Well, I'm leaving in the morning as soon as the dark clouds lift

ang topic ngayon sa “rebels without because” ay tungkol sa mga multo. malapit na kasi ang holloween at araw ng mga patay. kaya kung may oras kayo, imbis na magkamot ng galis eh baka gusto ninyong basahin ang mga entry doon. toka ko ngayon kaya nag post ako ng top 10 places kung saan magandang makakita ng multo – sana matakot din kayo tulad ko.

Continue reading

There's one for you, nineteen for me

isa sa mga mahirap ma take dito sa california ay ang damiing bawas sa suweldo. tinitingnan ko nga ang payslip ko eh parang litanya ng dasal ang mga deductions – income tax, preyporas. state tax, preyporas, disability tax, preyporas… enso-on, enso-port. AMEN.

isa isahin nga natin – may income tax na super laki (sabi ko nga 3 times more than what i paid for in singapore). may state tax na pupunta kay governor arnie (bwakanginang i’ll be back na yan), may old age survivor and disability Insurance (ano bang ibig sabihin nito? may suwledo ka pag tanda mo at buhay ka pa?), may disable tax (ano ito – disability insurance na, disable tax pa), may life insurance, mayroong legal fund (para pag nahuli ako ng pulis, may darating na abogado na aareglo sa kaso ko), may 401K contribution, health care deductions (nagamit na namin ito para sa pag pagamot kay jet), may dental plan para pag nagpa pustiso ako ay maliit lang ang bayad (gusto ko kasing gawing puro bagang ang ngipin ko, hehehe) at panghuli ay ang vision plan – para yata ito sa kung sakaling lumabo ang mata ko dahil sa sobrang pagjajakol.

If The Phone Don't Ring, You'll Know It's Me

dear unkyel batjay,

naging americanized na ba kayo? balita ko kasi yung mga pilipino na nagpupunta diyan sa amerika nagbabago ang mga ugali.

yon lang po,
gentle reader

Continue reading

TRUE ART IS CHARACTERIZED BY AN IRRESISTIBLE URGE IN THE CREATIVE ARTIST

maraming salamat kay bossing idol para sa special cartoon above that was made especially for this blog entry

kaya pala nagiging ulyanin na ako. sa sobrang pangungulangot eh nakukuha unti unti ang utak ko.

kung mayroon kayong oras na libre, imbes na mangulangot o kaya magkamot ng pwet, puntahan ninyo at basahin ang nakakabaliw, nakakaaliw at magandang THE BLOGTOONIST – site ito ng idol ko’t kaibigan na si dengcoy miel. sa mga hindi pa nakakakilala sa kanya, si dengcoy ay isa sa mga pinakasikat na editorial cartoonist sa buong mundo. based siya sa singapore at nagtatrabaho sa singapore straits times. he has published many books and his work has been exhibited in many countries. syndicated din ang mga cartoons niya in many newspapers and magazines all over the world. siya rin nga pala ang gumawa ng caricature namin ni jet na nakikita ninyo sa unahan ng blog ko. napakabait at napaka humble na tao. kahit sikat si dengcoy ay napaka approachable niya, simple dumiskarte at magaling makisama. talking to him, you’ll discover his deep intelligence and his kind soul. a true blue pinoy. magpunta kayo sa site niya at basahin ang mga entries and admire his cartoons. leave a comment – sabihin ninyo galing kayo rito at pinadala ko kayo doon sa site niya.

Clouds come floating into my life, no longer to carry rain or usher storm, but to add color to my sunset sky.

bumalik na ulit ang dati kong routine nung nasa singapore pa kami. nagkakamot ullit ng betlog sa umaga? hehehe. hindi naman. mag iisang linggo na akong nag e-excercise. palakad lakad ng 30 minutes around our apartment pagtapos ng trabaho. masarap maglakad dito sa amin. medyo malamig na kasi pag early evening kaya hindi masyadong nakakapagod. maraming mga tao ang health conscious dito kaya marami akong kasabay sa kalye. iba ibang age group – from super lola (hindi yung paputok, gagi) to middle age kyut pinoy (ako yon – ngyahaha). nagbabatian kami ng “gud ibning” at “hello” kaya pakiramdam ko eh para akong member ng isang malaking jogging federation. it feels good kahit minsan alam mong parang walang laman ang bati. para ngang eksena right out of a louis armstrong song. hindi “hello dolly” gago. yung “what a wonderful world” (i.e. “i see friends shaking hands saying how do you do”). bawat gabi pa ng paglalakad ko ay may kasabay akong magandang sunset. isa ito sa highlight ng aking araw. makulay kasi ang mga sunset dito sa orange county at minsan nga feeling ko eh wala akong karapatang makita ang tanawing ito dahil sa sobrang ganda. suwerte lang siguro.

GROW APPLE TREES AND HONEY BEES AND SNOW WHITE TURTLE DOVES

one sure sign na ang kakilala ninyo ay lumaki during the 1970’s pag nagsabi siya ng:

1. “toga” imbes na “sapatos”

2. “yoyo” imbes na “relos”

3. “bread” imbes na “pera”

4. “stir” imbes na “pinapaikot mo lang ata ako eh”

5. “farout” imbes na “wow, ang galing!”

6. “magkano ang score mo diyan” instead na “magkano ang bili mo riyan”

7. “toma” instead na “inom”

8. “sindihan na yan” imbes na… ano bang current name para dito.

IF IT MAKES YOU HAPPY, THAT'S GOOD ENOUGH FOR ME

nung araw, sa marikina shoe expo pa kami dumadayo para lang makabili ng sapatos, ngayon narito na kami sa california at marami nang available na sapatos na kasya sa akin. how time flies. although malayo na kami sa shoe stores ng aking childhood, we still make long journeys para makita ang tamang style na gusto ko at pinakaimportante ay tama ang price. nakabili ako sa cabazon. isa itong factory outlet malapit na sa palm springs. lagpas 200 miles (over 300 kilometers) nga ito sa amin, back and forth. kung sa maynila ako nagsimula, nalagpasan ko na ang baguio. pero ok lang naman ang mga ganitong distansya rito sa amerika. maganda kasi ang mga kalye kaya mabilis ang takbo ng mga sasakyan. di mo mapapansin na malayo na pala ang narating mo. mabuti nga’t nagpunta kami roon, at least naipasyal ko si jet kahit papano. dami nga rin niyang nabili kaya masaya rin siya. ako man ay ok din kahit nakiskis na naman ang pobreng credit card.

Continue reading

And I don't even care to shake these zipper blues, and we don't know just where our bones will rest – To dust I guess

pag medyo pagod na sa kakalakad sa cubao, diretso nood muna ng sine. either coronet, diamond or new frontier. naalala ko, parating malagkit ang mga sahig ng mga sinehan nung araw. siguro dahil sa mga natapon na coke. SANA, dahil sa mga natapon na coke. baka kasi may mga manyak na mahilig mag mariang palad at sa sahig pinatatalsik yung kanilang, ahem, semilya. i digress – anyway, paglabas sa sine, pasok naman sa fiesta carnival – sakay sa roller coaster na maliit o kaya laro ng mga video games – either pong, night rider, brick game or space invaders. pacman would come later, much to our delight. pag labas mo sa kabila ng fiesta carnival, malapit ka na sa ali mall. masarap umikot doon nung araw dahil marami kang makikitang mga kung ano ano (mga pokpok, mga pekpek, mga anghel na may malalaking pakpak, etc). mayroon pang skate town rink doon pero di ako nagpupunta kasi rocker dude ako at mga disco kid ang mga tambay doon. from ali mall, lakad kami towards COD or the marikina shoe expo para tumingin ng sapatos. naalala ko tuloy yung glenmore shoes commercial sa pinoy rock and rhythm during those times. si pepe smith ang kumanta ng theme song and i remember the lyrics to this day…

“hinahanap mo ba ang tunay na toga
glenmore ang tatak ng sapatos
sa bawat hakbang ay walang paltos
yan ang glenmore shoes

glenmore, glenmore
matibay, may class at may uri
glenmore, glenmore
yan ang glenmore shoes”

TO BE CONTINUED (na naman)

I had the blues because I had no shoes until upon the street, I met a man who had no feet

bumili ako ng sapatos nung linggo. mabuti nga’t narito kami sa amerika. dito lang kasi ako nakakakita ng disenteng sapatos para sa paa ko (oo virginia, dalep-endarayt). size 12 kasi ang paa ko. you know what they say about people with big feet, don’t you? they have big cocks shoes. nagsimula ang problema ko sa shoe size nung pagtapak ko (pun intended) ng 1st year high school. around this time, bigla na lang humaba ang paa ko (oo virginia, parang jinakol dahil biglang laki) at nahirapan na akong bumili ng sapatos sa pilipinas. karamihan kasi ng mga stock sa mga tindahan ay hanggang size 9 lang. swerte na kapag nakakita ka ng size 10. ang ginagawa ko nga bago pumasok sa mga shoe store ay magtanong muna kung ano ang pinakamalaking size na available. nakaka disappoint kasi kapag may kursunada kang sapatos tapos biglang sasabihin sa iyo ng tindera na hanggang size 9 lang sila. ang ginagawa ko nga during those days ay bumisita sa marikina shoe expo sa cubao before the start of classes. nung araw kasi, dito ka makakakita ng mga murang sapatos na may malaking mga size. malapit lang ang shoe expo sa COD. naalala nyo pa ba yung COD? ito yung department store sa cubao na nagpapalabas ng malaking puppet at animatronic show sa balcony nila pag pasko. dinadayo ito ng mga taga maynila during the 1970’s and i remember watching it as a child with my dad. buhay pa kaya ang COD at ang marikina shoe expo? i hope it’s still there.

TO BE CONTINUED TOMORROW