF THE WORLD AS WE KNOW IT…

bwakanginangyan, malapit na yatang mag end of the world. weird things are happening. ayon sa report na galing sa very reliable BBC, may isang babae sa iran na nanganak ng palaka. mukhang malapit na ngang magunaw ang mundo… nakatanggap kasi ako ngayon ng SPAM na galing sa nagtitinda ng anti-SPAM software. kundi ba naman mga ulul ang mga ito. tubuan sana ng betlog ang mga noo ninyo, para di kayo makakita. hehe.

teka, digressing na naman ako. balik tayo sa palaka. tutuo kaya ang storya na ito? pero kung sabagay, marami akong kamag-anak na palaka. ang kuya ko na matakaw: palakain. ang ate ko ay mahilig sa karaoke: palakanta. samantalang ako ay mahilig sa sex: palakant… never mind. hehehe.

DRAGON BOAT RACE US AND WE'LL WHIP YOUR ASS

nanonood ako ng CNN kagabi at gusto kong maiyak sa tuwa. nanalo ang isang team ng mga domestic helpers na pinay sa prestigious at world famous “dragon boat race” sa hong kong. considering na ang mga sumasali rito ay mga professional boat racers, ang pagka panalo ng mga pinay na ito ay talagang kahanga-hanga. mayron pa ngang pinay doon sa team na hindi marunong lumangoy. hehehe. pati nga si veronica pedrosa ng CNN ay napa sabi ng “i can’t help but feel proud, being filipino myself”. i love their team name, by the way. they call themselves… “The Bulldog Mabuhay Dragon Boat Team

the khaleej times online said it best:

“In a city with a snobbish disregard for the migrant workers who clean its homes, the Bulldogs have beaten off prejudice and sexism to earn respect in a sport dominated by monied Western expatriates or hard-bitten Chinese fishermen.”

HAHAHAHA! mga cute ang ina ninyong mga nagmamata sa aming mga pilipino, etong sa inyo (batjay waves a dirty finger). umm!