The scornful nostril and the high head gather not the odors that lie on the track of truth

GENTLE READER: dear unkyel batjay, may seryosong tanong po ako at sana makatulong kayo. may proffesor po ko sa isang major subject, soooobrang lakas ng anghit talaga, as in pamatay! di naman ako pwdeng umupo ng malayo sa kanya kasi ang boses nya ay parang bulong lang, tuhod lang nya ang nakakarinig. huwat should my poor soul do?

BATJAY: dear gentle reader, mahirap talaga ang magkaroon ng teacher na may putok. mas masahol pa kasi iyan kaysa doon sa teacher na talsik laway. lalo na in your case kasi may anghit na, boses kiki pa. ispiking of putok, mayroon kaming dating tauhan sa pilipinas, ang pangalan niya ay tata. sa sobrang lakas nga ng anghit eh nagtutubig ang mata ko pag lumalapit siya. ang tawag nga namin sa kanya ay tata 45, kasi malakas pa sa kwarenta’y singko ang putok niya. nung nag-aaral pa ako sa malayan colleges, mayron din kaming instructor na may putok. tiniis namin siya ng isang sem, pero nung second sem napuno na ang salop nang nagsisimulang magka nosebleed ang mga classmates ko sa front row. una, sinulatan namin siya anonymously. pangalawa, sinumbong namin siya sa dean. the next day, nagreklamo sa class – bakit daw kailangan pang umabot sa dean ang body odor niya. tapos nagkaroon kami ng mahabang open forum kung saan tinanong niya sa class kung talagang may putok siya. siyempre, walang nakasagot. pero pagtagal nawala rin ang anghit niya. hindi dahil nasermonan siya ng dean o dahil sa sulat namin. nawala ang putok niya dahil nagkaroon siya ng girl friend. dito ko napatunayan na mas mabagsik ang pag-ibig kaysa sa tawas. pag inspired ka talaga, mapipilitan kang maligo araw araw.

Maybe this world is another planet's Hell

4 EYES bata pa lang ako eh mahilig na akong magbasa ng komiks. lahat binabasa ko – hiwaga, aliwan, wakasan. so what kung weak ang plot ng mga storya – tulad ng pagjajakol, pampalipas oras lang naman ito eh. over the years, nasundan ko ang buhay ng mga sikat na mga komik character tulad ng dysfunctional na pamiliya nina zuma, galema at dino. nahilig din ako sa komiks na galing sa ‘merika. nung medyo uhugin pa ako at supot, ang paborito ko ay si superman. for a while ok lang siya. kaya lang nung nakakaroon na ako ng buhok sa mga parte ng katawan ko na hindi nasisikatan ng araw, na disillusion ako. bakit ang tatanga ng mga taga metropolis? bakit hindi nila mapagdugtong na si clark kent ay si superman? nagsuot lang ng eyeglasses, di na nila nakilala? bakit sobrang perfect niya? pagtagal tuloy, nagkaroon ako ng dislike sa mga chraracter na goodie goodie at napalapit instead sa mga superhero na may mga issues tulad ni batman. ah, here was a character who was really dark. isang avenger na pinaghihigantihan ang pagkamatay ng parents niya by being a bat like vigilante creature of the night. hindi na bale na siya ay gago rin siyang tulad ng mga ibang super hero na inuunang isuot ang pantalon bago ang underwear. hindi na bale na pinagbintangan siyang bading na pedophile (o pedophile na bading) dahil inampon niya si robin. ano kaya ang nangyayari sa loob ng batcave pag hindi tayo nakatingin? nag iispadahan kaya sila? bading din kaya si alfred? pero kahit ano pa siya – i had my super hero in batman.

honga pala, the caricature above was done by rene enriquez, isang batikang artist painter photographer na nagtatago sa pagiging isang engineer. subukan ninyong magpunta sa site ni rene, you will be impressed by the quality of his work. iniisip ko nga pag naroon ako – dapat full time artist na lang siya. maganda ang mga water colors niya, akala mo talaga tunay. hindi tunaytibayb. tunay talaga. he’s the real deal. punta kayo sa website niya at mag comment. sabihin ninyo, galing kayo rito at baka sakaling i-drawing niya rin kayo! peace.

UPANG TAYO'Y MAGSAMA SAMA, SA LANGIT NG PAG-ASA

una ko silang narinig, sometime in the late 70’s. nag uwi ang kuya ko ng mga plaka na pinapatugtog niya sa pinoy rock and rhythm show niya sa RJ. isa roon ang nakakuha sa attention ko. ang title nito ay “super sessions“, and it was the first time i heard a live recording of a pinoy rock concert. the artists of course was the juan dela cruz band. early on, na impress na agad ako sa style ni mike hanopol, wally gonzales at ni pepe smith. nung time na yon, kasali rin sa groupo nila, ang isa ko pang idol na si edmund “bosyo” fortuno. ang juan dela cruz band ang naging early influence ko sa musika and i knew the lyrics of all their songs. when they broke up and had successful solo careers, naron pa rin ako – a fan who attended all the concerts. and i was only 11 years old at the time kaya kung may nakikita kayong bubwit sa mga pinoy rock concerts nung araw, ako yon.

nung high school ako, nag reunite ulit ang juan dela cruz band and they released the “kahit na anong mangyari” LP. tuwang tuwa na naman ako dahil puro mga bagong kanta at lahat magaganda. paborito ko ang “pag dating ng panahon” ni pepe – halos kopyahin ko nga ang theme ng kanta para sa lyrics ng graduation song namin.

then the years went by, i entered college, graduated and started my career. nawala na sila sa radar ko. mike went to the states. di ko na alam kung ano ang nangyari kay wally. pero si pepe, na paborito ko sa kanila, was still around. one day in december, nagulat na lang ako when he suddenly showed up in our house in novaliches with my brother dante. birthday ko noon at pumunta sila para bumati. simple lang ang handaan. naroon lang kami sa garden, umiinom at nagkakantahan kasama ang mga kaibigan ko. ang highlight ng gabi ay ang pag jamming namin ni pepe smith ng “himig natin” at “riders on the storm“. it was one of the most memorable birthday’s i ever had.

this coming saturday, may reunion concert ang juan dela cruz band entitled “PAGBABALIK”. gagawin ito sa world trade center sa pasay. kung nasa pilipinas lang ako, hindi ko ito palalagpasin. if you are a rock fan, buy your tickets now. bihira lang magreunion ang isa sa mga poste ng pinoy rock music. at saka isa pa, matatanda na sila’t nirarayuma. baka hindi na ulit mangyari ito, kaya make sure you attend.

Under the ruins of a walled city, crumbling towers and beams of yellow light

ngayon lang ulit ako nakapag bike ng gabi. kakadating ko lang hekshuli after a short 20 minute 10K ride. umuulan kasi kaninang umaga kaya di ako nakapag bike papasok sa trabaho. pag nangyayari ito, binabawi ko na lang sa gabi – often, very late into the night. tulad ngayon, alas onse na ako lumabas. kung aalis kami rito, ang isa ko pang mami miss siguro ay ang lumabas kahit anong oras sa gabi ng walang takot. alam ko kasi puro mga supot ang mga magnanakaw at snatcher dito sa singapore. most of the petty crime here is commited against senior citizens na hindi makalaban. karamihan sa mga kaso ay mga snatcher na nang aabang ng mga lola sa loob ng elevator. pag nakita kasi nilang dagul na katulad ko, pasok ang buntot between the legs (most of the time).

nung una nga akong dumating dito, tingin ako ng tingin sa likod ko, parating nakayakap sa bag at nakikiramdam kung may tatalo sa akin. pero after a while, nawala rin ang pagka praning ko. ngayon nga, sa sobrang pagka care free, naiiwanan ko na ang susi minsan sa front door namin. para tuloy akong nangiimbita sa mga magnanakaw at nagsasabing – “hoy mga gago, ulyanin ang may ari ng bahay na ito. tingnan nga ninyo, kundi ba naman tanga, kinalimutan na naman ang susing nakapasok sa lock ng pintuan”.

"IGOR, it's ALIVE!"

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DATELINE CHINA. isang lalaking intsik ang nagpanggap na kuba para maipasok sa eroplano ang alaga niyang pagong. ang pagong na may timbang na limang kilo, ay nakitang nakatali sa likod ng lalaki habang sinisiyasat siya ng mga pulis sa airport na nakapansin sa kanya dahil kakaiba raw ang umbuk niya sa likod.

ako rin, gagayahin ko siya. susubukan ko namang ipasok sa aking pantalon ang alaga kong sawa pag sakay ko sa eroplano next month. idadahilan ko na lang sa mga security sa airport na pinaglihi ako sa kabayo.

GENTLE READER: baka naman bulate at hindi sawa.

gago!

One of the very nicest things about life is the way we must regularly stop whatever it is we are doing and devote our attention to eating

kung sakaling umalis kami ni jet sa singapore, siguro ang mami miss ko most of all ay ang mga super seksing babae na mahilig mag suot ng low waist na pantalon na halos kita nang buhok sa ibaba ng pusod at ang pagkain. last week pa akong nasa food trip mode. nung weekend kumain kami ng paborito kong “curry fish head” sa chinatown. sinabayan pa namin ito ng “shrimp paste chicken“. last tuesday naman, nag “chili crabs” kami sa no signboard at halos matae nga si bong pogi sa anghang pero tuloy pa rin ang kain. kagabi naman, nagpunta kami nina eder, tintin, ron, owen at jet sa geylang para kumain ng “beef hor fun” at “oyster omelette“. kain kami sa kalye, walang pakialam sa mundo. then this lunch, nag yaya ako sa old airport road para makatikim ng paborito kong lomi (“lor mee” ang spelling dito) – thick dark sauce over noodles, shredded pork and fish, garlic, kikiam at kung ano ano pang secret ingredients. muntik na akong tigasan ma arouse sa sarap.

habang kumakain ng lomi, pinagusapan namin ng mga kaopisina ko ang mga style ng panliligaw ng mga singaporean. dalawa kasi sa kanila ay mga binatang nasa mid 30’s. bading ba sila? hindi naman siguro. hindi lang marunong manligaw. pinayuhan nga sila ng isang kasama ko na magpunta na lang sa vietnam. kasi doon, sa halagang $10,000 (mga 300,000 pesoses) may mga agency na maghahanap sa iyo ng asawa. all in na ito – kasali na yung wedding proper, reception sa vietnam, plane tickets, yung professional fees at siempre yung bayad sa mga magulang ng babae. kabisadong kabisado nga ng kasama kong binata ang ins and outs tungkol rito. mukhang nag apply na siya dati.

Sunrise doesn't last all morning, A cloudburst doesn't last all day

around this time last year, umuwi kami sa pilipinas ni jet kasi 80th birthday party ng mommy ko. medyo masama ang pakiramdam ko nung time na yon dahil 2 days nang sumasakit ang aking tiyan. akala ko eh bulate lang o kaya impatso. i will find out later na hindi pala at kahit anong dami ng inumin kong combantrin eh hindi ako gagaling. my dear brother en sister, exactly one year ago today, pumasok ako sa hospital para magpatuli dahil sumabog ang appendix ko. at kasabay nito ang paghinto ko sa paninigarillo. en teyk nowt, huminto ako ng cold turkey baby, cold turkey. major milestone sa buhay ko talaga yan kasi i’ve been a smoker for over 20 years and have been trying to quit for the longest time at hindi ko magawa. parati na lang akong may excuse – kesyo maraming pressure sa trabaho, kailangan ko sa pag entertain ng mga customers, kesyo masarap tumae pag naninigarillo, etc. etc. my dad and my brother died of smoking related illnesses and i knew that if i didn’t stop, i’d probably die from it as well someday. there’s nothing like being hospitalized to make you start thinking about your mortality. perhaps, that was the reason why i was able to stop – i didn’t want to die just yet. happy anniversary to myself. bilang regalo sa sarili ko, bibili ako ng isang kahang marlboro reds. BWAHAHAHAHAHAHA.

When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible

GENTLE READER: dear unkyel batjay, gusto ko lang po kasing magtanong. mag aasawa na po ako this year – ano ba ang dapat naming gawin ng boypren ko para tumagal kami ng tulad ng pagsasama ninyo ni ma’am jet?

BATJAY: buti naman at natanong mo iyan gentle reader. una sa lahat, masaya na ako kasi narito na nga sa singapore ang mylabopmayn ko after 4 months naming paghihiwalay kaya tapos nang maliligayang araw ko sa pagjajakol. alam mo, parati na lang tinatanong sa akin ang sikreto ng isang relationship. ang parati ko namang sagot ay – ewan ko. i guess it’s the small things na ginagawa ninyo sa isa’t isa na pag pinagdugtong dugtong mo ay makakabuo ng isang napakaganda’t makulay na tapestry. sabi ng kaibigan kong matanda sa akin eh kailangan daw ng Ajinomoto sa isang relationship. dapat daw kasi parating malasa ang inyong pagsasama para di madaling magsawa. siyempre, importante rin ang sex. kaya kayong mga kalalakihan, huwag puro slam bam thank you ma’am. kailangan matagal ang foreplay at sabi nga ng mga kaibigan kong babae eh kailangan daw huwag mag premature ejaculation. importante rin ang sense of humor sa pagsasama. kailangan sa gitna ng adversity ay may tawanan pa rin. pero kailangan pag nag premature ejaculation ay walang tawanan.

The easiest kind of relationship is with ten thousand people, the hardest is with one

dear unkyel batjay,

ano po ba ang magandang sabihin pag may nakilala po kayong babae na kursunado ninyo? pag may ipinapakilala po kasi sa akin eh tumitiklop po ako sa hiya. malimit na hindi ko alam kung ano ang sasabihin to break the ice, ika nga. yung lang po at lubos na gumagalang,

gentle reader

Continue reading

Ever has it been that love knows not its own depth until the hour of separation

narito na ang mylabopmayn ko sa singapore pagtapos ng humigit kumulang ay mga apat na buwan din naming pagkakalayo. masakit talaga ang mawalay sa mahal mo sa buhay. pero sa isang banda, maigi rin ito dahil nalalaman mo talaga ang halaga ng isang tao pag siya’y wala sa tabi mo (kahit sandali lang as in our case – but it did feel like an eternity). minsan kasi you tend to take for granted, the things that matter the most to you simply because you see them everyday. separation, my dear friends, makes sure you never ever forget. sabi nga ni janice jurado kay johnny wilson doon sa sitcom of my childhood – “johnny baby, what are you taking me for? GRANTED?”

may nakakatawang nangyari sa amin kaninang madaling araw nang sunduin ko si jet – nakarating kami ng bahay from the airport carrying the wrong maleta. siguro dahil na rin sa over excitement namin or sa pagkapagod ko. perhaps both. we ended up going to the airport twice dahil we needed to return the wrong bag and reswitch. kaya pala biglang naging two wheels yung four wheel maleta namin. for a moment there, akala ko na-maligno ang suitcase. pero ok lang. masaya naman kaming nakauwi (ng dalawang beses din siyempre).