Madman drummers bummers and indians in the summer with a teenage diplomat

PRIMITIVE last july, nagpunta kami ni jet sa mount apo dahil may tinulungan akong mga kaibigan na gumawa ng power plant. nagulat ako pag akyat ko sa itaas kasi halos lahat ng mga building doon ay may mga nakapakong ginupit na bote ng mineral water. nalaman ko na ito pala ang kanilang mga primitive cell sites. mahina kasi ang signal ng cellphone sa mount apo kasi yung mga tutuong cell sites ay nasa davao at cotabato. pero mayroong mga hot spots doon kung saan pwedeng tumaas ng mga 1 or 2 bars ang signal ng cell phone mo – just enough to receive and send text messages. kaya ang ginagawa ng mga engineer doon ay maghahanap ng hotspots (kadalasan ay nasa gilid ng mga building – ewan ko kung bakit ito dito nakikita, siguro dahil may amplification ng signal yung mga corners ng buildings). anyway, pag nakakita sila ng hotspot, mag gugupit nga sila ng mineral water bottle at ipapako nila ito sa pader para pwedeng paglagyan ng cellphone. pag pasok ng text, babasahin nila ito. sasagot tapos ilalagay ulit doon sa “CELL SITE” para mag transmit. filipino ingenuity at its best.

actually importante ito, kasi may nabasa ako dati sa site ni ate sienna na isang pinoy na naaksidente habang gumagamit ng cellphone. nagpadala nga sila ng mga dasal thru text message:

LEts pAuse 4 a wHile & prAy 4d sOul f ur bEloVed cO-texTer wHo rcEntLy paSsed aWay…dHil aNg PutAnG_nA!!!nHulog s bUboNg s kkhAnap ng siGnal!!!

Anyone who thinks that they are too small to make a difference has never tried to fall asleep with a mosquito in the room

dear unkyel batjay,

kung bibigyan ka ng pagkakataon para makausap mo ang diyos, ang ang sasabihin mo sa kanya?

gentle reader


Continue reading

When a man's stomach is full it makes no difference whether he is rich or poor

ang advantages at disadvantages ng malaki ang tiyan

ADVANTAGES:

1. pwedeng patungan ng tasa pag umiinom ng kape
2. mas masarap kamutin pagkatapos kumain
3. mas madaling lumutang pag nag swimming sa dagat
4. hindi mo na kailangan ng arm rest pag nanood ng sine
5. pag sumakay ka ng jeep, hindi ka pagbabayarin ng driver

DISADVANTAGES:

1. pag nagpunta ka sa beerhouse, sisigaw ang mga bouncer ng “RAID”
2. mahirap lumuhod sa loob ng simbahan
3. mahirap lumuhod sa labas ng simbahan
4. nawawalan ka ng oxygen sa utak pag nagtali ka ng sapatos
5. hindi mo makita ang titi mo pag umihi ka

I couldn't commit suicide if my life depended on it

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DATELINE USA. isang babae na nagpakamatay sa delaware kamakailan ay napagkamalang isang holloween decoration. ayon sa mga reports, ang babae ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigte sa isang puno malapit sa sidewalk kung saan maraming mga nagdadaan na mga tao. may ilang oras nakabitin nang 15 feet (above sea level?) ang katawan ng biktima bago ito na discover dahil ang akala nga ng karamihan, ito ay isang holloween decoration. bayan, ang moral lesson ng report na ito ay – “kung may balak kayong magpapakamatay, gawin ninyo ito sa valentines day”.

ang balitang ito ay inihatid sa inyo ng “birch tree holland power milk, ang gatas na may gata”.


Continue reading

I SEND OUT RED SIGNALS ACCROSS YOUR ABSENT EYES

pumasok ako kanina sa target kasi may pinabibili sa akin si jet. nakasuot ako ng pulang t-shirt and i knew immediately that this was a big mistake dahil red ang kulay ng uniform ng mga empleyado doon. true enough, after a while ang dami nang lumalapit sa akin at nagtatanong kung saan mahahanap ang this and that product. ano pa nga ba ang magagawa ko? eh di siyempre, nginingitian ko na lang silang lahat, binabati ng good evening at pagkatapos ay inililigaw by giving them the wrong directions. ano ba naman malay ko kung saan makikita ang mga tinatanong nila sa akin.

And if the cloud bursts, thunder in your ear, you shout and no one seems to hear

ang isang malaking problema ko rito sa amerika, in particular dito sa california ay ang dry weather. parati kong binibiro na kutis betlog ako. nagiging tutuo na nga yata. one month pagkadating ko rito, napansin ko na nangingitim ang tuhod ko dahil sa sobrang tuyo ng aking balat. nilagyan ko agad ng lotion. pag tagal, nawala naman. after the second month, yung siko ko naman ang namumuti. dahil din siguro sa sobrang tuyo ng aking balat. nilagyan ko agad ng lotion at pag tagal nawala rin. naisip ko nga – what the fuck, nangingitim ang tuhod, namumuti ang siko. kulang na lang tubuan ako ng kulugo sa mukha.

Continue reading

I love walking in the rain, 'cause then no-one knows im crying'

umuulan ngayon dito sa southern california. bigla ko ngang naalala ang tag-ulan sa pilipinas at na home sick tuloy akong bigla. ibang klase nga kagabi – may kulog at kidlat pa kasama ng malakas na pag buhos. nagulat nga ako sa tunog ng ulan na tumatama sa bubong ng apartment. pinikit ko lang nga yung mga mata ko at nag imagine na nasa bahay ako sa antipolo kasama si jet, naghihintay na matapos makaluto si anna banana para makakain na kami ng hapunan. nakakatawa ano, mga simpleng bagay lamang tulad ng tunog ng ulan na dati rati di mo pinapansin, ngayon sanhi na ng pinagsamang melancholy at saya. ano ba ang melancholy sa tagalog? wala yata tayong salita para dito. siguro dahil likas tayong masayahin.

Continue reading

Lights so bright, palm sweat, blackjack on a saturday night

prior to last weekend, hind pa ako nakakarating sa las vegas. ever. marami akong image nito simula nang mapanood kong na nagsasayaw si da king at ann margaret sa pelikula. nadagdagan pa ng mabasa ko’t mapanood ang godfather ni puzo at coppola. at last week nga na devirginize ako sa vegas. teka nga let me rephrase that: nakarating na rin ako sa wakas sa las vegas. it was everything i expected it to be: vulgar, loud, obscene and in your face. i loved it. habang gumagala nga sa strip, panay ang tingin ko sa paligid. pilit kong hinahanap yung suicidal alcoholic character na kamukha ni nicholas cage na kasama yung prostitue character na kamukha ni elizabeth shue.

Continue reading