THE HIGHWAY’S JAMMED WITH BROKEN HEROES ON A LAST CHANCE POWER DRIVE

SOJOURN pagtapos ng conference ay may ilang araw na bakasyon. kaya nagbalak kami ni jet na bisitahin ang malapit kong kaibigan na si danny. naka base siya sa wellington kasama ang pamilya niya kaya nag bus kami from auckland going south to the capital of new zealand. pinili naming bumiyahe ng linggo ng umaga para by bus para mayroong scenery. part of the trip’s enjoyment is being able to see and experience the actual traveling itself. para sa akin, yung journey itself ay importante. at di kami nabigo – napakaganda ng kiwi country side. rolling hills puno ng mga tupa, pine forests, snow capped mountains, huge lakes and really kind people. by the time we arrived in wellington, it was very dark already, extremely cold and very foggy. pero lahat ng dilim at lamig ay nawala nang salubungin kami ni danny. may ilang taon na kaming hindi nagkita kaya talagang napakasaya ng aming pagkikita.

PUT YOUR EYE ON THE ROAD, YOUR HAND BEHIND THE WHEEL

DRIVING IN THE WRONG SIDE OF THE ROAD WHILE ON A WINE TOUR Waiheke Island – just off the coast of auckland and 35 minutes by ferry. maraming vineyards all over the island at masarap umikot dito and do a wine tasting tour. napaka scenic talaga ng new zealand. kahit saan ka mapunta ay may maganda at breathtaking na tanawin. at napatunayan ko na naman ang kabaitan ng mga tao rito. twice itong nangyari while on the island – the first time, isang taxi driver na babae ang tumulong sa amin at nagturo kung saan ang papunta sa town centre ng waiheke. yung isa naman ay isang lalaki ang biglang sumulpot galing sa likod ko (much to my surprise, siyempre) at tinuro kami sa tamang daan. muntik na nga akong napasigaw sa gulat. nag rent nga pala kami ng kotse para makaikot sa iba’t ibang mga vineyards. first time ko sa buong buhay na mag drive ng right hand. memorable dahil dito sa new zealand nangyari. hirap nga lang ako dahil baliktad ang mga controls. pag nag left turn signal ako eh bigla na lang akong nagugulat dahil bumubukas ang wiper. hehehe.

SPIDEY IN AUCKLAND’S SKYTOWER

SPIDEY IN aukland ito ang skytower. ang pinakamataas na structure sa buong southern hemisphere. malayo ka pa lang ay makikita mo na ito at nagsisilbing gabay para sa aming mga lakwatserong namamasyal dahil malapit lang kasi ito sa tinutuluyan naming hotel. sa taas ng skytower ay mayroong observatory at bungy jump (sino ba namang gago ang magbabayad ng $200 para tumalon sa mataaas na tower? hehe). mayron din ditong dalawang restaurant. kumain nga kami rito ngayong week. ang ganda sa taas – kita mo ang buong aukland at ang mga karatig probinsya. masarap din ang pagkain. di nga ako nakatiis napakain ako ng maraming talaba. nainggit kasi ako sa mga kasama ko. buti na lang hindi ako sinumpong ng allergy. ang tigas talaga ng titi ko ng ulo ko, ano? sa ibaba ng skytower ay ang skycity casino, ang paboritong sugalan ng mga taga rito. sa tapat nito ay may branch ng denny’s. dito kami kumakain ng breakfast araw-araw. hehe… panay nga ang kain ko ng lumber jack slam – toasted bread, bacon, sau-sah-gue (sausage in english), eggs at ham. sumisikip na tuloy ang pantalon ko. kailangan nang mag excercise ulit kundi uuwi ako sa singapore na parang bolang kanggarot.

THE HILLS ARE ALIVE WITH THE SOUND OF MUSIC

THE HILLS ARE ALIVE WITH THE SOUND OF MUSIC nagpunta kami sa isang rain forest just outside the city. mayron kaming mga trained guides na kasama naming pumasok sa gubat. pakiramdam ko nga ay para akong hobbit at sumusunod sa akin si gollum. boss ko lang pala na naglalakad sa likod ko. bwahahaha! as if by magic, umulan pag pasok namin sa rain forest at umaraw pag labas. proud na proud nga yung guide namin, sinadya raw yon. before going inside the forest, nag picnic lunch muna kami sa isang madamong bulubundukin na pagka ganda ganda. much to the delight ng aking mga colleagues – napakanta nga ako ng “the hills are alive, with the sound of music” with matching patakbo sa tuktuk na parang si julie andrews na paikot-ikot pa. for that great lunch, i had a roast beef sandwich and orange juice habang nakaupo sa damo beside great friends. what more can you ask for? it was a perfect sunny day na may katumbas pang malamig ang simoy ng hangin. perfect.

IT’S A SMALL WORLD AFTER ALL

THE PIANO all star cast ang trip na ito: maraming intsik, koreano, hapon at amerikano. may australians, kiwi, bumbay, thais, malaysians at dalawang pinoy (ako at si jet). all in all mahigit 60 people from all over the world ang kasama namin dito sa aming auckland conference. para na kaming isang malaking pamilya dahil every year nagkikita kami at nagsasalu salo. this year ay mas maganda dahil dumating lahat ng mga big boss namin galing amerika. tuwang tuwa nga si jet dahil mababait daw sila kahit matataas ang position. sabi ko nga ay ganyan talaga sa kumpanya namin, mga cowboy ang mga tao. yan na rin siguro ang dahilan kung bakit gusto ko ang trabaho ko. i am in the company of really smart and cool people. very warm din sila sa amin – siguro dahil talagang likas na mabait kasi ang mga pinoy at magaling makisama. isa pa, cute din ako. BWAHAHAHAHAHA! sabi nga ng katabi kong thai dito sa picture – “helobatjay, yu al belly handsaman”.

THE PIANO

THE PIANO the takapu refuge – limestone cliffs along the black beach coast of the north island. yes virginia – talagang itim ang kulay ng buhangin. ang galing nga. tahanan ito ng libo libong mga ibon. isa na namang breathless kiwi site. i was half expecting holly hunter to show up along the coast, sitting on top of a large black grand piano accompanied by her deaf daughter and her maori lover. alas, all i saw was 60 other people like me – accidental tourists from all over the asia-pacific region, enjoying the day off from their conference. middle of the week kasi, during this time, may one day kaming field trip na pampagana. nung umaga, nag tour kami sa isang brewery na customer namin.siyempre, pagkatapos ng tour ay may free beer. ayun – alas 10 pa lang ng umaga, ngongo na ang salita ko. hehe. naka anim na basong beer ata ako. pero nawala ang lasing ko nang makita ko ang takapu refuge. ibang klase ang ganda niya. gaya ng sabi ko kanina – yung view doon ay parang yung opening scene ng “the piano”. incidentally this classic film was done here in new zealand and was directed by a kiwi – jane campion. now through this trip, i pay homage to one of my favorite movies.

SI KIWIPINAY, ANG PRINCESA NG AUCKLAND

dalawang taon na ang ateng kong si kiwipinay rito sa auckland. matagal na rin kaming magkakilala. sila ni jet at parati ngang nagtatawagan at nagsusulatan. pero ito ang unang beses naming magkita. masaya talaga ang mga unang pagkikita ng kaibigang nakilala mo online. di kami nagkamali ni jet sa pagkakilala sa kanya – mabait na tao at napaka hospitable. binista niya kami sa hotel at ipinasyal sa labas ng auckland. nakita tuloy namin ang mga iba’t ibang tanawin dito na talagang maganda. maraming salamat ateng sa oras at sa abala. na touch kami sa pag spend mo ng weekend sa amin. until next time.

WINDFLOWERS, THEIR BEAUTY CAPTURES EVERY YOUNG DREAMER WHO LINGERS NEAR THEM

jet in aukland ang new zealand ay puno ng bulaklak. lalo na outside of the city – parang nonchalant na makikita mong pasulpot sulpot ang iba’t ibang mga wild flowers in every nook and cranny. at iba ibang kulay – deep shades of purple, bright red and yellow. they grow almost everywhere and are a great addition to the character of the place. i love it. natapilok nga ako nung isang araw dahil sa sobrang kakatingin. the pictures don’t do justice to this place. dapat, bumili na siguro ako ng mas magandang camera. but nonetheless, ang ganda ng kuha ni jet ano, katabi ng mga bulaklak na parang galing sa painting? naalala ko tuloy yung mga eksena ni robin williams doon sa pelikulang “what dreams may come”. jet really loves this place. i guess pag uwi namin next week, malulungkot siya ng husto.

I HAVE A GOLDEN MEMBER

jay and jet in aukland maganda talaga dito sa new zealand. malinis, malamig ang hangin, mababait ang mga tao at walang anghit. at least walang amoy ang mga nakakaharap ko so far, hehehe. narito na kami ni jet sa auckland after the long nine and a half hour flight from singapore. di ko masyadong ramdam dahil sa magandang serbisyo ng crew ng singapore air lines. pinagsilbihan talaga kami ni jet. kahit nasa coach lang kami ay extra special ang serbisyo nila. inggit na inggit nga yung katabi ko sa kabilang row. nagseselos siguro at di siya pinapansin ng crew. akala ko nga eh susungaban ako ng bruha.

stewardess: “are you batjay?”
batjay: “sorry but i’m already married”
stewardess: “excuse me, are you batjay?”
batjay: “ay-olredi-peypor-maytiket”
stewardess: “???”
batjay: “yes, i am he. why do you ask?”
stewardess: “you are a gold member”
batjay: “i have a golden member?”
stewardess: “a gold card member and you are special to us.
batjay: “ah ok”
stewardess: “and we want to serve you first.”
batjay: “then, kneel before me and worship my beautiful body”
stewardess: “dream on, asshole”
batjay: “aybegyorpardon?”
stewardess: “what do you want for dinner, chicken or fish?”

TAKE ME TO A ZOO THAT’S GOT CHIMPANZEES, TELL ME ON A SUNDAY PLEASE

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong ( doorbell sound epeks ng time check)

KUALA LUMPUR – a 70 year old malaysian man, shot his wife using a shotgun pagkatapos niya itong mapagkamalan na isang unggoy na namimitas ng mangosteen sa kanilang backyard. napagalaman na ang kanyang 68 yr old wife ay gumamit ng hagdan para umakyat sa mangosteen tree nang ito’y mabaril. di na ito umabot sa hospital ng buhay.

MORAL LESSONS: 1. huwag kang aakyat ng puno pag ikaw ay may asawang galit sa unggoy. 2. kung gusto mong barilin ang asawa mo, huwag mo na siyang paakyatin pa ng puno. 3. next time, find a better alibi – don’t use da poor monkey as an excuse.
Continue reading