dear unkyel batjay,
aalis na pala kayo sa pilipinas ni ate jet bukas. nakakalungkot naman. mami miss ka siguro ng mga kaibigan mo at mga kamag anak ano? sana naman ay hindi kayo masyadong mahirapan. siyanga pala, napasulat ako sa iyo dahil gusto ko pong humingi sa inyo ng payo. ano po ba ang gamot sa premature ejaculation? yon lang po. good luck na lang sa bago ninyong buhay.
nagmamahal,
gentle reader
dear gentle reader,
oo sa katunayan, bukas ay aalis na kami ng pilipinas. punta muna ng singapore tapos diretso na sa paboritong city ng mga batangueno sa america, ang Ala-Eh (Los Angeles). from there baba na kami sa aming magiging bagong tahanan sa orins kawnti. ngayon pa lang nga nalulungkot na ako. minimemorya ko na nga ang ngiti ng nanay ko, ang tabas ng damo sa aking hardin, ang bawat poste ng bahay namin. baka matagalan kasi bago kami makauwi. gusto ko, naka record lahat ng masasayang alaala sa utak ko para pag na homesick ako, ipe-play ko na lang ito na parang pelikula. mami miss din siguro ako ng mga inutangan ko, sama mo na rin diyan ang mga matrona at bading na matagal nang gustong masalat ang aking ginintuang pototoy. ano ba ang gamot sa premature ejaculation? ang pagkakarinig ko eh kadalasan ang sanhi nito ay psychological in nature, dala siguro ng over excitement. ang aking personal theory ay dahil ito sa sobrang pagjajakol nung kabataan (you can trace every adult screw up to some trauma during childhood). anyway, ang pinaka effective na treatment para hindi agad mag come ay ganito: during the actual sex, isipin mo na lang na katabi mo ang lolo mo sa kama. yon lang muna at hanggang sa muli.
adios gumbay,
unkyel batjay



























































































