kung madaan kayo dito sa singapore one of these days, make sure to visit the parks that are scattered all over the island. if you pay close enough attention, mapapansin ninyo ang isang grupo ng mga tao (both young and old) na naglalakad ng paatras. may nagpauso kasi rito ng backward walking as a form of excercise. alam ko, medyo parang gawain ito ng mga siraulo pero ang logic behind this activity ay para daw ma-excercise nila ang mga muscles ng legs nila na hindi ginagamit masyado dahil nga naman ang normal na paglakad ay paabante, hindi paatras.
based sa mga interview ng mga doctor dito sa singapore – wala naman daw effect ang paglakad ng paatras para sa mga muscles sa paa at delikado pa nga raw ito dahil magkakaroon ng strain dahil hindi raw normal ang body movements kung maglalakad ka ng patalikod. isa pa, naisip ko na mas malaki ang posibilidad na mabagok ang ulo mo pag hindi mo nakikita kung saan ka papunta pag naglalakad. pwede rin na masagasaan kayo ng mga nagbibisikletang tulad ko. in any case, patuloy pa rin naglalakad ng paatras ang grupong ito sa mga park hanggang ngayon at nakakatawa silang panoorin. ako’y may idea – gagawa rin ako ng sarili kong group. pero hindi paglalakad ng paatras kundi – paglalakad ng patagilid. tatawigin ko ang barkadahan na ito na “the crab mentalities“. ayos ba? pinoy na pinoy ang dating ano?
naaalala ko tuloy ang bukang bibig ng mommy ko pag nagagalit sa akin nung ako’y bata pa: “hoy batjay, tumugil ka sa kakulitan mo. tumatanda ka yata ng paurong“. for a long time when i was a child, i was bothered by this – ako ba’y babalik sa sinapupunan niya? magiging unano ba akong tulad ni mahal pag matigas ang ulo ko? ang mga unano ba sa circus ay mga batang matitigas ang ulo?