TANONG: dear unkyel batjay, tanong ko lang po – bakit po ba dirty ice cream ang tawag doon sa sorbetes na nilalako sa pilipinas?
SAGOT: “dear gentle reader, kaya dirty ice cream ang tawag doon ay dahil nilalagyan ng kulangot yung dulo ng cone ng mamang sorbetero. well, at least yan ang paliwanag ng mommy ko sa akin nung araw para huwag akong kumain ng dirty ice cream. wa-epek. kumakain pa rin ako. pero siyempre with extra caution – pag malapit na sa dulo ng ice cream cone ay tinatapon ko na ito para di ko makain yung kulangot.”

