On the other hand, you have different fingers

pagkatapos ng ilang taon, nakaapak na naman ako sa sa beloved kong davao. mas special nga ngayon kasi kasama ko si jet. makikita na niya kung bakit gustong gusto ko ang davao. kinuha namin ang 10:20 am cebu pacific trip from manila. ang daming tao sa airport – dami ring mga koreano. mukhang paboritong destination nila ang pilipinas dahil may special phone pa sila doon sa airport para tumawag ng collect sa bansa nila – siguro pag naubusan na sila ng kimchi at soju, pwedeng tumawag para may free delivery.

from davao diretso kami ni jet sa kidapawan. pahinga sandali tapos akyat na dito sa taas ng mount apo. it feels like home. siguro in a former life, dito ako sa bundok nabuhay (bilang isang lamok). when i die, scatter my ashes in this mountain.

SHOOT TO KILL

isa sa mga masarap kainan sa cebu ang SUTUKIL sa mactan island ng cebu. tulad ng mga tagalog (TAPSILOG, LONGSILOG, etc), may mga acronym din ang mga cebuano sa mga pagkain. ang ibig sabihin ng SUTUKIL ay SUgba (ihaw), TUwa (tinolang isda) at KILaw (kinilaw sa suka). nung araw pa ako nagpupunta rito kaya nagulat ako’t medyo maganda na rito ngayon. mas marami nang kainan at na develop na nang husto ang shrine ni magellan at ni lapu-lapu. yung SUTUKIL place kasi sa mactan ay right beside the actual site kung saan pinatay nina lapu-lapu ang dayuhang si ferdinand magellan (ika nga ni pareng yoyoy eh “in march siktin piptin-handred-tweynteewan, wen pilipin was diskowberd by mahdye-lahn”). medyo mahirap lang nga mag explain ng history sa mga foreigner.

Continue reading

MAYROONG HIMALA!!!

LUNES ng umaga. nasa POEA office para kumuha ng exit permit at pinagmamasdan ang isang kilometrong pila na malapit nang tayuan…

BATJAY: malapit na ako sa counter ng POEA, kung may diyos – sana naman ay pag dating ko sa harap ay may makakilala sa akin na empleyado na maawa sa akin at i-process ang exit permit ko. sige na naman po bathala… marami pa akong gagawin sa trabaho at ayokong tumayo at mangulangot sa isang kilometrong haba na pila. please, please, pretty please. ayan na nasa counter na ako. o diyos ko, diyos ko, ito ba’y pagsubok mo…

POEA EMPLOYEE: Brother BATJAY – kilala ko po kayo! taga novaliches din po ako at parati ko kayong nakikita sa simbahan ng talipapa. kilala ko rin mommy mo! AAAY! ang pogi pogi mo pa rin kahit gurang ka na – akina yang application mo, ako nang bahala sa iyo.

BATJAY: MAYRONG HIMALAAAAA!

in less than 30 minutes ay na-process ko ang aking OFW exit permit. the shortest time ever na nangyari ito in 4 years. a good sign – sana swertehin ako ng husto dito sa bayang magiliw ngayong linggo. ang sarap talaga sa pilipinas. ang babait ng mga tao at parating silang nakangiti kahit mahirap ang buhay. i love to be back home.

THE ACCIDENTAL TOURIST

narito na ako sa bayang magiliw. swabe naman ang flight from singapore to manila. pero putangina, grabe pala ang byahe ko. i have been literally living off a suitcase lately and it has been a long and tiring week.

WEDNESDAY, APRIL 6. naghanap kami ng makakainan ng dinner sa new delhi at nagpunta sa isang mall dahil yung kasama kong intsik ay biglang nagkaroon ng craving para sa McDonald’s mcveggie vegetable burger (oo virginia, walang hamburger sa india. magkakapatayan kung nagkataon. HOLY COW eh, alam mo na). it turns out, young mall na pinuntahan namin ay walang mcdo at nagpasya na lang kaming umuwi. medyo minalas lang nga kami dahil yung taxi na sinakyan namin pabalik sa hotel ay tumirik sa gitna ng madilim at nakakatakot na kalsada. buti na lang at may dumaan na tricycle after a while. pinara namin ito at PRAISE BE TO GOD JEEE-ZHAZ, sinakay kami. kung nagkataon na hindi kami sinakay eh baka napilitan pa akong pumara ng camel o elepante. it was that bad.

Continue reading

COMING HOME

iniwan na namin tuluyan ang india. yesterday, we completed our last conference in calcutta. tapos lipad ng madaling araw pabalik sa singapore. shower lang sandali sa bahay tapos balik ulit sa airport para sa flight sa maynila. isang linggo uli na mga conference and meeting clients. masaya ako na uuwi ako pero mas malungkot dahil di ko kasama si jet. medyo ambivalnet nga ang pakiramdam ko. di ko alam kung sa pagod or sa kung anong dahilan. kulang lang siguro ako sa sex.

WITH ALL IT’S SHAM, DRUDGERY AND BROKEN DREAMS

BATA PA LANG AKO, MALIBOG NA AKO mahirap dumalaw sa india. paglabas mo pa lang sa eroplano, para ka nang nasa ibang planeta. major culture shock – mainit, iba ang hitsura ng mga tao, mainit, hindi mo sila maintindihang magsalita, iba ang amoy, mainit. tapos paglabas mo sa siyudad – ibang iba. maingay lahat ng mga panay businang sasakyan, mainit, nakaharang ang ang mga baka sa kalye (HOLY COW!), umeebak ang mga baka sa gitna ng kalsada (HOLY SHIT!), mainit, nakahilera sa gilid ng kalye ang mga tent ng mga homeless. nabanggit ko na ba na mainit? heksuli, nasa mag low forties pa lang ngayon. this time next month – the temperatures will average around 45 to 50 degrees C. that’s the time you’ll hear about people dying of the heat. nakakabaliw talaga ang india. kung di ka sanay rito, you’ll go insane after a while. pero alam mo, mawawala lahat ng mga negative impressions mo about india once you see the taj mahal. it is an impressive piece of architecture. dito mo talaga ma-ri-rialize na india, in spite of all it’s contradictions and ugliness, is a cool cool place.

HE IS SO HORNY

tapos na kami sa show namin sa mumbai last monday. nasa new delhi na kami ngayon. we had a free day today kaya nagpunta kami sa paborito kong lugar in all of india – the taj mahal in agra. i didn’t mind the 4 hour drive to get there. talagang maganda roon. you can’t help but stand in awa at the world’s largst tomb (it took 20,000 worers to build over 22 years). napabigkas tuloy ako kanina – “geez, all that marble for a dead woman”. iba talaga ang nagagawa ng pag ibig.

may kasama kami rito sa india. ang pangalan niya ay “bhogli”. sabi ko sa kanya, baka mag kamag anak kami. how come, ang tanong niya. because, you know, i said, “libog” is my middle name.

Cheerful cheerful flashing a big smile

CLICK TO ZOOM. FROM LEFT TO RIGHT, FRONT TO BACK: (FRONT) SARA, RINA, CHRISTINE, (BACK)EDER, LEAH, JET, OWEN punong puno ng action ang friday ko. muntik na akong hindi nakasama sa bintan, indonesia para sa aming weekend getaway. nakalimutan ko kasi na yung passport ko ay nasa indian embassy. kumukuha ako ng visa dahil may trip ako sa curry land ng end of the month. alas singko ng hapon ay kumakaripas ako ng takbo sa opisina ng travel agent namin upang makuha ang passport ko. nakuha ko ng six. uwi ng bahay at diretso sa ferry terminal kasama sina leah, eder at jet ng seven o’ clock. photo finish. tapos nagsuka ako from start to end sa loob ng ferry. ang yabang yabang ko pa – kain ako ng kain ng tuna sandwich kahit maalon. nakikipag biruan pa’t pakanta kanta. one moment normal ako, the next moment para akong naglilihi. hindi pala maganda ang pakiramdam ng sumusuka sa toilet bowl habang hinahataw ang katawan mo left and right ng malakas na alon. pakiramdam ko eh parang akong na rape ng tatlong sumo wrestler. hah! akala ko ay malakas ang sikmura ko. hindi pala. pero yon lang naman ang masamang nangyari sa buong trip. the rest of the weekend was a blast. one word: PAKINGSHEET ANG SARAP. ay, three words pala. hehehe.

Continue reading

But night comes and starts to sing to me. The moon turns its clockwork dream.

kakadating lang dito sa singapore ngayong gabi. opo mga brader and sister, tapos nang maliligayang araw at panibagong taon na naman ng pagpapakaputa para may maipon na namang pera upang makauwi. cyclic lang naman yan – trabaho… gastos, bakasyon, pasyal. trabaho… gastos, bakasyon, pasyal. parang gulong ng palad. kung mahilig kang magjakol – gulong ng mariang palad. BWAHAHAHA. speaking of gulong: muntik na akong magulungan ng truck ngayong gabi. nag bisikleta kasi ako agad dahil kailangan kong bayaran ang phone bill sa 7-11. after spending 2 and a half weeks in manila, nalito ako sa kalye at nagbisileta on the wrong side of the road. tamang tama naman at paparating ang maliit na truck, head on sa beauty ko. nagkatinginan kami ng driver bago ako nag change lane. nakangiting demonyo. sasagasaan ata akong talaga ng kupal na yon.

Continue reading

THE GREAT BARRIER REEF

Tom, Ceci and BatJay ang highlight ng bisita ko sa australia last week ay ang day tour namin sa great barrier reef. it is an awesome place at talagang mapapa packingsheet ka sa kayang malaking size (in this case, it does matter). the reef stetches from townsville kung nasaan kami nag host ng conference, all the way up to the northeastern most point of australia. sumakay kami ng 2 hour ferry to get to the reef from townsville. masarap ang byahe at wala ka nang hahanapin pa – buffet meals, diving gear at magaling na staff. alam na nila ang magandang diving spots at talagang first class ang service – malinaw ang tubig at punong puno ng mga isda ang hinintuan namin. naghagis nga yung staff ng fish food from the deck. halos mabaliw yung mga isda sa pagsalubong sa kanilang free lunch. naikwento ko na ba na may lumapit sa akin na pating?

Continue reading