1. kaya kong itaas ang kanang kilay ko
2. napapagalaw ko rin ang tenga ko
3. kaya ko ring pagalawin ang magkabilang pisngi ng pwet ko pero mas malakas ang galaw ng kaliwang pisngi (siguro dahil left handed ako)
4. pag tulog ako, nagigising ako kasi naririnig ko ang sarili kong humihilik.
5. sa umaga pagkagising, kaya kong gawing korteng tent ang underwear ko.
Category Archives: Uncategorized
I couldn't repair your brakes, so I made your horn louder
dear gentle reader,
may ibibigay akong contraceptive tip. galing pa ito sa boss kong singaporean kaya epektib siguro – kita mo naman problema rito ngayon ay under population. kung ikaw ay isang sexually active male at ayaw mong mabuntis ang iyong partner, ganito ang gawin mo:
1. bili ka ng dalawang condom at
2. isang bote ng efficasent oil
3. isuot ang condom number 1
4. pahiran ito ng efficasent oil at…
5. isuot ang condom number 2
6. go ahead and have sex
during sex, kung biglang sumigaw ang babae ng “AAAAAAA AAAAAAAA AAAAAAA AAAAAAAAH, ang init!“, ibig sabihin butas ang condom #2. kung bigla namang ikaw ang sumigaw ng “AAAAAAA AAAAAAAA AAAAAAA AAAAAAAAH, ang init!“, ang ibig sabihin butas ang condom #1. in both cases, you need to withdraw immediately.
basta ang rule of thumb sa double condom-efficasent oil strategy ay at the first sign of pain, hugot agad. sigurado hindi mabubuntis ang partner ng wala sa oras.
ayan lang muna pansamantala, basta ingat lang sa aids at sa kalkal.
nagmamahal,
unkyel batjay
Eagles may soar, but weasels don't get sucked into jet engines
GENTLE READER: unkyel, ano na nga ba yung kasabihan na tungkol sa tulay that’s about facing difficulties as they happen and not worry uselessly about them beforehand? let’s cross that bridge when… ano na nga?
BATJAY: ah – “let’s cross that bridge when its too far”
GENTLE READER: hindi, war movie yan eh.
BATJAY: let’s cross that bridge over spilled milk
GENTLE READER: gago.
BATJAY: let’s cross that bridge over the river kwai
GENTLE READER: naman eh.
BATJAY: let’s cross that bridge is falling down
GENTLE READER: falling down falling down.
BATJAY: let’s cross that bridge over troubled water
GENTLE READER: hehehe. kanta?
BATJAY: let’s cross that bridge made of sorrow that I pray will not last.
GENTLE READER: argh!
MYLABOPMAYN JET: let’s cross that bridge of madison county
GENTLE READER: o pati asawa mo sumasali sa kalokohan mo.
It's the ones you can call up at 4:00 a.m. that really matter
gusto kong bigyang pugay ngayon ang aking ninang na si ate sienna. ang ninang ko ang pinaka unang kaibigan namin ni mylabopmayn jet sa pinoy blogging community. nagsimula ito, mga 3 years ago, nang mag search ako ng “tambay” sa google in the hope na makita ko ang site kong nakalista doon… wala. pero naroon ang Pansitan site ng ninang ko. pinuntahan ko at binasa namin ni jet – tawa kami ng tawa sa kabaklaan niya. from then on, we were hooked at nakababad na sa site niya parati. first as lurkers. then pagtagal, di na nakatiis – nag comment na ako. HIMALA! sumagot siya. at may dagdag pang feature ng email namin ni jet sa kanya. isip isip ko, ang bait bait naman ng aleng ito. she takes time to respond to fan mail. from then on, naging kaibigan na namin siya ni jet.
naka feature ang ninang ko sa Blog-O-Rama ni Annalyn Jusay (ang tunay na mahusay) sa Manila Bulletin simula pa nung lunes. kung may oras kayo eh imbis na mangulangot o magajakol eh puntahan ninyo ito at basahin. i swear (i got more hair), there are blogging tips there that will help you.
WORD OP D' DAY: SMEGMATIC
SYLLABICATION: smeg-ma-tic
ADJECTIVE: in tagalog, makupal – yun ba yung masarap na prutas? gago, makopa yon. smegmatic – asshole, magulang, mahilig mang api ng kapwa.
ETYMOLOGY: from smegma – a sebaceous secretion (mala langis na pawis), especially the cheesy secretion that collects under the prepuce (ito yung balat na ginugupit ng mga doctor pag tinutuli ka) or around the clitoris (yung kuntil ng mga pekpek). also called “dick-butter”, “kupal”, “pecker cheese”, “smentana”, “mantikilyang burat”, “willy wensleydale”, ang paboritong kesong puti ng mga supot.
USE IN A SENTENCE: bwakanginangyan, mga SMEGMATIC talaga ang mga gagong iyan. akala mo kung sinong magaling, eh wala namang sense ang mga sinasabi.
"You guys line up alphabetically by height." – Bill Peterson, Florida State football coach
maraming nangyayari rito kaya masarap ang nakatira sa singapore. regional hub kasi. impak, last saturday, narito si leah salonga at nanood sina leah at tin ng kanyang concert. on-going din ang sound of music na papanoorin namin bukas ng gabi. my favorite band lampano’s alley was here recently for a concert and i was fortunate enough to meet my idol, binky lampano. there’s also the World Economic Forum – Asia Roundtable this week. kaya nga narito ang isang pinoy blogger from thailand (parang US navy ng japan ang dating sa akin) na si yasmin. matagal ko nang dinadalaw ang site niya – ever since student pa siya sa england. masarap kasing basahin ang mga post niya. she is a journalist and it shows. nakakatawa nga kung paano nagkakabit kabit ang mga magkakaibigan. maliit talaga ang mundo. bilangin natin according to height, ok. here goes: etong kaibigan naming si yasmin ay kaibigan din pala ni favel na kaibigan ni jenn at amor na unang naging kaibigan ni reggie na kaibigan ni leah na kaibigan namin. kaya kahapon, nagkita kita kaming lahat at nag dinner. ayon – galing ano po?
Lovers celebrate Valentine's Day, Masturbators celebrate Palm Sunday
nagising ako kanina medyo masakit ang ulo ko. siguro dahil sa puyat. marami kasi akong pinagkakaabalahan ngayon pag gabi – wala pa rin si jet dito sa singapore kaya nga panay ang mariang palad ko nalilibang ako sa computer. ayan tuloy, minsan napapatagal at di agad nakakatulog. ok, tuloy ang kwento… nagising nga ako ng medyo masakit ang ulo. dumiretso agad ako sa banyo at nagsalamin – baka kasi may palakol na nakasaksak sa ulo ko. kakabasa ko lang kasi the previous night tungkol sa isang russian na nagising isang umaga na masakit ang ulo – nakita na lang niya na may kutsilyong nakasaksak sa kanyang mukha. CLICK HERE para sa full story.
Nothin' but blues and elvis, and somebody else's favorite song
ngayon araw na ‘to, gusto kong bigyan ng parangal ang aking kaibigan na si tito rolly. mahigit isang taon ko nang kilala si tito rolly. alam ko, isa siyang guro (magaling according to some of his students) at isang mahusay na artist (mayron akong mga paintings na ginawa niya sa bahay namin na hindi ko ibibenta kahit sa anong halaga). magaling din siyang mag gitara at may ilang beses na kaming nag jamming sa ilalim ng mga puno ng talampunay sa aming house on a hill. alam ko rin na uliran siyang ama at magaling na asawa (lahat ng sinasabi ng asawa niya ay may sagot siyang AMEN). napatunayan ko rin na isa siyang tunay na kaibigan. last year kasi, nung na hospital ako (nagpatuli kasi ako – CLICK HERE FOR MORE INFO), sa lahat ng mga kaibigan ko sa online world, siya lang kasama ng kanyang misis ang dumalaw sa akin. and for that i am eternally grateful. sige na nga, sasabihin ko na ang tutuo: hindi po ako nagpatuli, naoperahan ako dahil pumutok ang appendix ko. kaya yan, supot pa rin ako hanggang ngayon.
back to the topic: na feature si tito rolly ngayon sa Blog-O-Rama ni Annalyn Jusay (ang tunay na mahusay) sa Manila Bulletin. manghalungkat na kayo ng mga kopya ninyo nung lunes, kung di pa ninyo ito nababasa. kung wala kayong makitang dyaryo dahil ginawa na itong pambalot ng tinapa eh available naman ito online – CLICK HERE.
You'll be a dentist. You have a talent for causing things pain! Son, be a dentist. People will pay you to be inhumane!
last saturday, nagpunta ako sa dentista before the blogkadahan party. sa pilipinas na lang ako nagpapadentista ngayon kasi the last time akong nagpapasta sa singapore eh ginawang sabitan ng drill nung dentista ang bibig ko. asar na asar ako at muntik ko nang sapakin. takot lang ako at baka ilipat niya lahat ng bagang na ngipin ko sa harap at magmukha akong kalabaw. hehehe. simula non, sa pilipinas na lang kung saan magaan ang mga kamay ng mga dentista – pwede mo pang tawaran. kaya lang tatawad ka sa huli na at baka magtipid ang lekat at hindi ka lagyan ng anesthesia. mahirap yon, lalo na pag gagawan ka ng root canal.
WITH ALL IT'S SHAM, DRUDGERY AND BROKEN DREAMS, IT IS STILL A BEAUTIFUL WORLD
mahirap dumalaw sa india. paglabas mo pa lang sa eroplano, para ka nang nasa ibang planeta. major culture shock – mainit, iba ang hitsura ng mga tao, mainit, hindi mo sila maintindihang magsalita, iba ang amoy, mainit. tapos paglabas mo sa siyudad – ibang iba. maingay lahat ng mga panay businang sasakyan, mainit, nakaharang ang ang mga baka sa kalye (HOLY COW!), umeebak ang mga baka sa gitna ng kalsada (HOLY SHIT!), mainit, nakahilera sa gilid ng kalye ang mga tent ng mga homeless. nabanggit ko na ba na mainit? heksuli, nasa mag low forties pa lang ngayon. this time next month – the temperatures will average around 45 to 50 degrees C. that’s the time you’ll hear about people dying of the heat. nakakabaliw talaga ang india. kung di ka sanay rito, you’ll go insane after a while. pero alam mo, mawawala lahat ng mga negative impressions mo about india once you see the taj mahal. it is an impressive piece of architecture. dito mo talaga ma-ri-rialize na india, in spite of all it’s contradictions and ugliness, is a cool cool place.