Is it time to go home yet? I keep clicking these damn shoes, but nothing happens

kakatapos ko lang nakabuo ng lamesa ngayong gabi. oo virginia, apat ang paa niya. walang mali sa ginawa ko. kaya lang may isang turnilyong naiwan, hindi ko alam kung saan ikakabit. baka sa ulo ko. hehehe. kagabi ay tatlong silya ang na asembol ko, kaya mayroon na kaming dining room show case. tapos, nakabili kami ng brand new ref at washer/dryer galing sa supervisor ng apartment naming bading. benta niya sa amin ay $400 for all three. bargain na rin. ang galing nga ng ref namin – may ice maker. ngayon lang ako nakakita nito. bwakangina, napaka promdi ko. hehehe. pasensya na’t novelty ito para sa akin. nung bata kasi ako, para akong gago dahil parating naka abang sa ref, naghihintay para tumigas ang titi ko? hindi gago, naghihintay para tumigas ang yelo. we’ve gone a long way – ngayon may instant ice na pag bukas ko ng ref. how cool is that? literally, it’s really cool.

Continue reading

Remember, people will judge you by your actions, not your intentions. You may have a heart of gold – but so does a hard-boiled egg

dear unkyel batjay,

kamusta na po kayo diyan sa amerika? nag-iba na ba ang accent mo? eh yung ugali mo, nag-iba na rin ba? sabi kasi sa akin ng tito ko eh, nagbabago raw ang mga pinoy pag napunta sa amerika. nagiging mga kupal. napasulat po ako sa inyo para tanungin kung mayroon kayong mga bagong recipe. nag-aaral po akong magluto ngayon. sabi kasi ng misis ko, pag hindi ko siya pinagluto eh hindi raw po ako makaka kain ng luto ng diyos. agad-agad po akong nag-isip isip na kailangan ko na po talagang matuto. yun lang po at kamusta na lang kay ninang jet.

nagmamahal,
gentle reader

Continue reading

"So she poured out the liquid music of her voice to quench the thirst of his spirit."

nagbayad ako ngayon ng downpayment sa bahay. ang rent namin ni jet para sa isang one room apartment dito sa orins kawnti – $1250 (lagpas 68-tawsan pesoses). ang mahal, pakingsheet. muntik pang hindi natuloy dahil wala pa nga akong social security number. buti na lang sinagot ako ng opis namin. sila ang nag guarantee ng rent. nung bayaran nga ninerbyos ako – credit card ang ginamit ko at tumalbog ang una. buti na lang may extra akong card na pang emergency. yun ang na approve kaya tuloy na tuloy nang lipat namin sa sabado. labindalawang mabibigat na kahon at labindalawang bag ang bubuhatin. iniisip ko na nga ang mangyayari pagtapos nito… maluluslusan ako at magiging kaboses ni michael jackson.

ano ba ang “luslos” sa english? “hernia”, di ba. matagal ko na itong iniisip at walang makapagbigay ng magandang explanation… bakit “hernia” ang tawag sa “luslos”? di ba dapat “himnia”, kasi tayong mga lalaki lang ang tinutubuan ng betlog. naalala ko tuloy yung kaibigan ko sa novaliches na si tirik. bakit daw “doberman” ang tawag sa “doberman”. bakit daw hindi “doberdog”. ayun simula noon, “doberdog tirik” na tuloy ang tawag namin sa kanya.

Why does Sea World have a seafood restaurant?? I'm halfway through my fish burger and I realize, Oh my God….I could be eating a slow learner

ngayong hapon lumabas na naman kami ni jet para maghanap ng apartment. binigyan ko na ng taning ang house hunting namin dahil ayoko nang lumabas from work. dapat by tonight ay may napili na kami. ngyakshuli, may mga nabisita na kaming mga apartments na promising at nag shortlist na kami ng tatlo na aaplayan. first choice ay one room apartment with bathroom at covered garage. gusto ito ni jet dahil kyut ang layout at madaling linisin. nagustuhan ko naman dahil may magandang patio (ano bang patio sa tagalog? hindi duck, gago – balkonahe!), tahimik ang location, maraming puno at low density (ang ibig sabihin ng low density dear brader en sister, eh hindi mo maririnig ang kapit bahay mong humihilik). mabait naman ang superintendent na umasikaso sa amin – nakakatawa, accomodating at medyo bading. halata ko naman dahil sa pilantik ng kamay niyang medyo pilay at sa tono ng kanyang boses. hindi naman siya nagpakyut sa akin. siguro, hindi niya type ang betlog na kulay brown.

if all goes well (ie, my credit check gets approved even though i still don’t have any credit history and a social security number), we will have a permanent place to stay by this weekend. i cross my fingers and my legs.

Life is a bridge over the sea of changes. Do not build a house on it.

exciting ang buhay namin ni jet ngayon kasi naghahanap kami ng apartment na malilipatan. kaya nga back en forth kaming parang trumpo lately. ang hirap palang maghanap ng matitirahan dito sa orins kawnti. unang una, ang mahal ng rent. sino ba kasing gagong nagpauso na tumira dito at lahat ng lang ng tao eh gustong lumipat. super taas tuloy ang halaga ng pabahay. ang average two room apartment ay umaabot sa $1600 to $2000. packingsheet, that’s almost three times the amount we paid sa singapore. halos maihi ako sa presyo. tinanong ko nga doon sa katiwala ng apartment kung ginto yung mga door knob at gripo. hindi raw – tanso lang. ngyehehe.

Did you ever see the customers in health-food stores? They are pale, skinny people who look half dead. In a steak house, you see robust, ruddy people. They're dying, of course, but they look terrific

first day of work ko ngayon sa bago kong opisina dito sa ‘merika. swabe lang dahil nasa orientation pa rin ako – tinuro sa akin ngayong umaga kung nasaan ang kubeta (“dats damos imfortant fart op da opis” ang sambit ko sa english na halos hindi ko maintindihan). tapos dinala ako sa pantry na kung saan may libreng kape at snacks na nasa vendo machine (“dats dasican mos imfortant fart op da opis”, ang ganti ko na naman sa nag tour sa akin).

BATJAY: “is ebriting here in da pantry por free – oldis pud en sopdrinks?”
HR GUIDE SA OPIS: “YES, batjay!”

BATJAY: “how abawt di chips, di tsokoleyt bars endi beri meni beef jerky en eggs?”
HR GUIDE SA OPIS: “YES, they are all free,batjay!”

BATJAY: “kan i bring my wife en mommy to da opis en can we live here?”
HR GUIDE SA OPIS: “you trying to be cute, batjay?”

BATJAY: “how about balut? do yu hab da balut?”
HR GUIDE SA OPIS: “baloon?”

The real voyage of discovery consists not in seeking new landscapes but in having new eyes

narito na kami sa yunayted isteyts pagkatapos ng pagkahaba habang byahe. madaling araw na rito ngayon pero siyempre hindi pa kami makatulog. jet lag epeks na sinamahan ng gutom. ngyehehe. pero mamaya makakatulog din ako, i can feel it eh. si jet? nag aayos na. OC talaga yon. gusto kaagad niyang normal ang buhay namin one minute after setting foot in our new home. buti na lang ganito ang ugali niya. at least nababalanse ang pagka gung ho, bahala na attitude ko.

ang hirap. sobrang hirap ng naglilipat. bwakanginangyan. kasumpa sumpa talaga. nagpa FedEx kami ng 12 boxes ng gamit na darating next week. saan ito ilalagay? yan ang tanong. may ilang araw pa para pag isipan kung saan. hulaan ninyo kung ilan ang dala naming baggage sa flight? sirit… anim na checked in bags at apat na hand carry. oo virginia, sampung bagahe (buti na lang hindi kami siningil ng singapore airlines dahil siguradong overweight kami. dahil nga sa sobrang dami ng dala namin eh mayroon kaming nakalimutan na i-claim at binalikan ko pa sa LAX airport kanina. ang hirap palang makaiwan ng bag sa airport sa amerika. lahat ng tinanungan ko mali ang binigay sa akin na information kaya akyat baba ako sa arrival at departure ng airport. marami rin palang tanga sa amerika. hehehe.

pero in the end, ok namang lahat. nabawi ko ang lost luggage pagtapos makipaghabulan sa tauhan ng singapore airlines. nakakuha na kami ng rental car at nakapagbyahe na papunta sa aming temporary tahanan dito sa mission viejo. oo nasa orins kawnti na kami at excited na sa kung ano ang ibibigay sa amin ng tadhana rito.

The University of Nebraska says that elderly people that drink beer or wine at least four times a week have the highest bone density. They need it – they're the ones falling down the most

narito na kami ni jet sa airport and on our way to la. pinaghalong lungkot at saya. mami miss ko talaga ang singapore kahit papaano. it has been home for four years. binigyan niya kami ng sustento, security, di mabilang na exciting experiences at maraming kaibigan. iba iba ring klaseng mga tao ang na meet namin itong mga nakaraang taon. may mga halos magdugo ang ilong sa pangungulangot, mayroong malakas pa sa kanyon ang putok at mayroon ding mga mas kupal pa sa tutuong kupal. bagay na madalas kong ikatuwa at ikwento rito. ngayon ang last entry ko sa singapore adventure namin ni jet at mami miss ko silang lahat.

Continue reading

"I like flowers, I also like children, but I do not chop their heads and keep them in bowls of water around the house.

bigote atsaka balbas simula nang umakyat ako sa mount apo two weeks ago, hindi na ako nag ahit. pang good luck ko ito pag may ginagawang project. normally, i don’t shave until the project’s complete. hindi pa rin ako nag ahit hanggang sa pagdating dito sa singapore kaya medyo mahaba haba na rin. laking gulat nga ng mga kasama ko sa opisina nang mag drop by ako kahapon to get my mail. bigla ngang may sumigaw na kaopisina kong singapaporean na “ABU SAYYAF”. eh di siyempre, narinig nila ang standard reply ko sa ganitong typical bastos na cliche, isang malakas na – “SO, YOU WANT ME TO CUT YOUR FUCKING HEAD OFF”. ayun, natahimik din ang kupal kahit papaano.

Life is not a journey to the grave with intentions of arriving safely in a pretty well-preserved body, but rather to skid in broadside, thoroughly used up, totally worn out and loudly proclaiming … WOW! What a ride!

bakit OK sumakay ng singapore airlines? 1. masarap ang pansit bihon guisado doon sa kris flyer lounge sa NAIA. 2. libre ang singapore sling sa eroplano (naka dalawa ako ngayon). 3. masarap panoorin ang mga stewardess pag tumutulong silang mag lagay ng mga bag sa compartment. 4. minsan masarap din daw pag nasa aisle seat ka at madikit ang mga stewardess sa braso mo.

kamusta naman ang trip mo to singapore? ewan ko, tulog ako buong flight. pero mayroong small periods na gising. just awake enough to say to the stewardess – “i like the tanigue fish meal” and then eating it before losing consciousness once more. binabawi ko pa rin ang puyat sa mount apo last week.

Continue reading