nung sabado, nag hatid-sundo ako kay jet sa kanyang driving school sa san juan capistrano. memorable ang lugar na ito sa akin kasi nung araw, napapanood ko ito parati sa TV. sikat kasi ang capistrano dahil sa mga ibon na bumabalik balik dito during spring time. nung bata ako, akala ko eh manok yung mga ibon na iyon – oo virginia, akala ko nung una eh “the chickens of capistrano”. na imagine ko nga ang libo libong mga manok na lumilipad taon taon galing sa kanilang winter home sa south america. nawala lang ang image na ito nang tumada ako kasi malaman ko na: una, hindi lumilipad ang mga manok, at ikalawa – mga swallows pala ang tawag sa mga ibon na nagpasikat sa san juan capistrano. bakit ba swallows ang tawag sa mga ibon na ito? mahilig ba silang lumulon? hindi ko alam. wala akong kakilala na nakaka alam. ayon sa aking pagbabasa, ang mga swallows pala ng capistrano ay galing pa ng argentina! siguro mahilig sila sa carne norte (ngyahaha, ang corny ko). ang total distance from argentina to san juan capistrano ay 7,500 miles one way (samakatwid – 15,000 miles ang travel nila back and forth kasi 7,500 taymis 2 equals 15,000). ang galing ko sa math ano? hehe. engineer kasi ako eh. pero bwakanginangyan, ang haba ng byahe nila at bilib ako sa lakas ng resistensya nila – para silang mga lance armstrong ng mga ibon.
Category Archives: Uncategorized
Yea, though I walk through the valley of death I will fear no evil, for I am the meanest son of a bitch in the valley
T: anong katangian ng mga amerikano ang gusto mo?
S: that they love to bitch about things. gusto ko yung fact na mahilig silang magsalita at mag voice out ng mga opinions. that in a meeting, you can shout at each other about work related matters pero pagtapos ay back to normal. walang personalan, ika nga. gusto ko yung exchange ng mga opinion – nagiging mas creative ako sa mga ginagawa ko dahil nakikita ko ang lahat ng mga angulo. gusto ko yung fact na pag may sumingit sa pila, may sisigaw sa likod na puno ng mga salita tungkol sa mga part ng lower anatomy. it’s a refreshing change from the way asians do it (ie, tahimik, timid, keeping things to themselves).
T: anong katangian ng mga amerikano ang ayaw mo?
S: that they love to bitch about things. too much sometimes. bitch, bitch, bitch, bitch, bitch. the weather’s too hot – bitch. the weather’s too cold – bitch. the gas prices are over $3 – bitch. walang kape sa coffee pot – bitch. mas maliit yung actual order na pagkain sa fastfood kaysa doon sa nakalagay sa picture – bitch. ultimo kaliit liitang bagay – bitch, bitch, bitch, bitch, bitch. minsan nami miss ko tuloy how asians do it (ie, tahimik, timid, keeping things to themselves).
If toast always lands butter-side down, and cats always land on their feet, what happens if you strap toast on the back of a cat and drop it?
dear unkyel batjay,
nagising na lang ako kaninang umaga na may malaking sugat sa paa. hindi ko alam kung paano ko ito nakuha. palagay ko ay nakamot ko ito habang ako ay natutulog. hindi ko nga ito namalayan – sobrang lakas siguro ng pagkamot ko. mahapdi nga ngayon at nahihirapan akong maglakad. ano ba sa tingin mo ang dapat kong gawin?
nagmamahal,
gentle reader
There Are Three Kinds of People – Those Who Can Count and Those Who Can't
ito ang hitsura ng opisina ko dito sa california. mayroon akong “room with a view”, bagay na labis kong ikinatutuwa. pag silip ko nga sa labas, bukod sa mga sira ulo at malilibog na kuneho, nakikita ko ang basketball court at ang beach volleyball area. tuwing tanghali, maraming mga taong naglalaro at pinapanood ko sila habang kumakain ng lunch. ang galing nga ng opisina namin (actually “campus” ang tawag namin dito), it has something for everyone. i love my job. bagay kasi ang kumpanya sa personality ko. i love the irreverence and the culture. i also love the free food, but that’s another story. dito lang ako nakakakita ng mga nagtatrabaho ng naka shorts, mahilig sa rock music at kung ano anong mga twisted na personality ng mga empleyado. gusto ko rin yung individual na dekorasyon ang ginagawa sa mga kwarto at cubicle sa opisina. bawat pwesto ay reflection ng personality ng mga taong nagtatrabaho doon. mayroong cublicle na para kang nasa loob ng sports car, mayroon namang para kang nasa space ship, mayroon parang amusemnt park, ang iba naman ay puno ng mga gadgets, maraming mga litrato ng mga anak at kung ano ano pa. yung opisina ko ay medyo ‘ala pang laman dahil kulang sa oras mag ayos. pero at the moment, hindi naman siya exactly totally bare. bukod doon sa “bird poop for sale” sign ko, mayroon akong mga sumusunod:
Ashen-Lady. Give up your vows. Save our city. Ah, right now
dear unkyel batjay,
pag nangungulangot po kayo habang nagmamaneho, saan po ninyo ito ipinapahid?
respectfully yours,
gentle reader
The scientific name for an animal that doesn't either run from or fight its enemies is lunch
ang distansya from our apartment to my office is around 2 miles. maraming salamat sa inyo my dear prens, at bigla akong nagkaroon ng sipag na alamin kung gaano ito kalayo sa metric system – ang sagot ay 3.218688 km. o sige, para walang kalituhan, sabihin na lang natin na limang minuto lang ako from home to work. sapat na oras ito upang mangulangot habang nagmamaneho. hehe. pero not enough to enjoy my music. ang isa pa naman sa mga paborito kong gawin ay makinig ng musika habang nagmamaneho (clapton, springsteen, binky lampano). since 5 minutes away lang ako eh minsan hindi ako nakakatapos ng isang kanta. bitin na bitin. minsan nga pag maganda ang kanta, sadya kong binabagalan para marinig ko ang mga tugtog ng buo. ang musika ay parang time machine. minsan magugulat ka na lang at biglang may kantang magpapaalala sa iyo, very vividly, ng mga nangyari sa buhay mo. tulad kanina, bigla akong nasenti dahil biglang tumugtog yung ending song ng voltes v habang papauwi ako (ito yung “oyani kaldereta“). pakiramdam ko eh para ulit akong ten years old. naalala ko rin tuloy yung time na pinahinto ni marcos ang voltes v, bwakanginangyan. pero that’s another story.
A summer's sun is worth the having
weird talaga ang mga taga north america. habang ang buong mundo ay nag se-celebrate ng labor day sa may 1, pinili nila ang unang lunes ng september para sa kanilang version ng labor day. pero ok lang. at least mayroon kaming three day weekend. nakapag pahinga ako ng kaunti. siguro, hindi na rin ako dapat magtaka. eh dito na lang yata ginagamit ang miles at gallons. bagay na lubos kong ikinalilito. hanggang ngayon, pag may nagsabing “i live two miles from work”, wala akong idea kung gaano ito kalayo. sanay kasi ako sa kilometer. pag may nagsabing “a gallon of gas here in orange county is about $3 on average”, tumatango na lang ako at nagsasabing “that’s too fucking expensive” even though hindi ko alam kung gaano karami ang isang gallon. isang litro, alam ko agad dahil kabisado ko ang size ng bote ng coke sa pilipinas. sa temperature din mas nakakalito. pag may nagsabing “it’s one hundred and seven degrees outside”, naiisip ko agad eh over na ito sa boiling point ng tubig at malapit nang magunaw ang mundo dahil natutunaw na ang polar ice caps. tapos bigla kong maiisip na degrees farenheit nga pala rito at hindi celcius na nakasananyan ko. nakakalito tagala rito sa amerika. parang paatras nga ang takbo ng mundo minsan. buti na lang nga hindi counter clockwise ang andar ng mga relo rito. that would have been too much to take.
Twinkle, twinkle little bat How I wonder what you're at! Up above the world you fly, Like a tea-tray in the sky
eto nga pala ang typical eksampol ng paniking mababa ang lipad. native ang species na ito sa california. pero akshuli, nag originate sila sa pilipinas. ang pagkakasabi nga ng mga naturalist eh malamang daw na nahipan sila ng malakas na hangin at napadpad dito nung magkakadugtong pa ang asia sa america millions of years ago. rare na raw ang paniking ito at actually nasa endangered list na. ang pinaka dahilan daw ng pagiging rare ng paniki na ito ay mainly because of diet. wala kasing kasoy sa california na siyang pinaka food source ng paniking ito. isa pa raw dahilan ay ang mating rituals nila na kakaiba kasya sa mga regular na paniki. mahilig kasi sa sex ang species na ito pero nagagawa lang nila ito habang nakabitin sa loob ng mga kweba. ang kaso nga eh may kakingkihan sila at hindi pwedeng walang 69 position. pag ginagawa nila ito eh nahuhulog sila sa kanilang kinakapitan at nauumpog sa sahig ng kweba. karamihan sa kanila ay nababagok, nasisiraan ng ulo at di magtatagal ay namamatay. yung mga suswertehin na mabuhay (tulad ng paniki sa picture) ay nagiging sex maniac.
commercial muna bago tayo magpatuloy sa regular programming: thank you nga pala kina Sassy Lawyer at Yuga sa pag feature ng “The Rebels Without Because” sa “The Philippines According to Blogs”. ang community website ay blog op da weak this week.
Sure, the lion is king of the jungle but airdrop him into Antarctica, & he's just a penguin's bitch
dear unkyel batjay,
alam ko po na matagal kayong tumira sa singapore at marami kayong alam sa history at culture nito. interested po kasi ako doon sa “merlion“, na pinaka symbol ng singapore – ito po yung half lion at half fish na mythological creature na parating nasa mga travel brochure at postcards na galing sa singapore. mayroon po ba kayong background kwento tungkol sa creature na ito? kakaintriga po kasi ako eh. saan po ba ito nanggaling? bakit po ganoon ang hitsura niya? yon lang po unkyel at kamusta na lang sa inyo.
nagmamahal,
gentle reader
dear gentle reader,
yung leon kasi at yung galunggong ay nag sex. nabuntis ang galunggong at ang lumabas ay merlion. actually, parang ganito rin nagsimula ang siokoy. doon sa siokoy naman, may nag sex na babaing bangus at bading na mangkukulot.
ingat,
unkyel batjay
Only in America – do we leave cars worth thousands of dollars in the driveway and put our useless junk in the garage
gusto ko lang ipaalam sa inyo mga dear brader en sister na natapos na po ang aking actual behind the wheel driving test kaninang tanghali. nakakatakot din pala na may katabi ka sa kotse na taong may kapangyarihan sa buhay mo. taong pwedeng mag decide kung kotse or bisikleta ang dadalhin mong sasakyan sa amerika. oo, ninerbyos ako virginia. but not too much. confident naman ako sa kakayahan ko dahil mahigit 15 years na naman akong driver. but you can never know what can happen kaya naroon pa rin ang kaba. kotse ng kaibigan namin ni jet ang dala ko para sa test – lucky car daw iyon at marami nang mga naipasang mga wannabee drivers na tulad ko.
