And I carry it with me like my daddy did, but I'm livin' the dream that he kept hid

GENTLE READER: dear unkyel batjay, ok ka lang diyan? nag-aalala pa rin ako sa iyo eh. may nakakatawa pa rin bang nangyayari sa buhay mo kahit malayo sa iyo ang asawa mo?

BATJAY: nakakatawang nangyayari sa buhay ko? mayron pa naman. katunayan, kanina lang ay napatawa ako ng malakas sa opisina. paano ba naman ay may sumulat sa akin na isang taga indonesia at humihingi ng tulong. ang pangalan niya (and i swear to god this is true) ay OTEN. muntik ko na ngang itanong sa kanya kung tuli na siya o supot, at kung tumitigas din siya sa umaga. natakot lang ako kasi baka bigla niya akong hagisan ng kupal.

Pope Paul, Malcolm X, British politician sex, JFK, blown away, what else do I have to say

malaking problema ngayon dito sa singapore ang bush fires. matagal na kasing hindi umuulan. impak simula nang dumating ako 2 weeks ako, di pa ako nakakita ng ulan. unusual for this time of the year ang drought na ito. kulay brown na ang mga damuhan dito dahil sobrang tuyo na ng lupa. nakakapanibagong tingnan. ito nga rin siguro ang dahilan kaya may bush fires. it only takes a spark, ika nga. record breaking na raw ito. 509 bush fires have been reported since the start of the year. ang total na ito ay mahigit na sa total bush fires ng buong taong 2004. paparating na nga ang tag-init at ang mga bush fire na ito ay preparasyon lang. dati rati, medyo mapapasigaw pa ako sa lamig sa unang bukas ng shower sa umaga pero ngayon napapasigaw na lang ako sa sarap.

tapos kanina, mayroong akong nakitang bulate doon sa loob ng shower room namin sa opis. siguro sobra nang init ng lupa at di na niya makayanan. kaya naka tsinelas na ako ngayon kung maligo. bumabalik kasi ang mga nightmares ko nung bata ako. pag nagpa-paa kasi ako nung araw, parating sinasabi ng mommy ko na kapag hindi raw ako nag tsinelas, papasok ang bulati sa tiyan ko. hanggang ngayon eh naaalala ko pa ito, lalo na kapag nakakakita ako ng bulati habang ako’y hubo’t hubad na naliligo sa shower room namin.

Stood up, walked across to the joint in a cloud of mist. Couldn't resist

simula nung sabado, nagtaas na naman ang presyo ng sigarillo sa singapore. ang isang kaha ng marlboro ngayon ay $11 na (mga humigit kulang na 330 pesoses). tumaas ng $1.50 mula sa dating $8.50 (280 pesoses). nung una akong dumating sa singapore nung 2001, ang presyo ng isang kaha ay $ 4.50 (mga 148 pesoses). ang laki ng tinaas sa apat na taon, ano? maghihirap ka talaga rito sa singapore pag may bisyo ka. buti na lang nahinto na ako.

i used to be a one pack a day smoker at tumigil lang ako pagtapos sumabog ang appendix ko. teka lang ha… gumawa ulit tayo ng computation kung magkano ang natitipid ko sa isang buwan dahil sa aking paghinto: 330 pesos/pack taymis 30 days equals 9900 pesoses. pakingsheet. samakatwid, based on the facts which cannot be denied, sa isang taon, ang matitipid ko ay umaatikabong 118,800 pesoses. pwede na itong gawing pang down sa bahay sa pilipinas. double packingsheet.

Continue reading

Sailing heart-ships thru broken harbors, out on the waves in the night

GENTLE READER: dear unkyel batjay, kamusta nang sipon at ubo mo? guminhawa na ba simula nang dumating ka ng singapore? nag aalala lang ako dahil wala ang mylab mong si jet diyan at nag-iisa ka. alam mo namang careful ako sa iyo.

BATJAY: maraming salamat sa pag-alala mo gentle reader. all things considered ay OK naman ako. kaya lang for the second straight day, pag gising ko sa umaga ay barado ang kaliwang butas ng ilong ko. can anybody tell me why this is so? wala pa rin akong panlasa kaya lahat ng pagkain ay masarap para sa akin. wala pa rin akong pangamoy kaya kahit itabi mo sa akin ang isang baranggay ng naghahabulan na bumbay sa tanghaling tapat ay ok lang sa akin. pawala na yung ubo ko pero bedroom voice pa rin. nakakalibog ngang pakinggan eh. siguro, lahat ng nakakausap ko ngayon ay naa-arouse. balak ko ngang mag record mamaya ng kanta. baka mayron kayong request, sabihin nyo lang sa akin.

Sometime, Someday, All the bridges and the bays. The summer days are gone. In fall, he'll call, the song…

SPIDERMAN IN PEBBLE BEACH unang gabi namin ngayon sa yunayted istet kaya puno na naman ako ng mga kwento tungkol sa mahabang flight from singapore to san francisco. puno ang eroplano na galing pa yata sa india at ang kukulit ng mga pasahero. may isang lola pa nga na nakipagsingitan at nakipagtulakan sa akin. sarap dagukan. hehe. pakiwari ko eh ang kakulitang ito ay parang yung mga bagong kaibigan ni sassy lawyer na mga plagiarist. kundi ba naman mga gago – sisirain ang mga pangalan nila by copying sassy’s recipe for bopis. ang saving grace lang ng mahabang flight ay pagdating namin ng san francisco ay may nagaantay sa amin sa airport na kaibigan. thank you cathy for stopping what you’re doing and dropping by to meet us. it meant a lot. si cathy ay si The Ca T – ang matagal ko nang idol na blogger. paborito rin siya ni manuel l. quezon trilogy dahil sa kanyang kakaibang sense of humor. isang malaking karangalan kaibigang cathy ang makaututang dila ka. napasigaw nga ako sa airport dahil ang pakilala ni cathy sa amin ay: “magandang hapon po, pwede ko ba kayong ma kidnap“. first time kasi naming magkita – muntik pang nauwi sa atake sa puso.

Continue reading

You know how to whistle, don't you, Steve? You just put your lips together and blow

GENTLE READER: dear unkyel batjay, nais ko lang pong isangguni ang problema ko sa inyo. kakapanganak ko lang po last november at pang lima ko na po ito. gusto ko po sanang ipa opera ang aking pagkababae para naman po bumalik sa dati ang hitsura niya. ayaw po ng mister ko. ok lang daw sa kanya ang maluwang dahil sayang ang pera. may naipon naman po ako na pwede kong gamitin sa operation. sa tingin niyo po ba ay ok na ituloy ko ito? maraming salamat po sa inyo at lubos na gumagalang.

BATJAY: sige ituloy mo gentle reader. tama lang na isipin ang sarili mong kapakanan. 21st century na ngayon at empowered na kayong mga kababaihan para gumawa ng sariling desisyon. take charge of your life and be the best that you can be. ituloy mo ang operation. pag natapos na, ikwento mo sa akin ha. balak ko rin kasing ipa opera ang butas ng pwet ko. gusto ko kasi pag umutot ako ay parang may pumipito. hehehe.

Teach not thy lip such scorn, for it was made for kissing, lady, not for such contempt.

GENTLE READER: dear unkyel batjay, ano po ba ang medical benefits ng kissing? nabasa ko kasi na ang halik daw ay isang magandang form of excercise.

BATJAY: dear gentle reader, medical benefits ba kamo? siguro si doc emer lang ang makapagbibigay linaw riyan. di ko alam kung magaling siyang humalik (ay ayoko rin namang malaman. yuck! hehe) pero doctor siya at makapagbibigay ng sceintific explanation. pero baka nga masama sa katawan ang paghalik. sabi kasi sa isang report: more than 40,000 parasites and 250 types of bacteria are exchanged during a typical French kiss. bwakanginngyan. siguro, times two ang germs kung bad breath ang partner mo. gaano kaya karaming parasites at bacteria when you “kiss ass”? hehe. at eto pa, the same study also says that couples exchange 0.7 grams of protein, 0.45 grams of fat and 0.19 grams of other organic substances. packingsheet, nakakataba pa yata.

PROVE TO ME THAT YOU'RE NO FOOL, WALK ACROSS MY SWIMMING POOL

minsan salbahe ang mga drivers dito sa sinapore. pininahan na naman ako ng kotse habang nagbibisikleta pauwi ngayong gabi. namamadali pa naman ako dahil lalabas kami ni jet for dinner. nanahimik akong nagbibisikleta sa gilid ng kalye nang biglang dumikit sa akin yung kotse sabay busina ng malakas. eh di muntik na akong mahulog kasi halos mabitawan ko yung manibela dahil sa matinding gulat. balak ko sanang mag promote ng racial harmony by giving him the famous pinoy middle finger hand gesture, kaya lang bigla siyang lumiko at pumasok sa simbahan. kaya yon, nag sign of the cross na lang ako at sumigaw ng “ANG BAIT BAIT MONG HINAYUPAK KA, SANA KUNIN KA NA NI LORD!!”

When I was a little biddy boy, My grandma bought me a cute little toy – Two Silver bells on a string, She told me it was my ding-a-ling-a-ling

all the queen's horses and all the queen's men nakita na ninyo siguro ito and you must already know what’s wrong with this picture – the queen’s not smiling. hehe. at siyempre, there’s also this small thing about the man on the left of the queen na walang underwear (salonggonisa in tagalog. op kors, ang bra ay salong bola at ang panty ay salongguhit) and whose dick is sticking out. show off! kung sabagay, scientifically proven din naman na mas masarap at healthy para sa lalaki ang walang underwear pag naka palda. presko kasi sa betlog. nakaka identify ako sa lalaking ito pero hindi naman ako nagpapalda. i do the next best thing. pag nasa bahay ako, i wear really loose cotton shorts na walang underwear. tapos tatapat ako sa electric fan at bubuka bukaka na parang gunting. ang sarap man.

Through the corridors of sleep, past the shadows dark and deep, my mind dances and leaps in confusion

QUESTION OF THE DAY: bakit walang amoy ang kulangot pag nasa loob pa ito ng ilong?

bumalik ulit kami kagabi doon sa lorong #9 sa geylang para kumain ng beef hor fun. talagang masarap ang luto doon. ewan ko ba kung anong klaseng magic ang ginagawa ng cook doon upang maging malasa ang hor fun noodles. umorder din kami ng fried chicken na amoy kulangot. ah basta. di ko kasi ma explain ang amoy ng prawn paste coated fried chicken eh. parang amoy pekpek? hehe. hindi naman siguro. pero masarap at marami nga akong nakain. nasabi ko na dati pero uulitin ko ulit, kung ang hanap mo ay ligaya sa buhay, sa likod ng pasay masarap na pagkain sa singapore, dumiretso na kayo sa geylang.