UMUUTOT DIN BA ANG ISDA?

maaga akong nagising kanina dahil alas sais ng umaga ang flight ko. alas kwatro y medya pa lang ay pababa na ako sa hotel lobby. pag sakay ko ng elevator ay hindi ko napigilan na mautot. iniisip ko, maaga pa naman… sana wala akong makasabay. medyo mabaho kasi. sa sobrang bahu nga eh pati ako ay nabahuan. siguro kasi enclosed ang space. isa pa ay di ko nailabas ang kinain ko kagabi but let’s not go there. anyway, nautot nga ako at ok na sana dahil ako lang mag-isa sa elevator. kaya lang a few floors after i farted, biglang bumukas ang pinto at may pumasok na stewardess sa emirates airline. nginitian niya ako pero bigla siyang napahinto at sumimangot. palagay ko ay naamoy rin niya ang utot. sasabihin ko sana eh – “nakikiamoy ka na nga lang, ikaw pa ang galit“. kaya lang, di ko alam itong sabihin sa english kaya dinedma ko na lang siya at yumuko. pag bukas ng pinto sa lobby ay tumakbo na lang ako papalabas. sana di ko na siya makita ulit.

TOWNSVILLE AND THE PINOY MAFIA

ang townsville ay isa sa mga siyudad sa queensland. pang tiningnan mo ang mapa ng australia, ito ay nasa bandang north east. just above brisbane and below cairnes. katulad ng maraming mga lugar sa australia, mayroong small town feel ang townsville. mababait ang mga tao rito at very accomodating. sa townsville nagsisimula ang isa sa pinakasikat ng natural wonder ng ating mundo – ang great barrier reef. multi cultural ang group namin as usual. si norman ay isang chinese south african na australian citizen. si tom ay german american. si ceci ay filipino american at ako naman ay pinoy kupal.

Continue reading

PERTH TO BRISBANE, BETLOG SA LEEG

narito na kami sa brisbane mylab. umalis kami ng perth ng pasado ala una ng hapon. dalayed dahil nagloko raw ang fuel guage ng eroplano at di nila malaman kung full tank na ang eroplano. sabi ko nga sa stewardess, kumuha na lang ng mahabang stick para masukat nila yung level ng gasolina. wala, tiningnan lang niya ako ng masama. mahaba ang byahe from perth at mahigit limang oras kami. medyo turbulent ang flight at para nga kaming nakasakay sa roller coaster. matagal na akong sumasakay by air pero ngayon lang ako naka experience na nag free fall ang eroplano dahil sa air pocket. umakyat talaga ang betlog ko sa leeg dahil sa matinding takot – akala ko talaga ay babagsak. sa takot ko nga, muntik ko nang akapin yung katabi kong bumbay na amoy sibuyas.

Continue reading

LIPAD, BATJAY, LIPAD!

DARNA! dear mylabopmayn, nagising ako kaninang umaga na malungkot. di kasi kita katabi. naalimpungatan siguro ako dahil sa pag-iisip sa iyo. kaya yon, imbis na amerikana eh yung darna costume ang naisuot ko sa conference namin. masaya naman dahil nung sinubo ko yung bato at sumigaw ng “DARNA” ay nagpalakpakan ang mga tao, lalo na ng biglang umusok. kamukha ko raw si wonder woman. “excuse me“, ang sabi ko sa kanila. “i am darna, the philippine super hero. wonder woman is a pussy“. di sila nakasagot sa akin. marami palang mga pilipino rito sa perth. yung mga electricians ng hotel at yung mga cleaning ladies ay puro pinoy. nagulat nga sila sa costume ko. kamukha ko raw si roderic paulate sa petrang kabayo. pero mababait naman sila sa amin. maganda talaga rito at sigurado magugustuhan mo. di bale, next year punta tayo rito for a vacation para makita mo firsthand. huwag nating itapat ng summer kasi hindi natatakot ang mga makulit na langaw sa headband kong may pakpak. o sige mylab, ingat ka na lang diyan. tawag na lang ako sa iyo mamaya. sana ok ang pag grocery mo kaninang umaga. lab u! batjay alyas darna (without the giants this time).

Blowing through the jasmine in my mind

fremantle doctor” ang tawag sa hangin na umiihip sa perth tuwing late afternoon pag summer. it is said to be the most consistent wind in the world and you can time your clocks by it’s arrival. tulad ng tutuong doctor na nakakapagbigay ng ginhawa sa mga maysakit, ang “freemantle doctor” ang nagbibigay ng ginhawa para sa biktima ng mainit na summer ng southwestern australia. na experience ko ito ngayong hapon dito sa perth… one moment dry heat na talaga namang napakainit. the next thing you know, bigla na lang darating ang walang patid na napaka maginhawang simoy ng hangin.

Continue reading

ZEN AND THE ART OF BICYCLE MAINTENANCE

dalawang araw na akong nagbibisikleta papasok sa trabaho. so far, ok naman. mabilis akong nakakarating sa opisina at maaga akong nakakauwi. nakakatipid ako ng pera at mas healthy pa. pakiwari ko, mga 6 months pa, pwede na talaga akong maging star performer sa gay bar. parati kong sinasabi ito – biking is exhilarating. pero bukod dito, binibigyan ka pa niya ng chance na mag reflect. this is important kasi ang dami mong bullshit na natatanggap as you do your work and the time spent alone to think clearly is precious. ito ang listahan ng mga natutunan ko habang nagmumuni-muni pag nagbibisikleta…

Continue reading

Where no one asks any questions, Or looks too long in your face – In the darkness on the edge of town

GENTLE READER: dear unkyel batjay, welcome back! ang gaganda naman ng pictures ninyo doon sa “jay and jet’s bakasyon ispesyal in kiwiland”. at very interesting din ang kwento ni jet doon sa kanyang latest blog about your stay in auckland. buti pa siya, magaling magkwento – di katulad mong puro drawing. pero, ang tagal mo ring nawala ano? ang galing mo talaga, nakakapunta ka sa mga iba’t ibang lugar. masarap ba ang maging isang byahero?

UNKYEL BATJAY: kamusta na, GR? matagal din akong nawala, ano. masarap ba talagang maging isang byahero? kung ok lang sa iyo ang nakaupo ng sampung oras sa eroplanong masikip na may katabing taong mas malakas pa sa kanyon ang putok. kung ok lang sa iyo ang maghintay sa harap ng isang immigration officer dahil iniisa-isa niya ang mga page ng passport mo na halos kabisaduhin niya lahat ng mga tatak rito. kung ok lang sa iyo ang magbuhat ng bag na sa sobrang bigat ay halos halikan na ng iyong luslos na betlog ang lupa. kung ok lang sa iyong sumagot ng mahigit 600 emails pagbalik mo sa opisina. kung ok lang sa iyo ang umurong ng todo ang iyong pototoy dahil sa sobrang lamig ng klima. kung ok lang ang lahat ng ito sa iyo, eh di oo masarap ang maging isang biyahero.

EMPTY LAKE, EMPTY STREETS, THE SUN GOES DOWN ALONE

LAST DAY IN KIWILAND uuwi na kami mamayang hapon. last day na namin at medyo nagsesenti ako. tinatanong sa akin ni jet kahapon kung malungkot ako’t aalis na kami. sabi ko – oo, medyo malungkot dahil napamahal na sa akin ang lugar na ito. malungkot dahil matagal ulit bago makita ang mga naiwang kaibigan. malungkot dahil marumi nang lahat ang underwear ko. sayang, kung pwede lang sanang magtagal pa. di bale kiwiland, nakamarka ka na sa akin at babalikan ka naming ulit. i’ve enjoyed this wonderful land – with it’s wide open spaces and it’s great people. walang pretense at napaka welcoming. kahit nahirapan kaming kumuha ng visa at kung ano ano pang mga requirements ang hinanap sa amin bago kami na approve. sulit lahat ng ito.

Continue reading

AND I’M GONNA TRY AND THANK THEM ALL FOR THE GOOD TIMES TOGETHER. THOUGH SO APART WE’VE GROWN

LONG LOST FRIENDS special talaga ang mga kaibigan ko sa buhay namin. so special that we would travel ten hours by bus from auckland to wellington just to spend one day with them. si danny ay classmate ko since kinder. he is part of my “classmate, almost like a brother, close barkada” group that is still solid to this day. halos pareho ng pag-alis ko sa pilipas papuntang singapore ang pagbakasakali ni danny rito sa new zealand. medyo minalas lang siya sa simula dahil na aksidente siya sa aukland working as a machinist in a factory. halos naputol ang tatlo niyang daliri (palasingsingan, dirty finger at pangfinger). habang nagpapagaling ay nagbalak siyang mag try sa wellington. eventually, gumaling naman siya (with all fingers intact). yes virginia, gumaling ang kanyang dirty finger at ang kanyang pang-finger. hehehe.

Continue reading

WINDY WELLINGTON

WINDY WELLINGTON WELLINGTON – the capital of new zealand at malaking siyudad south of the north island. umakyat kami nina danny sa taas ng victoria peak. from here kitang kita mo ang buong city. malamig nung umakyat kami pero binaduy ng maraming kiwi ang weather dahil umakyat silang kasama namin na naka short lang at sando – samantalang kami ay balot na balot sa mga jacket at sweater. para bang sinasabi nila sa amin na: “mga ulul kayong turista, go back to your hot country”. hehehe… ang tataba kasi nila kaya may blubber silang extra protection. sana nga ay wala kaming makatabing mga extra large natives sa eroplano pauwi.