ang isang pinagpapasalamat ko sa paglipat namin dito sa amerika ay medyo liberal ang kumpanya ko sa medical benefits. ok rin naman nung nasa singapore kami at covered ang medical expenses ko – kung maalala ninyo, nakalibre ako ng maoperahan ako nung sumabog ang appendix ko nung 2003. medyo malaki rin ang inabot ng bill ko dahil muntik na akong natepok.
ngyeniwey, kaya mas maganda ang benefits ko rito eh dahil bukod sa medical, mayroon pa akong dental at vision plan. tapos ang pinakamaganda sa lahat ay kasama pati pamilya. siyempre may dagdag sa monthly kong kaltas pero sulit naman. nagamit na nga ni jet sa kanyang mga regular check-up. malaki ba ang natipid? oo. ang average payment sa specialist ni jet ay mga $400 per session pero $30 lang ang binabayaran namin.
kaya nga ako eh magpapa tingin na rin. nagpa schedule na nga ako ng appointment sa january. magpapa general check-up ako tapos isasabay ko na rin ang pagpapatuli.
NOTE: pakinggan ang MEDICAL BENEFIT PODCAST na ginawa ko para sa mga taong hindi nakakabasa nitong entry kasi lumabo na ang mga mata dahil sa sobrang pag jajakol.