gumagawa ako ngayon ng isang bagong nobela. oo virginia, “the batjay code” ang title niya. sa morse code ko ba ito isusulat? perhaps in the next translation. kaunti na lang kasi ang nakakabasa ng mga “dit dit di di di di dit dit” eh. heniwey, ang nobela na ito ay tungkol sa isang teacher ng isang catholic school sa kalookan city na nagpunta sa national museum upang pagmasdan ang spoliarium ni luna. doon niya nakita ang isang lalaking pinatay ng nakahubo habang animo’y mayrong itinuturong mga clue. ito na ang naging simula ng paghahanap ng teacher sa isa sa mga pinakaimportanteng kagamitan ng simbahan na matagal nang nawawala. opo, dear brader en sister, ito ay ang “holy grail”. ang naghihimalang pang-ihaw ng barbeque ng mga cardinal.
GENTLE READER: unkyel batjay, holy grill po yung pang-ihaw ng barbeque. hindi holy grail. uminom ka na naman siguro ng talampunay, ano?
BATJAY: bakit ba sabat ka ng sabat? napapahiya tuloy ako.



